MasukAVA POV
Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Ilang sandali pa akong nakatitig sa kisame, sinusubukang alalahanin kung nasaan ako. Hindi ito ang maliit kong kwarto sa bahay nina Papa. Ang ganda ng moldings sa taas at sobrang lambot ng higaan. Doon ko lang naalala. Kasal na nga pala ako. At hindi lang ’to masamang panaginip. Bumangon ako at napansin kong naka-silk robe na ako. Siguro may maid na nagbihis sa akin kagabi nung nakatulog ako sa sahig dahil sa sobrang pagod at iiyak. 'Yung wedding gown ko naman, maayos na nakasabit sa gilid—parang nanunumbat sa akin kung anong klaseng kasal ang pinasok ko. Lumabas ako ng kwarto at dahan-dahan akong bumaba ng hagdan. Sobrang tahimik sa loob ng mansyon, ’yung tipong pati tunog ng sarili kong mga hakbang, naririnig ko na. Pagdating ko sa dining area, nandoon na si Alexander. Nakaupo siya sa dulo ng mahabang lamesa habang may hawak na tablet at tasa ng kape. Naka-white polo na siya na nakatupi hanggang siko. "Good morning," mahina kong bati. Hindi siya tumingin. "Your breakfast is getting cold. Maupo ka na." Lumapit ako at naupo sa tapat niya. Ang daming pagkain—eggs, bacon, pancakes, prutas—pero pakiramdam ko ay may nakabara sa lalamunan ko. "Alexander, kailangan nating mag-usap tungkol sa nangyari kahapon." Ibinaba niya ang kanyang tablet at tumingin sa akin. "What about it? It’s done. You’re here. My lawyers are already processing the public records." "Pero hindi ako si Bella. Paano kung malaman ng lolo mo? O ng media?" Sumandal si Alexander sa kanyang upuan at tinitigan ako nang seryoso. "As long as you play your part, no one will care. For the world, you are the woman I married. Whether your name is Arabella or Ava, it doesn't change the fact that the Valderamos and Santos families are now tied." "So, ganoon na lang 'yun? Gagamitin niyo lang ako?" "Don't act so innocent, Ava," malamig niyang sagot. "Inubos ng tatay mo ang investment na ibinigay ko sa kanya. This marriage was his only way out. You weren't forced by me. You were sold by your father." Tumayo siya at iniwan ang kanyang kape. "I have meetings all day. Don't leave the house. My driver will be outside if you need anything, but you are not allowed to go back to your parents' house without my permission." Naiwan akong mag-isa sa lamesa. Ang bawat salita niya ay parang sampal sa akin. Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa ng robe at mabilis na idineyal ang numero ni Mama. Kailangan kong marinig na may mauuwian pa ako. "Hello? Ma?" mabilis kong sabi nang sagutin niya ang tawag. "Ava? Oh, kamusta? Maayos ba ang pagtrato sa'yo ni Alexander?" Ramdam ko ang kaba sa boses ni Mama. "Ma, kailangan kong umuwi. Hindi ko kaya rito. Parang bilanggo ako. Ma, please, sunduin niyo ako o kaya magpadala kayo ng pamasahe." Nagkaroon ng mahabang katahimikan sa kabilang linya. Naririnig ko ang mahinang pag-uusap nila ni Papa sa background. "Ava, makinig ka," seryoso na ang boses ni Mama. "Huwag kang gagawa ng kahit anong gulo riyan. Alam mo namang kapag umalis ka, kukunin ni Alexander ang lahat sa amin. Gusto mo bang makitang nasa kalsada ang mga magulang mo?" "Pero Ma, paano naman ako? Hindi ko siya mahal. Hindi ko man lang siya kilala!" "Matututunan mo rin siyang mahalin, anak. Gwapo naman si Alexander, mayaman, at makapangyarihan. Maraming babae ang nangangarap na mapunta sa posisyon mo. Pagtiisan mo na muna. Huwag kang babalik dito hangga't hindi mo napapaamo ang asawa mo. Ikaw ang pambayad-utang namin, Ava. Isipin mo naman ang sakripisyo namin para mapalaki ka." Toot. Toot. Toot. Pinatayan ako ng telepono ng sarili kong ina. Dahan-dahan kong ibinaba ang kamay ko. 'Yung luhang kanina ko pa pinipigilan, tuloy-tuloy nang pumatak sa plato ng pagkaing hindi ko man lang nagalaw. Mas masakit pa palang marinig 'yun sa kanila kaysa kay Alexander. Para sa kanila, hindi ako anak—isa lang akong transaction. Isang gamit na pwedeng ipamigay para lang hindi sila mahirapan. Nagpalipas ako ng oras sa loob ng kwarto. Sinubukan kong magbasa, manood ng TV, pero wala akong maintindihan. Pakiramdam ko ay sumisikip ang paligid kahit gaano pa kalawak ang mansyong ito. Bandang hapon, lumabas ako sa garden para makalanghap ng sariwang hangin. Nakita ko ang isa sa mga bodyguard na nakatayo malapit sa gate. "Excuse me, pwede ba akong lumabas sandali? Maglalakad-lakad lang sa subdivision," tanong ko. Umiling ang lalake nang hindi tumitingin sa akin. "Sorry po, Madam. Sabi ni Sir Alexander, bawal po kayong lumabas nang wala siya o ang driver." "Kahit sa kanto lang?" "Order po ni Sir." Bumalik ako sa loob ng bahay na mas lalong bumibigat ang dibdib. Dumiretso ako sa library at naupo na lang sa sahig, nakasandal sa isa sa mga estante ng libro. Doon ko na ibinuhos lahat ng iyak ko. Walang nakakakita, walang makakarinig. Sa gitna ng lahat ng yaman sa paligid ko, ngayon ko lang naramdaman ’yung ganitong klaseng hirap. Wala akong pera dahil lahat ng accounts ko, kontrolado ni Papa noon—at ngayon, mukhang wala rin akong access sa kahit ano rito. Wala rin akong matakbuhang kaibigan. Sino ba namang maniniwala sa akin? Nang magdilim na, narinig ko na ’yung pag-ugong ng sasakyan sa labas. Nariyan na si Alexander. Hindi ako lumabas ng library. Nanatili lang akong nakaupo doon sa dilim. Narinig ko ang pagbukas ng pinto at ’yung mabibigat niyang hakbang sa hallway. Huminto ’yung mga yabag niya mismo sa tapat ng library. . Bumukas ang pinto at biglang pumasok ang liwanag galing sa hallway. Napapikit ako sa silaw. Nakatayo doon si Alexander—maluwag na ang kurbata niya at halatang pagod galing sa trabaho. "Why are you sitting here in the dark?" tanong niya. Hindi ako sumagot. Pinunasan ko lang ang mga mata ko at tumayo, sinusubukang ayusin ang sarili ko. "I asked you a question, Ava." Lumapit siya sa akin. Naamoy ko ang bahagyang amoy ng alak sa hininga niya. "Have you been crying all day?" "Wala kang pakialam," sagot ko, sa wakas ay tumingin sa kanya nang diretso. Isang maikling tawa ang kumawala sa kanya. "You're right. I don't. But you're making the staff uncomfortable. Eat your dinner and go to bed." "Bakit mo ba ginagawa 'to?" tanong ko bago siya makatalikod. "Kung kailangan niyo lang ng asawa, marami namang iba riyan na mas gusto ang pera niyo. Bakit kailangang ako pa? Bakit kailangang sirain mo ang buhay ko?" Humarap siya sa akin, ang mukha niya ay walang bahid ng pagsisisi. "Because your family owed me. And in business, you always take the most valuable asset available. It just so happens, Ava, na ikaw ang pinakamahalagang bagay na meron sila na hindi nila kayang protektahan." Lumabas siya ng library at iniwan akong muli sa dilim. Wala akong ibang nagawa kundi ang mapahawak sa estante para hindi matumba. Sa bawat oras na lumilipas, mas lalong nagiging malinaw sa akin ang katotohanan. Sa larong ito, ako ang talo. At malinaw na—wala nang paraan para makaalis pa ako.AVA POVFIVE YEARS LATERMarami kaming pagsubok na dinaanan ni Alexander.May mga unos na kami lamang dalawa ang magkahawak-kamay na humarap at mayroon ding mga pagkakataong halos pareho kaming mawalan ng lakas. Ngunit sa loob ng limang taon, natutunan naming saluhin ang isa’t isa na parang dalawang taong matagal nang pagod sa mundo ngunit sa piling ng bawat isa ay nakakahanap ng tahanan.Sa loob ng limang taon, nabuhay kami nang payapa at puno ng pagmamahal kasama ang anak namin.Si Alexa.Ang panganay naming babae na pinagsamang pangalan naming dalawa ni Alexander.Namana niya ang kulay kastanyas kong buhok at ang malamig ngunit napakagandang mga mata ni Alexander. Ang lambot ng puso niya ay sa akin habang ang katalinuhan at pagiging talentado ay malinaw na sa ama niya namana.Kahit chairman na ngayon si Alexander ng buong Valderamos Group, hindi siya kailanman nabigo na maglaan ng oras para sa amin. Araw-araw siyang umaalis ng mansion sa umaga habang suot ang mamahaling suit at ser
AVA POV Ito ang araw ng kasal namin ni Alexander. Mula pa lamang sa umaga ay tila ibang klaseng hangin na ang bumabalot sa paligid. Ang mansion ng mga Valderamos ay naging mas buhay kaysa karaniwan. Sunod-sunod ang pagdating ng mga mamahaling sasakyan habang abala ang mga staff sa pagsalubong sa mga bisita. Sa labas pa lang ay makikita na ang impluwensya at kapangyarihan ng pamilya nila. Naroon ang buong angkan ng Valderamos. Mga tiyuhin at tiyahin ni Alexander na kilala sa mundo ng negosyo, mga pinsan niyang nag-aral sa ibang bansa, at maging ang matatandang kaibigan ng lolo niya na may hawak ng malalaking kompanya sa loob at labas ng bansa. Ang mga business partners at investors ng Valderamos Group ay isa-isang dumadating habang may kasamang bodyguards at assistants. Ang iba ay kilalang may-ari ng hotel chains, shipping companies, at malalaking corporations. Ang mga babae ay nakasuot ng eleganteng gowns at mamahaling alahas na kumikislap sa bawat tama ng ilaw habang ang mga l
AVA POVMakalipas ang ilang araw, dumating rin ang gabi bago ang kasal namin ni Alexander.Bukas na.Bukas ay tuluyan na akong magiging asawa niya sa harap ng lahat.Tahimik ang mundo nang umagang iyon. Ang sikat ng araw na pumapasok mula sa malalaking bintana ng mansion ay banayad lamang, parang marahang humahaplos sa bawat sulok ng silid. Ang hangin ay may dalang malamig na preskong amoy ng mga halamang nasa hardin. Sa unang pagkakataon matapos ang napakaraming unos na dumaan sa buhay ko, pakiramdam ko ay maayos na rin ang lahat.Parang ang lahat ng sakit, pag-iyak, at paghihintay ay unti-unting bumabagsak sa tamang lugar.Habang nag-aalmusal kami ni Alexander kasama ang mama niya, tahimik akong nakangiting pinagmamasdan ang dalawa. Abala ang mama niya sa pagkukuwento tungkol sa magiging bisita sa kasal habang si Alexander naman ay paminsan-minsang tumitingin sa akin na para bang gusto niyang siguraduhing totoo akong nasa tabi niya.Ngunit biglang nabasag ang katahimikan nang tumuno
AVA POVHindi ko maipaliwanag ang gaan ng pakiramdam ko habang pinagmamasdan ko si Alexander kasama ang pamilya niya. Para bang ang malamig at tahimik niyang puso na dati ay punong-puno ng galit at distansya ay tuluyan nang natunaw. Ang lalaking minsang piniling lumayo sa sariling dugo ay ngayon nakaupo sa gitna nila, nakangiti, at tila ba sa wakas ay natagpuan na rin ang tahanang matagal niyang hinanap.Habang nakatingin ako sa kanila, may kung anong kirot na marahang dumampi sa dibdib ko.Ganito pala ang pakiramdam ng magkaroon ng totoong pamilya.Iyong may naghihintay sa’yo sa hapag-kainan. Iyong may mga matang puno ng pagmamahal sa bawat tingin. Iyong kahit walang salita ay ramdam mong mahalaga ka.Kung naging ganito lang sana rin ang pamilya ko noon, marahil hindi ko kailanman mararamdaman ang matinding pag-iisa.Si Bella lang ang natitirang taong lubos kong pinagkakatiwalaan at...“Are you okay?”Napakurap ako nang marinig ko ang boses ni Alexander. Agad siyang napatingin sa aki
ALEXANDER POVThe courtroom around us became blurry beneath the overwhelming warmth spreading through my chest. The flashing cameras, the loud crying, the endless voices around us faded into the background while Ava wrapped her arms around my waist.Her embrace felt like peace after years of war.Like finally breathing after drowning for too long.Meanwhile, the Reyes family was escorted away by the police one by one.Mr. Santos eventually passed in front of Ava.Their eyes met briefly.Hatred burned within his gaze.But Ava simply stared back at him with empty calmness.No anger.No grief.Nothing.And somehow, that emptiness carried more pain than hatred ever could.I hoped he understood what that look meant.For Ava, he was no longer her father.The paparazzi went completely wild once we stepped outside the courtroom.Questions flew endlessly toward us.“Mr. Valderamos, what can you say about today’s verdict?”“Miss Ava, how do you feel after your father was convicted?”“Is it true
ALEXANDER POVThe following days passed like a violent storm that refused to rest.Everything became suffocatingly busy.The company demanded my attention every single hour. Documents flooded my office desk like endless waves crashing against the shore. Meetings piled one after another, investors demanded updates, and the legal team constantly coordinated with us regarding the Reyes case. On top of that, preparations for my wedding with Ava were slowly approaching.And somewhere in the middle of all that chaos, Ava’s mother was lying in a hospital bed while battling stage three cancer.Life truly had a cruel way of mixing happiness and suffering together.Because of my week-long recovery, the workload I left behind became unbearable. Liam practically turned into my right hand these days. He handled most of the evidence gathering against the Reyes family while Leonard assisted him from the shadows. The two of them worked tirelessly, tracing every hidden crime, every dirty transaction,
AVA POV Sumapit na ang dilim nang makarating kami sa mansion. Ang buong paligid ay nalulunod sa malamlam na ilaw mula sa mga poste at malalaking chandelier na nakikita mula sa matatayog na bintana ng bahay. Sa labas pa lang ay ramdam na agad ang bigat ng katahimikan. Iyong tipong tahimik na hindi
AVA POV"So you still have feelings for your childhood friend? Am I right?" tanong niya ulit."Wala na... matagal na po 'yun."May kung anong liwanag na sumilay sa mukha niya. Isang uri ng satispaksyon, may halong tuwa na tila may napatunayan siya sa sarili."Is that so?"Lumunok ako. Hindi pa rin
AVA POV Alas-onse na ng gabi pero dilat na dilat pa rin ako. Nakaupo lang ako sa dulo ng kama, suot 'yung puting satin na pantulog na nakita ko sa closet. Napatitig ako sa pinto nang marinig ko ang malakas na pagsara nito sa hallway, kasunod ang mabibigat na hakbang na papalapit sa kwarto ko.Bumu
AVA POV Sobrang lamig ng aircon dito sa loob ng sasakyan, pero parang wala lang ’yun kumpara sa aura ng lalakeng katabi ko. Alexander Valderamos. Isang banggit lang ng pangalan niya, tiklop na agad ang mga tao sa boardroom. At ngayon, heto kami—mag-asawa na. Tahimik lang si Alexander habang nak







