Dumating ang full payment history sa legal team dalawang araw matapos ang mensahe.Hindi isang file ang ipinadala nila, kundi isang compressed archive na may iba-ibang bersiyon ng ledger, approval logs, at internal email references. Ang ilan ay hindi mabuksan dahil sa lumang format. Ang iba ay may metadata na kailangang i-verify. Pero sa gitna ng mga iyon, may isang sequence na malinaw.Una, may payment request mula sa A. Foundation Special Projects para sa Northbridge Consulting Services.Ikalawa, tinanggihan ang request dahil kulang ang supporting documentation.Ikatlo, muling naisumite ang request sa ilalim ng parehong reference number, ngunit may bagong service description: *urgent route-risk assessment and field coordination*.At ikaapat, may manual override approval mula sa delegated account na B. Alonzo.Nakatitig ako sa log, tila may inaasahan akong magbago sa mga salita kapag binasa ko itong muli.“Si Bianca ang nag-override,” sabi ko.“Ang account niya ang nag-override,” mai
Read more