Ang The Vault ay hindi isang simpleng party. Isa itong kuta ng mga demonyo na nagdadamit ng mamahaling tuxedo at mga dyamante.Pagkapasok namin sa grand hall, agad na sumalubong sa amin ang usok ng mamahaling tabako, ang amoy ng champagne, at ang mabibigat na tingin ng mga pinakamayayaman at pinakamapanganib na tao sa mundo.Ang buong paligid ay nababalot ng kulay ginto at pulang ilaw. May mga babaeng nakakulong sa mga ginintuang hawla sa gitna ng hall, sumasayaw habang pinapanood ng mga bisita.Ito ang underground market. Ito ang impyerno.Naramdaman ko ang mahigpit na hawak ni Gabriel sa bewang ko. Ang mga daliri niya ay nakabaon sa balat ko, isang tahimik na paalala.Focus.“Smile, Loisa,” malamig niyang bulong sa tainga ko, ang hininga niya ay nagpataas ng mga balahibo ko. “They are looking at us. Couple Number 7 is known for being entirely consumed by each other. We need to sell the act.”Tumingala ako sa kaniya at binigyan siya ng isang mapanuksong ngiti. “I always sell the act,
Ler mais