Share

The Billionaire's Debt-Paid Wife
The Billionaire's Debt-Paid Wife
Author: Sweet_Spice

KABANATA 1

Author: Sweet_Spice
last update publish date: 2026-04-13 12:55:26

AVA POV

"Ava, nasaan ang kapatid mo?"

Halos mabasag ang boses ni Mama habang papasok siya sa bridal suite. Kanina pa siya pabalik-balik sa pinto, tinitingnan kung may dumarating na make-up artist o wedding coordinator, pero ang mas mahalagang tao ang wala roon.

Inayos ko ang laylayan ng mamahaling wedding gown na nakasampay sa mannequin. "Akala ko po kasama niyo, Ma? Sabi niya kanina, magsi-CR lang siya."

"Isang oras na ang nakalipas, Ava! Thirty minutes na lang at magsisimula na. Nandoon na si Alexander sa simbahan. Alam mo naman ang lalakeng 'yun, ayaw na ayaw niyang pinaghihintay siya!" Hysterikal na ang boses ni Mama. Napahawak siya sa dibdib niya na parang hihimatayin.

Lumapit ako sa kanya para alalayan siya. "Baka naman nasa kabilang kwarto lang si Bella? O baka kinakabahan lang kaya nagpahangin sa garden?"

"Hanapin mo siya! Ngayon na!"

Nagmadali akong lumabas ng suite. Suot ko pa ang simple kong cocktail dress na binili lang sa mall—malayo sa bonggang gown na ipinatahi para kay Bella. Habang naglalakad sa hallway ng hotel, nararamdaman ko ang kaba. Hindi ito ordinaryong kasal. Ang pakakasalan ng kapatid ko ay si Alexander Valderamos—ang bilyonaryong nag-iisang pag-asa ng kumpanya ni Papa.

Dumiretso ako sa banyo, pero wala akong Bella na nakita. Pumunta ako sa garden, wala rin. Hanggang sa mapansin ko ang isang maliit na envelope na naiwan sa ilalim ng vanity mirror sa loob ng dressing room. Ang una kong nakita ay ang pangalan ko.

Ava,

"I'm sorry. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang pakasalan ang isang lalakeng parang robot kung kumilos. Mahal ko si Justin. Nag-decide kaming mag-tanan na lang. Huwag niyo na akong hanapin. Sana mapatawad niyo ako."

Napaupo ako sa tindi ng kaba. "Gaga ka talaga, Bella," bulong ko.

Bumalik ako sa suite na nanginginig ang mga kamay. Pagpasok ko, nandoon na rin si Papa. Magulo ang buhok niya at lukot na ang kanyang barong. Halatang alam na nila.

"Wala siya, 'di ba?" mahinang tanong ni Papa.

Ibinigay ko sa kanya ang sulat. Binasa niya ito at pagkatapos ay parang nawalan siya ng lakas. Napasandal siya sa pader habang si Mama naman ay tuluyan nang humagulgol.

"Tapos na tayo," hikbi ni Mama. "Kapag nalaman ni Alexander na tinakasan siya ni Bella, hindi lang investment ang mawawala sa atin. Gigipitin niya tayo. Alam niyo kung paano gumanti ang mga Valderamos."

"Papa, tumawag tayo sa mga pulis. Baka maabutan pa sila sa airport," suhestiyon ko, kahit alam kong malabo na 'yun.

Tumingin sa akin si Papa. Ibang klase ang tingin niya—puno ng desperasyon at takot. Lumapit siya sa akin at biglang lumuhod sa harap ko.

"Pa! Ano bang ginagawa niyo?" Gulat na gulat ako kaya napaatras ako nang bahagya.

"Ava, anak... ikaw na lang ang pag-asa namin," sabi ni Papa habang umiiyak. "Kailangan mong isuot ang gown na 'yan. Kailangan mong humarap sa altar."

"Ano?! Pa, baliw na po ba kayo? Hindi ako si Bella! At lalong hindi ako ang mahal ni Alexander!"

"Hindi kailangan ni Alexander ng pag-ibig, Ava. Kailangan niya ng asawa para sa image ng kumpanya niya at para makuha ang mana sa lolo niya. At kailangan natin ang pera niya para hindi ako bumagsak sa kulungan!" Hinawakan ni Papa ang mga kamay ko nang mahigpit. "Please, anak. Isang taon lang. Kahit hanggang sa maayos ko lang ang problema ng kumpanya. Huwag mo kaming biguin.

Napatingin ako kay Mama. Akala ko tutulungan niya akong tumanggi, pero lumapit din siya at hinawakan ang balikat ko.

"Ava, kamukha mo naman ang kapatid mo. Kapag nilagyan ka ng makapal na belo, hindi niya agad mapapansin. Sa reception na tayo magpapaliwanag. Ang importante, matuloy ang kasal ngayon. Please, save our family."

"Pero Ma, panloloko 'to. Si Alexander Valderamos 'yun! Paano kung magalit siya?"

"Gagawin natin ang lahat para hindi siya magalit. Just... just say 'I do,' Ava. 'Yun lang ang kailangan naming marinig mula sa iyo."

Tumingin ako sa salamin. Nakita ko ang sarili ko—ang anak na laging second choice lang. Yung anak na laging back-up lang ni Bella. At ngayon, heto ako, hinihilingan na isuko ang sarili kong buhay para sa pagkakamali ng iba.

May kumatok sa pinto. Isang coordinator ang sumilip. "Sir, Ma'am, five minutes. Kailangan na po nating bumaba. Naghihintay na ang bridal car."

Muling tumingin sa akin si Papa, ang mga mata niya ay puno ng pagsusumamo na hindi ko kayang tiisin.

"O-O sige na," pabulong kong sagot.

Parang nabunutan ng tinik ang mga magulang ko. Mabilis nila akong pinagtulungang bihisan. Isinuot sa akin ang mamahaling gown ni Bella. Inayos ang buhok ko at nilagyan ako ng makapal na veil na halos tumakip na sa buong mukha ko.

Habang pababa kami sa elevator, lalong bumigat ang pakiramdam ko. Bawat hakbang, parang mas lalo lang akong nahuhulog sa sitwasyong wala akong kawala. Hindi ko talaga kilala si Alexander Valderamos, pero sapat na ang mga naririnig ko para kabahan ako nang husto. Sabi nila, wala siyang pakiramdam—na pera at negosyo lang ang tanging mahalaga sa kanya.

Pagdating sa simbahan, nakita ko ang maraming reporter sa labas. Maraming bodyguard na nakaitim. Ito na 'yun, Wala nang atrasan.

Bumukas ang malaking pinto ng simbahan. Ang tugtog ay nagsimula na—isang mabagal at nakaka-pressure na kanta. Humawak ako sa braso ni Papa. Nararamdaman kong nanginginig din siya, pero pilit niyang pinapatatag ang sarili niya.

"Tandaan mo, Ava. Huwag kang magsasalita hangga't hindi kailangan," bulong ni Papa bago kami nagsimulang maglakad.

Tumingin ako sa dulo ng aisle. Doon, nakatayo ang isang lalakeng matangkad, nakasuot ng napakagandang black suit. Ang tayo niya ay tuwid na tuwid, puno ng awtoridad. Kahit malayo pa ako, nararamdaman ko na ang bigat ng presensya niya. Siya si Alexander. Ang lalakeng dapat ay mapapangasawa ng kapatid ko, pero ako ang haharap sa kanya sa altar.

Habang papalapit kami, lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko ay hihimatayin ako. Bawat flash ng camera ay parang ay parang hinuhusgahan ako ng lahat.

Nang makarating kami sa harap, kinuha ni Alexander ang kamay ko mula kay Papa. Ramdam ko agad bigat ng hawak niya. Wala siyang kahit anong emosyon sa mukha habang tinititigan ang belo ko.

Nagsimula ang seremonya. Ang boses ng pari ay parang background music na lang sa ingay ng sarili kong kaba. Hanggang sa dumating na ang sandaling pinaka-kinakatakutan ko.

"Alexander Valderamos, do you take this woman to be your lawfully wedded wife?"

"I do," maikli at seryoso niyang sagot.

"And you, Arabella Santos, do you take this man to be your lawfully wedded husband?"

Biglang sumikip ang dibdib ko. Arabella. Pangalan ng kapatid ko ang tinawag. Tumingin ako kay Papa na nasa gilid lang, nag-sign siya na ituloy ko.

"I... I do," halos pabulong kong sagot.

"I now pronounce you, husband and wife. You may now kiss the bride."

Dahan-dahang itinaas ni Alexander ang belo ko. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko, ayaw kong makita ang magiging reaksyon niya. Naramdaman ko ang paglapit ng mukha niya sa akin. Inasahan ko ang isang mabilis na halik sa labi, pero bago iyon, naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa may tenga ko.

"You're not Bella," bulong niya sa boses na biglang nagpakaba sa akin.

Bigala akong nanigas, Alam niya.

"But you'll do," pagpapatuloy niya bago niya tuluyang idinikit ang labi niya sa akin sa harap ng maraming tao.

Pagkatapos ng halik, tumingin siya nang diretso sa mga mata ko. Walang gulat, walang galit—isang malamig na ngisi lang ang sumilay sa mga labi niya habang mahigpit niyang hinahawakan ang braso ko para iharap ako sa mga bisita.

Inalalayan niya ako palabas habang sunod-sunod ang confetti at flash ng mga camera. Sumakay kami sa bridal car nang wala man lang kibo. Pagpasok namin sa loob ng sasakyan, binitawan niya agad ang kamay ko na parang na parang bigla siyang nandiri.

Kinuha niya ang kanyang cellphone at may tinawagan habang ang sasakyan ay nagsisimulang umandar palayo sa simbahan.

"It's done," sabi niya sa kausap niya, habang hindi man lang ako tinitingnan. "I have the replacement. Prepare the papers."

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Violeta Pacetes
maganda kaya ito
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Billionaire's Debt-Paid Wife   KABANATA 111—FINALE

    AVA POVFIVE YEARS LATERMarami kaming pagsubok na dinaanan ni Alexander.May mga unos na kami lamang dalawa ang magkahawak-kamay na humarap at mayroon ding mga pagkakataong halos pareho kaming mawalan ng lakas. Ngunit sa loob ng limang taon, natutunan naming saluhin ang isa’t isa na parang dalawang taong matagal nang pagod sa mundo ngunit sa piling ng bawat isa ay nakakahanap ng tahanan.Sa loob ng limang taon, nabuhay kami nang payapa at puno ng pagmamahal kasama ang anak namin.Si Alexa.Ang panganay naming babae na pinagsamang pangalan naming dalawa ni Alexander.Namana niya ang kulay kastanyas kong buhok at ang malamig ngunit napakagandang mga mata ni Alexander. Ang lambot ng puso niya ay sa akin habang ang katalinuhan at pagiging talentado ay malinaw na sa ama niya namana.Kahit chairman na ngayon si Alexander ng buong Valderamos Group, hindi siya kailanman nabigo na maglaan ng oras para sa amin. Araw-araw siyang umaalis ng mansion sa umaga habang suot ang mamahaling suit at ser

  • The Billionaire's Debt-Paid Wife   KABANATA 110—The Second wedding

    AVA POV Ito ang araw ng kasal namin ni Alexander. Mula pa lamang sa umaga ay tila ibang klaseng hangin na ang bumabalot sa paligid. Ang mansion ng mga Valderamos ay naging mas buhay kaysa karaniwan. Sunod-sunod ang pagdating ng mga mamahaling sasakyan habang abala ang mga staff sa pagsalubong sa mga bisita. Sa labas pa lang ay makikita na ang impluwensya at kapangyarihan ng pamilya nila. Naroon ang buong angkan ng Valderamos. Mga tiyuhin at tiyahin ni Alexander na kilala sa mundo ng negosyo, mga pinsan niyang nag-aral sa ibang bansa, at maging ang matatandang kaibigan ng lolo niya na may hawak ng malalaking kompanya sa loob at labas ng bansa. Ang mga business partners at investors ng Valderamos Group ay isa-isang dumadating habang may kasamang bodyguards at assistants. Ang iba ay kilalang may-ari ng hotel chains, shipping companies, at malalaking corporations. Ang mga babae ay nakasuot ng eleganteng gowns at mamahaling alahas na kumikislap sa bawat tama ng ilaw habang ang mga l

  • The Billionaire's Debt-Paid Wife   KABANATA 109

    AVA POVMakalipas ang ilang araw, dumating rin ang gabi bago ang kasal namin ni Alexander.Bukas na.Bukas ay tuluyan na akong magiging asawa niya sa harap ng lahat.Tahimik ang mundo nang umagang iyon. Ang sikat ng araw na pumapasok mula sa malalaking bintana ng mansion ay banayad lamang, parang marahang humahaplos sa bawat sulok ng silid. Ang hangin ay may dalang malamig na preskong amoy ng mga halamang nasa hardin. Sa unang pagkakataon matapos ang napakaraming unos na dumaan sa buhay ko, pakiramdam ko ay maayos na rin ang lahat.Parang ang lahat ng sakit, pag-iyak, at paghihintay ay unti-unting bumabagsak sa tamang lugar.Habang nag-aalmusal kami ni Alexander kasama ang mama niya, tahimik akong nakangiting pinagmamasdan ang dalawa. Abala ang mama niya sa pagkukuwento tungkol sa magiging bisita sa kasal habang si Alexander naman ay paminsan-minsang tumitingin sa akin na para bang gusto niyang siguraduhing totoo akong nasa tabi niya.Ngunit biglang nabasag ang katahimikan nang tumuno

  • The Billionaire's Debt-Paid Wife   KABANATA 108

    AVA POVHindi ko maipaliwanag ang gaan ng pakiramdam ko habang pinagmamasdan ko si Alexander kasama ang pamilya niya. Para bang ang malamig at tahimik niyang puso na dati ay punong-puno ng galit at distansya ay tuluyan nang natunaw. Ang lalaking minsang piniling lumayo sa sariling dugo ay ngayon nakaupo sa gitna nila, nakangiti, at tila ba sa wakas ay natagpuan na rin ang tahanang matagal niyang hinanap.Habang nakatingin ako sa kanila, may kung anong kirot na marahang dumampi sa dibdib ko.Ganito pala ang pakiramdam ng magkaroon ng totoong pamilya.Iyong may naghihintay sa’yo sa hapag-kainan. Iyong may mga matang puno ng pagmamahal sa bawat tingin. Iyong kahit walang salita ay ramdam mong mahalaga ka.Kung naging ganito lang sana rin ang pamilya ko noon, marahil hindi ko kailanman mararamdaman ang matinding pag-iisa.Si Bella lang ang natitirang taong lubos kong pinagkakatiwalaan at...“Are you okay?”Napakurap ako nang marinig ko ang boses ni Alexander. Agad siyang napatingin sa aki

  • The Billionaire's Debt-Paid Wife   KABANATA 107

    ALEXANDER POVThe courtroom around us became blurry beneath the overwhelming warmth spreading through my chest. The flashing cameras, the loud crying, the endless voices around us faded into the background while Ava wrapped her arms around my waist.Her embrace felt like peace after years of war.Like finally breathing after drowning for too long.Meanwhile, the Reyes family was escorted away by the police one by one.Mr. Santos eventually passed in front of Ava.Their eyes met briefly.Hatred burned within his gaze.But Ava simply stared back at him with empty calmness.No anger.No grief.Nothing.And somehow, that emptiness carried more pain than hatred ever could.I hoped he understood what that look meant.For Ava, he was no longer her father.The paparazzi went completely wild once we stepped outside the courtroom.Questions flew endlessly toward us.“Mr. Valderamos, what can you say about today’s verdict?”“Miss Ava, how do you feel after your father was convicted?”“Is it true

  • The Billionaire's Debt-Paid Wife   KABANATA 106

    ALEXANDER POVThe following days passed like a violent storm that refused to rest.Everything became suffocatingly busy.The company demanded my attention every single hour. Documents flooded my office desk like endless waves crashing against the shore. Meetings piled one after another, investors demanded updates, and the legal team constantly coordinated with us regarding the Reyes case. On top of that, preparations for my wedding with Ava were slowly approaching.And somewhere in the middle of all that chaos, Ava’s mother was lying in a hospital bed while battling stage three cancer.Life truly had a cruel way of mixing happiness and suffering together.Because of my week-long recovery, the workload I left behind became unbearable. Liam practically turned into my right hand these days. He handled most of the evidence gathering against the Reyes family while Leonard assisted him from the shadows. The two of them worked tirelessly, tracing every hidden crime, every dirty transaction,

  • The Billionaire's Debt-Paid Wife   KABANATA 45

    AVA POV Sumapit na ang dilim nang makarating kami sa mansion. Ang buong paligid ay nalulunod sa malamlam na ilaw mula sa mga poste at malalaking chandelier na nakikita mula sa matatayog na bintana ng bahay. Sa labas pa lang ay ramdam na agad ang bigat ng katahimikan. Iyong tipong tahimik na hindi

  • The Billionaire's Debt-Paid Wife   KABANATA 3

    AVA POV Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Ilang sandali pa akong nakatitig sa kisame, sinusubukang alalahanin kung nasaan ako. Hindi ito ang maliit kong kwarto sa bahay nina Papa. Ang ganda ng moldings sa taas at sobrang lambot ng higaan. Doon ko lang naalala. Kasal n

  • The Billionaire's Debt-Paid Wife   KABANATA 2

    AVA POV Sobrang lamig ng aircon dito sa loob ng sasakyan, pero parang wala lang ’yun kumpara sa aura ng lalakeng katabi ko. Alexander Valderamos. Isang banggit lang ng pangalan niya, tiklop na agad ang mga tao sa boardroom. At ngayon, heto kami—mag-asawa na. Tahimik lang si Alexander habang nak

  • The Billionaire's Debt-Paid Wife   KABANATA 20

    AVA POV"So you still have feelings for your childhood friend? Am I right?" tanong niya ulit."Wala na... matagal na po 'yun."May kung anong liwanag na sumilay sa mukha niya. Isang uri ng satispaksyon, may halong tuwa na tila may napatunayan siya sa sarili."Is that so?"Lumunok ako. Hindi pa rin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status