Umangat ang sulok ng labi ni Rozen dahil sa sinambit ng dalaga.‘Finally, she’s already mine!’ wika niya sa isip, Pakiramdam niya ay naka-secure siya ng isang business deal.Kahit gumamit siya ng kaunting pagmamanipula upang sabihin iyon ni Lianne, mas lamang pa rin ang tuwa sa kan’yang puso, lalo na at sa dalaga mismo nanggaling na boyfriend siya nito.Habang mas inaasar niya ang dalaga, mas lalo lang din siyang nagagalak.Sa sobrang tuwa tuloy niya ngayon, hindi niya napigilang hawakan ang magkabilang pisngi ng dalaga. Hinalikan niya ito sa labi.Naglikha ito ng malakas na tunog na umalingawngaw rin sa hallway.“Very good, my girl,” bulong pa nito sa mahinang boses, pero sinigurado niyang maririnig din ito ni Flynn.Sa ganoong paraan, ipinapakita niya kung sino talaga ang panalo sa kanilang dalawa, hindi dahil itinuturing niya na isang kompetisyon lamang si Lianne.Gusto niya lang ipaalam sa lahat, hindi lang kay Flynn, na sa kan’ya lang ang dalaga, at wala nang iba.‘Anak ng tokwa!
Baca selengkapnya