“Keep your chin up. Walk slowly. Tingnan mo lang si Julian,”Naplunok ako at sinunod ang utos niya. Naglakad ako palapit, dahan dahan at sumasabay sa mabagal kong paghinga. Ngumiti nang malapad si Julian, halatang natutuwa na perpekto ang ginagawa ko. Isang ngiti na hindi umaabot sa mga mata niya. “Gentlemen, perfect timing. Meet my newest... entertainer. Kikay.” Isang matabang Russian na lalaki, ang humalakhak habang pinasadahan ako ng malagkit na tingin. “She is exquisite, Julian. Really exquisite. I hope she has talents other than looking pretty in a white dress.” “Oh, she does, Mr. Volkov” kalmadong sagot ni Julian. Itinuro niya ang isang tray ng mamahaling alak sa gilid.“Kikay, serve my guests. Let them see how obedient you are.” Uminit ang pisngi ko sa kahihiyan. Gusto niya akong gawing waitress sa harap ng mga bilyonaryong ito. Don’t lower your head, Kikay. Pick up the bottle of Macallan. Smile at Volkov. Serve him from the right side,” mabilis na utos ni Rhamesis sa
Terakhir Diperbarui : 2026-05-28 Baca selengkapnya