Biglang bumilis ang paghinga ni Lianne nang marinig iyon. Pinasukan siya ng kaba sa dibdib, lalo na at alam niya kung saan iyon nanggaling.Sa kuwarto.“W-Wala iyon… Baka may hinangin lang sa mga gamit ko,” sagot naman ni Lianne at pilit na tumawa. “A-Anyway… Puwede mo na bang tingnan ang sink muna? Pupunta lang muna ako sa kuwarto ko.”“Pero roon galing ang ingay, Ma’am,” wika naman ni Joshua. “Paano kung daga iyon, Ma’am? O magnanakaw? Delikado iyon!”“Baka daga nga…” Kinamot ni Lianne ang batok dahil hindi na rin niya alam ang sasabihin. “Titingnan ko na lang muna kung sakali—”“Ako na, Ma’am!” biglang sigaw ng lalaki bago pa man matapos ng dalaga ang sasabihin. “Babae ka, Ma’am, at mukhang hindi ka rin sanay sa maruruming bagay.”“Kung sakaling daga man ang nandoon, baka hindi mo kayanin. Ako na ang titingin at bahala sa ‘yo, Ma’am Lianne!”Habang nagsasalita siya ay isinuot na ni Joshua ang tsinelas kahit mas malaki ito kaysa nakasanayan niya, at nagtungo na sa kuwarto ng dalaga
Baca selengkapnya