Matagal man, ngunit hindi sumuko si Rain na hanapin si Lianne. Kapag nakita niya ang dalaga, gusto niyang magtanong kung bakit hindi ito nag-apply sa university kung saan dapat sila mag-aaral.‘Alam kong kaya niya ring pumasa roon. Matalino siya,’ isip pa ng binata. ‘At saka, bakit b-in-lock niya ako sa lahat, na para bang wala na siyang balak makipagkita sa akin kahit kailan?’Pero ngayong magkaharap na silang dalawa, halos hindi siya makapagsalita.Napagtanto niya lang kung gaano niya na-miss ang dalaga, at kahit pigilan niyang ilabas iyon ay nahihirapan siya.“Thank you…” ang tanging sagot ng dalaga at bahagya pang yumuko.Sa mga oras na ‘yon, natutop ni Rain ang hininga.‘Thanks?’ tanong niya sa isip. ‘Katulad pa rin pala siya ng dati. Mabait siya sa lahat, na para bang hanggang pagkakaibigan lang ang kaya niyang ibigay sa mga taong makakasalamuha niya…’“How have you been for the past years?” tanong ni Rain sa mababang tono.“Sakto lang,” maikling sagot ng dalaga.“Do you have…”
Baca selengkapnya