“Sorry… Nagulat lang ako…” paghingi ng paumanhin ni Lianne habang nakatago pa rin sa likod ni Flynn. “Masyado silang maraming energy, ‘no? Nakakapanibago…”“Ayos lang ‘yan. Masasanay ka rin,” sagot naman ng lalaki. “Pero malambing sila. Hindi nangangagat ang mga ‘yan.”‘Puwera na lang kung hindi nila gusto ‘yong tao,’ dagdag ni Flynn sa kan’yang isip, pero hindi niya na ‘yon sinabi pa sa dalaga.“Cherry, Chocolate, doon na muna kayo sa tabi,” marahang pagsita ng lalaki sa dalawa niyang alaga, at kaagad namang lumayo ang mga ito.Ganoon pa man, nakatitig pa rin ang mga ito kay Lianne, at halata ang kuryosidad sa mga mata nila. Doon pa lang, alam ni Flynn na interesado rin ang mga ito sa babae.Kagaya na lang niya.“Hello, Chocolate…” pagbati ni Lianne sa isang corgi, at bigla itong tumahol na para bang natutuwa. Mas tumindi rin ang pagkawag ng buntot nito.Nakatingin lang sa kabilang side si Cherry, kaya binati rin siya ni Lianne. Impit din itong tumahol at inilabas ang dila.“Gustong-
Read more