AVA POV “Ma’am, okay lang kayo?” tanong ni George, bakas ang pag-aalala sa boses niya. “Ikaw kasi,” paniniko ulit ni Imelda sa kaniya. “Sino ba si… Ezika?” Nagkatinginan silang dalawa, parang may hindi sila masabi. Magsasalita na sana si Imelda nang bigla akong hilahin ng isang babae papunta malapit sa bonfire kung saan nagsasayawan ang iba. “Ma’am, sayaw tayo! Paminsan-minsan lang naman!” “Naku, hindi ako marunong,” nahihiya kong sagot. “Gumalaw-galaw ka lang po, kahit ano!” Inikot niya ako, at hindi ko maiwasang matawa sa kakaibang galaw nilang parang walang pakialam sa iniisip ng iba. May ilan na tila ginagaya ang tradisyunal na sayaw—may kumpas, may sabay-sabay na hakbang, pero halatang puro saya lang ang pinapairal. Nagkakahawak kami ng kamay at bumuo ng bilog, pinaikot namin ang sarili namin sa paligid ng bonfire. Ang apoy ay sumasayaw kasabay namin—kumakaluskos, kumikislap, parang sumasabay sa ritmo ng tugtog. Napuno ng tawanan ang campsite. Malakas ang musika, at an
Last Updated : 2026-04-19 Read more