Para akong tangang tumatawa sa harap niya, pinupunasan ang mga luha gamit ang nanginginig kong mga daliri habang nagmamakaawang huwag niya akong saktan.Nawala na lang bigla ang matapang na babaeng kinatatakutang pagtripan sa La Union. 'Yung babaeng hindi umiiyak sa harap ng karamihan. Matapang kung i-describe sa aming lugar.Pero pagdating dito, nagiging mahina ako. Nagiging tanga ako."Lasing ka na."Sinubukan niyang agawin sa akin ang baso pero mabilis ko iyong nailayo sa kaniya. Gamit ang isang kamay, ipinulupot ko ang braso ko sa leeg niya at mas inilapit ang sarili sa kaniya.Naramdaman ko ang pagkahawak ng malamig niyang kamay sa bewang ko, sinusuportahan ako sa pagkakaupo."Are you happy seeing me hurt, hubby?" Wala sa sariling tanong ko habang nakatitig sa mapupula niyang labi. "I wonder..." Mabigat akong napabuntong-hininga bago siya tinitigan sa kaniyang mga mata. "Do these lips want me, too?"Kasabay ng pagpikit ko—dumampi ang labi ko sa labi niya kasabay ng pagkahulog ng
อ่านเพิ่มเติม