“‘Yong type mo bang lalaki, guwapo, maganda ang pangangatawan, magaling sa negosyo at sa gawaing bahay?” dagdag na tanong ni Rozen. “‘Yong lalaking kayang hugasan ang panty ng babaeng nagugustuhan niya? At isa pa…”Inilapit niya pa lalo ang mukha kay Lianne na para bang hindi pa sapat ang distansya nilang dalawa.“Isa pa, magaling sa kama, mataas ang stamina, kaya kang paligayahin kahit gaano pa katagal, at ‘yong kaya kang i-satisfy?”Biglang manula ang pisngi ni Lianne nang marinig ang mga katagang iyon.Alam niya na nagbubuhat si Rozen ng sarili niyang bangko sa mga sinasabi nito, pero hindi naman siya nagsisinungaling.‘Totoo naman ang sinabi niya kanina. Talagang mayroon si Rozen ng mga characteristic na iyon,’ isip niya pa.‘Pero may isang bagay siyang ginagawa na ayaw ko.’“Ayaw ko sa mga lalaking lumalandi ng kung sinu-sinong babae sa labas,” sagot ni Lianne habang naniningkit ang mga mata.Naalala niya si Irene na kung makalingkis kay Rozen kanina ay parang Koala, dahilan para
Baca selengkapnya