Share

KABANATA 2

Author: Sweet_Spice
last update publish date: 2026-04-13 12:55:50

AVA POV

Sobrang lamig ng aircon dito sa loob ng sasakyan, pero parang wala lang ’yun kumpara sa aura ng lalakeng katabi ko. Alexander Valderamos. Isang banggit lang ng pangalan niya, tiklop na agad ang mga tao sa boardroom. At ngayon, heto kami—mag-asawa na.

Tahimik lang si Alexander habang nakatingin sa labas ng bintana. Hindi man lang niya ako tinatapunan ng tingin o sinusubukang hawakan ang kamay ko. Para lang kaming dalawang strangers na nagkataong magkatabi sa loob ng sasakyan. Walang kibo, walang pansinan.

"Alex—"

"Don't," putol niya sa akin nang hindi man lang lumingon. "Save your explanations for later. We have a reception to attend."

Napalunok ako. "Alam niyo po pala."

Bigla siyang lumingon sa akin. Ang talim ng tingin niya, at walang bahid ng emosyon.

​"I'm not an idiot, Ava. I know who I'm marrying. Or at least, I know who I'm supposed to marry."

Hindi ako nakakibo. Ugong na lang ng makina ang naririnig ko sa sobrang tahimik. Pagdating namin sa hotel para sa reception, pagbukas pa lang ng pinto, nakakasilaw na agad 'yung flash ng mga camera ng media sa labas.

"Smile," bulong ni Alexander. Hinarap niya ako at hinawi ang ilang hibla ng buhok na humaharang sa mukha ko. Kung titingnan ng mga tao sa paligid, mukhang ang sweet niya, pero ramdam ko ang higpit ng hawak niya sa braso ko ay ay mahigpit na parang babala. ​"Make them believe you're the happiest bride in the world."

Dire-diretso kaming pumasok sa grand ballroom. Ramdam ko ang tingin ng lahat ng tao sa amin. Sa isang table sa dulo, nakita ko sina Papa at Mama na halatang kinakabahan at hindi mapakali. Noong nagkatinginan kami ni Papa, agad siyang lumingon sa ibang direksyon. Doon na talaga bumigat ang loob ko. Kitang-kita sa mga mukha nila; alam nila ang ginawa nila sa akin, pero mas mahalaga pa rin sa kanila ang sarili nilang kapakanan.

Umupo kami sa main table. Sunod-sunod ang mga lumalapit para bumati.

"Congratulations, Mr. Valderamos! Napakaganda ng bride mo," sabi ng isang matandang negosyante. "Bagay na bagay kayo ni Arabella."

"Thank you, Mr. Sy," sagot ni Alexander. Inakbayan niya ako at inilapit sa kanya. "She's... unique. More than I expected."

Pinilit kong ngumiti kahit parang naninigas na ang panga ko. "Salamat po."

Nang magsimula ang dinner, nagkaroon kami ng pagkakataon na mag-usap nang kaming dalawa lang habang maingay ang musika sa paligid.

"Anong balak niyo sa akin?" mahina kong tanong habang kunwari ay kumukuha ng pagkain.

Uminom muna si Alexander ng wine bago sumagot. "Anong balak ko? It depends. Where's your sister, anyway?"

"Hindi ko po alam. Umalis siya bago pa magsimula ang lahat."

"And your parents thought it would be a great idea to put you in that gown?" Tumawa siya nang bahagya, isang tunog na walang bahid ng saya. "Very creative. They must be really desperate."

"Paumanhin po. Hindi ko rin ginusto ito," sabi ko, kahit alam kong mahina ang dating niyon.

"You had a choice, Ava. You could have walked away. But you stood there, you said 'I do,' and you wore that ring." Itinaas niya ang kamay ko kung saan nagniningning ang diamond ring. "You're just as complicit as they are."

"Wala akong choice! Makukulong si Papa kung hindi natuloy ang kasal na 'to!" Halos tumaas ang boses ko kaya napatingin ang ilang bisita sa malapit na table.

Hinila ako ni Alexander papalapit sa kanya hanggang sa halos magdikit na ang mga mukha namin . "Lower your voice. We're in a room full of sharks. One wrong move and your father's company will be the least of your worries."

"Nasasaktan ako, Alexander," bulong ko dahil sa higpit ng hawak niya sa bewang ko.

Dahan-dahan niyang niluwagan ang hawak niya, pero hindi siya lumayo. "Listen to me carefully. I have a reputation to maintain. My grandfather is watching, and he expects a perfect wife. For now, you will play the part of Arabella. You will smile, you will dance with me, and you will not say a word to anyone about this switch."

"Paano pagkatapos nito?"

"After tonight, we go to my house. Then we talk."

Tumayo siya at inilahad ang kamay sa akin. Oras na para sa unang sayaw ng bagong kasal. Ramdam ko ang panginginig ng mga tuhod ko habang inaakay niya ako sa gitna ng dance floor. Ang ilaw ay nakatutok sa amin, at ang mga tao ay nagsimulang magpalakpakan.

Inilagay ko ang mga kamay ko sa balikat niya habang ang mga kamay niya ay nasa bewang ko. Mabagal ang kanta, pero ang tibok ng puso ko ay parang nakikipag-karera.

"Bakit niyo itinuloy ang kasal kung alam niyo namang hindi ako si Bella?" tanong ko habang nagsisimula kaming umikot.

Tumingin siya sa akin, ang kanyang mga mata ay parang sinusuri ang bawat bahagi ng mukha ko. "Because I needed a wife today. Not tomorrow, not next week. Today. It didn't matter who was under that veil as long as a Santos signed that contract."

"Contract? Akala ko ba kasal ito?"

"Everything is a contract, Ava. Even this." Lumapit siya at bumulong sa tenga ko, gaya ng ginawa niya sa simbahan. "Your sister saved herself by running away. You, on the other hand... you just signed your soul over to me."

Biglang nanigas ang buong katawan ko. Tumingin ako sa paligid—sa mga mamahaling bulaklak, sa malalaking chandelier, at sa mga taong plastik na nakangiti sa amin. Lahat ng karangyaan sa loob ng ballroom na 'to, pakiramdam ko biglang naging pader na nakapalibot sa akin. Wala na akong takas.

"Don't look so miserable," dagdag niya habang iniikot ako. "People might think I'm kidnapping you instead of marrying you."

"Hindi ba't ganun na rin 'yun?"

Hindi siya sumagot. Sa halip, mas hinigpitan niya ang hawak sa akin hanggang sa matapos ang kanta. Isa-isang lumapit ang mga magulang ko para mag-congratulate bago kami umalis.

"Ava, anak..." Lumapit si Mama para yakapin ako. "Salamat. Hinding-hindi namin ito malilimutan."

Bumulong ako sa kanya habang magkayakap kami. "Ma, ayoko na. Gusto ko nang umuwi."

Humakbang pabalik si Mama at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Pilit ang ngiti niya. "Anong umuwi? Kasal ka na, anak. Ang bahay ni Alexander ang bahay mo na ngayon. Be a good wife, okay? Para sa atin 'to."

Tumingin ako kay Papa. Ni hindi siya makatingin nang diretso sa akin. "Ingat kayo sa biyahe," ang tanging nasabi niya.

Pinanood ko silang maglakad palayo hanggang sa mawala sila sa paningin ko. Naiwan akong nakatayo sa tabi ni Alexander, suot ang gown na hindi sa akin, daladala ang pangalang hindi akin, at papunta sa buhay na hindi ko kailanman ninais.

"Let's go," sabi ni Alexander. "The car is waiting."

Lumabas na kami ng hotel. Madilim na sa labas at ramdam ko na 'yung lamig ng hangin. Bago ako sumakay ng sasakyan, nilingon ko muna 'yung ballroom sa huling pagkakataon. Alam ko sa sarili ko na pag-alis namin dito, hindi na ako 'yung dating Ava.

​Tahimik lang kami nung umandar na 'yung sasakyan. Nakatitig lang ako sa mga kamay ko na nakapatong sa kandungan ko. Habang tumatagal, parang lalong bumibigat 'yung suot kong singsing.

"We're here," sabi ni Alexander makalipas ang halos kalahating oras.

Tumingala ako at nakita ang isang malaking gate na dahan-dahang bumubukas. Isang malawak na driveway ang bumulaga sa amin, patungo sa isang mansyon na gawa sa salamin at bato.

Ipinark ng driver ang sasakyan sa harap ng pinto. Bumaba si Alexander at hindi na ako hinintay na pagbuksan. Sumunod na lang ako, habang hawak ang laylayan ng gown ko.

Pagpasok sa loob, sinalubong kami ng isang matandang babae na naka-uniform. "Welcome home, Sir Alexander. Welcome home, Madam."

"Thank you, Manang. You may go to rest," maikling sagot ni Alexander. "Ava, follow me."

Umakyat kami sa malawak na hagdan hanggang sa makarating sa isang malaking pinto sa dulo ng hallway. Binuksan niya ito at bumulaga ang isang master bedroom na mas malaki pa sa buong apartment ko.

"This is your room," sabi niya habang tinatanggal ang kanyang tuxedo jacket at inihahagis sa sofa.

"Room natin?" mahina kong tanong.

Lumingon siya sa akin at tinaas ang isang kilay. Room yours. I have my own suite. Did you really think we'd be sharing a bed?"

Hindi ako nakasagot. Nakatayo lang ako sa gitna ng kwarto, suot pa rin ang gown ko.

"Get out of that dress and get some sleep. We have a long day tomorrow," sabi niya bago siya lumakad patungo sa pinto.

"Alexander?" tawag ko.

Huminto siya pero hindi lumingon.

"Bakit ako? Pwede niyo naman silang idemanda na lang. Pwede niyo namang ipahiya ang pamilya ko at humanap ng ibang mapapangasawa."

Doon siya lumingon at may kakaibang kislap sa mga niya.

"Because your sister was too easy to read," sabi niya. "But you... you're a blank slate, Ava. And I've always preferred writing my own story."

Pagkasara niya ng pinto, naiwan akong mag-isa sa sobrang tahimik na kwarto. Sinubukan kong abutin 'yung zipper sa likod ng gown ko, pero hindi ko talaga kaya. Napaupo na lang ako at napatitig ako sa malaking bintana—tanaw na tanaw ko ang dilim ng buong city sa labas.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's Debt-Paid Wife   KABANATA 111—FINALE

    AVA POVFIVE YEARS LATERMarami kaming pagsubok na dinaanan ni Alexander.May mga unos na kami lamang dalawa ang magkahawak-kamay na humarap at mayroon ding mga pagkakataong halos pareho kaming mawalan ng lakas. Ngunit sa loob ng limang taon, natutunan naming saluhin ang isa’t isa na parang dalawang taong matagal nang pagod sa mundo ngunit sa piling ng bawat isa ay nakakahanap ng tahanan.Sa loob ng limang taon, nabuhay kami nang payapa at puno ng pagmamahal kasama ang anak namin.Si Alexa.Ang panganay naming babae na pinagsamang pangalan naming dalawa ni Alexander.Namana niya ang kulay kastanyas kong buhok at ang malamig ngunit napakagandang mga mata ni Alexander. Ang lambot ng puso niya ay sa akin habang ang katalinuhan at pagiging talentado ay malinaw na sa ama niya namana.Kahit chairman na ngayon si Alexander ng buong Valderamos Group, hindi siya kailanman nabigo na maglaan ng oras para sa amin. Araw-araw siyang umaalis ng mansion sa umaga habang suot ang mamahaling suit at ser

  • The Billionaire's Debt-Paid Wife   KABANATA 110—The Second wedding

    AVA POV Ito ang araw ng kasal namin ni Alexander. Mula pa lamang sa umaga ay tila ibang klaseng hangin na ang bumabalot sa paligid. Ang mansion ng mga Valderamos ay naging mas buhay kaysa karaniwan. Sunod-sunod ang pagdating ng mga mamahaling sasakyan habang abala ang mga staff sa pagsalubong sa mga bisita. Sa labas pa lang ay makikita na ang impluwensya at kapangyarihan ng pamilya nila. Naroon ang buong angkan ng Valderamos. Mga tiyuhin at tiyahin ni Alexander na kilala sa mundo ng negosyo, mga pinsan niyang nag-aral sa ibang bansa, at maging ang matatandang kaibigan ng lolo niya na may hawak ng malalaking kompanya sa loob at labas ng bansa. Ang mga business partners at investors ng Valderamos Group ay isa-isang dumadating habang may kasamang bodyguards at assistants. Ang iba ay kilalang may-ari ng hotel chains, shipping companies, at malalaking corporations. Ang mga babae ay nakasuot ng eleganteng gowns at mamahaling alahas na kumikislap sa bawat tama ng ilaw habang ang mga l

  • The Billionaire's Debt-Paid Wife   KABANATA 109

    AVA POVMakalipas ang ilang araw, dumating rin ang gabi bago ang kasal namin ni Alexander.Bukas na.Bukas ay tuluyan na akong magiging asawa niya sa harap ng lahat.Tahimik ang mundo nang umagang iyon. Ang sikat ng araw na pumapasok mula sa malalaking bintana ng mansion ay banayad lamang, parang marahang humahaplos sa bawat sulok ng silid. Ang hangin ay may dalang malamig na preskong amoy ng mga halamang nasa hardin. Sa unang pagkakataon matapos ang napakaraming unos na dumaan sa buhay ko, pakiramdam ko ay maayos na rin ang lahat.Parang ang lahat ng sakit, pag-iyak, at paghihintay ay unti-unting bumabagsak sa tamang lugar.Habang nag-aalmusal kami ni Alexander kasama ang mama niya, tahimik akong nakangiting pinagmamasdan ang dalawa. Abala ang mama niya sa pagkukuwento tungkol sa magiging bisita sa kasal habang si Alexander naman ay paminsan-minsang tumitingin sa akin na para bang gusto niyang siguraduhing totoo akong nasa tabi niya.Ngunit biglang nabasag ang katahimikan nang tumuno

  • The Billionaire's Debt-Paid Wife   KABANATA 108

    AVA POVHindi ko maipaliwanag ang gaan ng pakiramdam ko habang pinagmamasdan ko si Alexander kasama ang pamilya niya. Para bang ang malamig at tahimik niyang puso na dati ay punong-puno ng galit at distansya ay tuluyan nang natunaw. Ang lalaking minsang piniling lumayo sa sariling dugo ay ngayon nakaupo sa gitna nila, nakangiti, at tila ba sa wakas ay natagpuan na rin ang tahanang matagal niyang hinanap.Habang nakatingin ako sa kanila, may kung anong kirot na marahang dumampi sa dibdib ko.Ganito pala ang pakiramdam ng magkaroon ng totoong pamilya.Iyong may naghihintay sa’yo sa hapag-kainan. Iyong may mga matang puno ng pagmamahal sa bawat tingin. Iyong kahit walang salita ay ramdam mong mahalaga ka.Kung naging ganito lang sana rin ang pamilya ko noon, marahil hindi ko kailanman mararamdaman ang matinding pag-iisa.Si Bella lang ang natitirang taong lubos kong pinagkakatiwalaan at...“Are you okay?”Napakurap ako nang marinig ko ang boses ni Alexander. Agad siyang napatingin sa aki

  • The Billionaire's Debt-Paid Wife   KABANATA 107

    ALEXANDER POVThe courtroom around us became blurry beneath the overwhelming warmth spreading through my chest. The flashing cameras, the loud crying, the endless voices around us faded into the background while Ava wrapped her arms around my waist.Her embrace felt like peace after years of war.Like finally breathing after drowning for too long.Meanwhile, the Reyes family was escorted away by the police one by one.Mr. Santos eventually passed in front of Ava.Their eyes met briefly.Hatred burned within his gaze.But Ava simply stared back at him with empty calmness.No anger.No grief.Nothing.And somehow, that emptiness carried more pain than hatred ever could.I hoped he understood what that look meant.For Ava, he was no longer her father.The paparazzi went completely wild once we stepped outside the courtroom.Questions flew endlessly toward us.“Mr. Valderamos, what can you say about today’s verdict?”“Miss Ava, how do you feel after your father was convicted?”“Is it true

  • The Billionaire's Debt-Paid Wife   KABANATA 106

    ALEXANDER POVThe following days passed like a violent storm that refused to rest.Everything became suffocatingly busy.The company demanded my attention every single hour. Documents flooded my office desk like endless waves crashing against the shore. Meetings piled one after another, investors demanded updates, and the legal team constantly coordinated with us regarding the Reyes case. On top of that, preparations for my wedding with Ava were slowly approaching.And somewhere in the middle of all that chaos, Ava’s mother was lying in a hospital bed while battling stage three cancer.Life truly had a cruel way of mixing happiness and suffering together.Because of my week-long recovery, the workload I left behind became unbearable. Liam practically turned into my right hand these days. He handled most of the evidence gathering against the Reyes family while Leonard assisted him from the shadows. The two of them worked tirelessly, tracing every hidden crime, every dirty transaction,

  • The Billionaire's Debt-Paid Wife   KABANATA 45

    AVA POV Sumapit na ang dilim nang makarating kami sa mansion. Ang buong paligid ay nalulunod sa malamlam na ilaw mula sa mga poste at malalaking chandelier na nakikita mula sa matatayog na bintana ng bahay. Sa labas pa lang ay ramdam na agad ang bigat ng katahimikan. Iyong tipong tahimik na hindi

  • The Billionaire's Debt-Paid Wife   KABANATA 20

    AVA POV"So you still have feelings for your childhood friend? Am I right?" tanong niya ulit."Wala na... matagal na po 'yun."May kung anong liwanag na sumilay sa mukha niya. Isang uri ng satispaksyon, may halong tuwa na tila may napatunayan siya sa sarili."Is that so?"Lumunok ako. Hindi pa rin

  • The Billionaire's Debt-Paid Wife   KABANATA 3

    AVA POV Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Ilang sandali pa akong nakatitig sa kisame, sinusubukang alalahanin kung nasaan ako. Hindi ito ang maliit kong kwarto sa bahay nina Papa. Ang ganda ng moldings sa taas at sobrang lambot ng higaan. Doon ko lang naalala. Kasal n

  • The Billionaire's Debt-Paid Wife   KABANATA 1

    AVA POV "Ava, nasaan ang kapatid mo?" Halos mabasag ang boses ni Mama habang papasok siya sa bridal suite. Kanina pa siya pabalik-balik sa pinto, tinitingnan kung may dumarating na make-up artist o wedding coordinator, pero ang mas mahalagang tao ang wala roon. Inayos ko ang laylayan ng mamah

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status