Huminga nang malalim si Eunice at kinagat ang pang-ibabang labi.“Lianne, makinig ka sa akin, okay?” seryoso ang tono ng kan’yang boses. “Huwag kang papayag. O kung gusto mo talaga siya, at least, huwag kaagad ngayon.”“Bakit?” tanong naman ni Lianne pabalik.Na-curious kasi siya sa advice ng kaibigan. Pakiramdam niya ay malalim ang pinanghuhugutan nito.“Siyempre, hindi mo pa nga alam kung sincere ba talaga siya sa ‘yo, o baka ‘yong katawan mo lang ang habol niya.” Umirap pa si Eunice pagkasabi no’n.Hindi kaagad nakasagot si Lianne, ngunit para sa kan’ya, masyadong harsh ang kaibigan. Hindi naman nito kilala si Rozen, ngunit grabe kaagad siya manghusga.Ganoon pa man, nakaramdam pa rin siya ng hiya dahil sa sinabi ni Eunice. Mas magaling ito sa kan’ya pagdating sa mga ganitong bagay, kaya mas may tiwala siya sa kaibigan kaysa sarili niyang puso.“Basta mag-iingat ka, kasi kapag bigla na niyang pinagsawaan ang katawan mo, ikaw lang din ang masasaktan,” dagdag pang advice ni Eunice.
Baca selengkapnya