Nag-drive na si Eunice papunta sa restaurant na ‘yon. Kumain na sila roon at si Lianne ang nagbayad.Busog na busog silang dalawa nang umalis. Pagkatapos ay nagtungo na sila sa unit ni Flynn, at sinalubong naman sila roon ng dalawang corgi.“Cherry! Chocolate!” pagbati ni Eunice sa kanila at nilambing ang dalawa. “Na-miss ko kayo, ah!”Kumawag ang buntot ng dalawang aso na para bang nakilala siya. Lumawak naman ang ngiti ni Eunice at hinimas ang balahibo ng mga ito.“Nakapunta ka na rito?” tanong naman sa kan’ya ni Lianne.“Of course. He’s a friend. Dito kami dati nag-bond kasama pa ng iba naming kaibigan,” sagot naman ni Eunice. “Anyway, nalibot mo na ba ‘to? Gusto mo i-tour kita?”“Hoy, loka ka. Hindi naman natin ‘to bahay…” Siniko ni Lianne ang babae.Pagkatapos ay nagtungo siya sa pet room. Nilagyan niya ng dog food ang mga lalagyan, at pinalitan na rin ang tubig.“Ayos lang ‘yon, ‘te. Baka matuwa pa nga si Flynn kapag nalaman niyang nag-ala tour guide ako sa ‘yo rito.” Kumindat p
Ler mais