CHAPTER 73Tinulak ko agad papalayo sa akin si Ninong Dwayne nang bumukas na ang pintuan ng ospital at niluwa nun si Manang Anne na may dalang dalawang mga paper bags. Mabilis kong binawi ang aking kamay mula kay Ninong bago niya pa nakita na magkahawak ang aming mga kamay. “Nandito na po ang almusal, Sir Dwayne! Sakto at gising ka na pala, Rizza. Kumain kana para makainom ka na rin ng mga gamot mo d’yan. Tapos lilinisan na rin natin ang sugat mo at para na rin mapalitan natin ang benda ng bago,” aniya.Malaking tulong din na nandito si Manang Anne. Siya ang tumayong ina ko rito sa ospital. Siya ang nag-aasikaso sa akin. Sinusubuan niya pa ako ng pagkain dahil hindi ako sanay na ang kanan ang aking ginagamit. Nahuhulog lang ang mga pagkain. Nung bata ako, ganitong-ganito rin si Nanay sa akin sa tuwing nagkakasakit ako. Inaalagaan niya ako, kami ng mga kapatid ko. Ngayon kasi hindi na. Ako, malaki na ako, hindi ko masasabi na hindi ko iyon kailangan, pero kaya ko naman na ang sarili k
최신 업데이트 : 2026-05-21 더 보기