Para kay Rozen, kung hindi niya kaagad nagustuhan ang isang babae sa unang pagkikita nila, ibig sabihin ay ganoon na rin kahit sa mga susunod pang buwan at taon.Isa pa, may nagugustuhan na siya.“So, Mr. Rozen… Hindi ka ba naniniwala sa love at first sight?” tanong ni Irene, halatang nagugulat sa mga ikinikilos ng lalaki ngayon.Nagkibit-balikat ang binata. “I do, and I don’t. Maybe in between.”“Maganda rin naman ang love at first sight, pero mas prefer ko ang affection na nade-develop habang mas tumatagal. ‘Yong pinaghihirapan at mas pinahahalagahan.”Tumango si Rozen. Tumikim na rin siya ng ulam sa lamesa dahil mukhang inihanda pa rin naman iyon ng ina para sa kan’ya.“Well, you’re right,” sagot niya kay Irene. “Pero sa tingin mo, kung wala kang feelings sa akin, willing ka bang ituloy pa ang dates natin sa hinaharap? Susubok ka pa rin ba?”Hindi kaagad nakasagot si Irene sa tanong na iyon. Sa totoo lang, kung hindi siya interesado kay Rozen nang makita niya ang picture nito, hin
Ler mais