Tumayo na si Lianne, at kahit nahihirapan ay sinubukan niyang huwag humawak sa kahit ano bilang suporta.“Cherry, Chocolate, halika na at uuwi na tayo…”Tila naman katatapos lang manood ng romance movie ang dalawang aso. Nakangiti ang mga ito bago naglakad papalapit kay Lianne.Hindi sanay sa strangers ang dalawa, at hindi rin nila gusto ang presensiya ni Rozen. Kaya naman nang makita nila nila ang lalaki, hindi nila ito tinrato nang kaparehas sa dalaga.Noong dumaan pa nga si Cherry sa gilid ni Rozen, sinadya nitong banggain ang paa niya. Nang tumingin doon ang lalaki, inilabas pa nito ang dila na para bang nang-aasar.Tumaas ang kilay ni Rozen habang nakatingin sa aso. ‘Bakit pakiramdam ko, pino-provoke niya ako?’Napansin naman ni Lianne na nag-iba ang ekspresiyon ng mukha ni Rozen. Bahagyang tumalim ang tingin nito, kaya naman tumikhim siya.“Huwag kang mag-alala… M-Mabait ang dalawang ‘yan. Hindi nangangagat.”Hindi tuloy alam ni Lianne kung puwede niya ba talagang sabihin iyon,
Ler mais