Kabanata 137 Hindi man lang tinignan ni Rhian ang sandamakmak na luxury gifts na nakatambak sa sofa. May mga mamahaling relo, limited edition wines, branded accessories, at kung anu-ano pang imported items mula sa mga kaibigan niya. Pero ni isa sa mga iyon ay walang nakakuha ng atensyon niya. Ang tanging interesado siyang buksan ay ang regalo ni Marian. “I’m curious too,” nakangising sabi niya habang kinukuha ang gift bag mula sa coffee table. Biglang nagsigawan ang mga kaibigan niya. “Open it!” “Baka love confession na ‘yan!” “Careful, Rhian. Mukhang special gift iyan.” Natatawang umiling si Marian habang nakaupo sa tabi nito. Sa totoo lang, medyo kinakabahan siya. Hindi naman kasi ganoon ka-special ang binili niya. Biglaan lang ang pagpunta niya sa mall at gusto lang naman niyang maging decent ang regalo. Kaya bago pa mabuksan ni Rhian ang laman ng gift bag, agad siyang nagsalita. “Rhian, I came in a hurry earlier, so I just bought a—” Naputol ang sasabihin niya dahil an
Read more