Ngumiti naman si Rozen, pero halatang may iritasyon doon.“Miss Irene, confidence is a good thing, pero nagiging pangit iyon kapag sumosobra na,” panimula niya. “Bakit hindi mo na lang i-try magpa-check up next time?”Itinuro niya pa ang ulo, dahilan para mapakurap si Irene sa gulat.Pero hindi pa tapos si Rozen sa kan’yang litanya.“Muntik ko na palang makalimutan. Doktor ka nga pala, at sa confidence mong ‘yan, ibig sabihin magaling ka,” dagdag pa nito. “Pero kaya pagalingin ng doktor ang sarili niya.”“So, I suggest na magpa-appointment ka pa rin. At kung nahihirapan kang gawin ‘yon, puwede ko namang gawin para sa ‘yo.”Sobrang sakit ng mga sinasabi ni Rozen, ngunit nakangiti siya nang malapad na para bang maganda ang mga lumalabas sa kan’yang bibig.Napakurap tuloy si Irene dahil doon, hindi makapaniwala sa mga naririnig niya.Alam niya noon pa lang sa mansyon nila Rozen na matabil ang dila nito, pero hindi niya inaakalang may ilalala pa pala iyon.Namula ang dalaga at naestatwa s
Read more