"You can't just leave if you want."Gusto kong matawa nang malakas. Sa tono ng pananalita niya, parang ayaw niyang mawalay ako sa kaniya."Bakit hindi pwede? Kahit kailan, wala naman akong naging puwang sa lugar na ito," mahinang sabi ko."That's not true!" matigas na sabi niya. Napasinghap ako nang lumapit siya at mabilis na hinawakan ako nang mahigpit sa magkabilang braso. "Nicole, asawa kita. Ina ka ng anak ko, kaya paano mo nasasabing wala kang puwang sa lugar na ito?"Galit ko siyang itinulak palayo."Siguro nga, Gale, ina ako ng anak mo pero... pero kailanman, hindi ako naging laman ng puso mo!"Gusto kong maawa sa sarili ko. Hindi naman ako ang babaeng ipagsisiksikan ang sarili sa isang lalaking hindi naman ako kailanman minahal."I chose you... is that not enough?" Umigting ang panga niya habang nakatitig sa akin. "Pinakasalan kita, Nicole—""Tama na... You never chose me, Gale! You just married me for the sake of our son!"Uminit ang mga mata ko kasabay ng pagbasa ng pisngi k
อ่านเพิ่มเติม