Marahang hinaplos ni Rozen ang likod ng ulo ni Lianne. Hinalikan niya ang noo nito, dahilan para mapatigil ang dalaga.“Lianne…” masuyong pagtawag ni Rozen sa pangalan niya. “Will you be my wife?”Noong una ay pagiging girlfriend lang ang itinatanong niya kay Lianne, pero ngayon, sigurado na siya. Gusto niyang maging asawa si Lianne.Handa na siyang makasama ang babae habangbuhay, pero kung sa pagiging girlfriend pa lang ay ayos lang din naman sa kan’ya.Pero kung papayag si Lianne, handa siyang pakasalan ang dalaga kaagad. Kahit kinabukasan pa.Gusto na rin naman ng ina na magpakasal na siya, kaya wala na ring problema kung sakali.Isa pa, gustong-gusto niya ang dalaga. Hindi lang ang katawan nito, kundi siya mismo. Matagal man bago niya na-realize dahil bago lang sa kan’ya ang ganitong pakiramdam, pero napagtanto rin naman niya ang lahat sa huli.Wala siyang pakialam sa kahit sinong babae noon, pero iba siya pagdating kay Lianne. Marami siyang mga first time na naranasan dahil sa ba
Ler mais