GABRIEL’S POVNatigilan ako sa tanong niya.“Hindi ka parin ba tapos paglaruan ako?”Ang boses niya ay nanginginig. May halong galit, pero sa ilalim noon ay ang pamilyar na sakit na pilit niyang itinatago.Tinitigan ko siya. Kahit sa ilalim lang ng malabong pulang emergency light, napakaganda pa rin niya. Ang pawis sa leeg niya ay kumikinang, ang mga mata niya ay matatalim na parang patalim, pero ang mga labi niya ay bahagyang nakaawang, naghihintay ng sagot ko.Gusto ko siyang hilahin. Gusto ko siyang ikulong sa mga braso ko at sabihing, Oo, hindi ako tapos sa’yo. Hinding-hindi ako matatapos sa’yo.Pero hindi pwede.Kinuyom ko ang mga kamao ko at ipinilit sa sarili ko ang kontrol na limang taon kong pinraktis.“Hindi kita pinaglaruan noon, Loisa. At hindi din kita pinaglalaruan ngayon,” mababa at maingat kong sagot.Kumunot ang noo niya. “Talaga? Kasi sa mga kinikilos mo, parang bumalik kalang para guluhin ako! O baka nagsisisi ka? Tell me, Gabriel! Nagsisisi ka ba? Nagsisisi ka ba n
Read more