“We have a lot of games to play, Kikay,” seryosong dagdag ni Julian, inilapag ang baso. “Starting tomorrow, I want you to—”“Sir.”Pareho kaming ay natigilan nang biglang magsalita si Rhamesis mula sa madilim na sulok. Ang boses niya ay pormal, malamig, pero parang may nagbabadyang bagyo sa likod nito.Lumingon si Julian sa kaniya. “Yes, Rhamesis?”“Her given schedule for today is over,” matigas na pahayag ni Rhamesis. Tumingin siya sa relo niya, nagpapanggap na isang propesyonal na handler kahit na alam kong umiigting na ang bawat kalamnan sa katawan niya. “You have a confidential conference call with the European investors in five minutes, Mr. Julian. We need to go now.”Isang mahabang katahimikan ang namayani. Tinitigan ni Julian si Rhamesis. May isang nakakalokong kislap na dumaan sa mga mata ng VIP, isang kislap ng pang-aasar na parang alam niya ang totoong nangyayari sa utak ng kaniyang bodyguard.Isa din siguro ito sa pleasure niya, ang makitang nagkakasakitan kami ni Rhamesis
Terakhir Diperbarui : 2026-05-26 Baca selengkapnya