Kinabukasan, nagising ako na sinalubong ng nakakapasong sinag ng araw na tumatagos mula sa malalaking bintana ng kwarto namin ni Rhamesis.Mabigat ang buong katawan ko, na para bang dumaan ako sa isang matinding sagupaan kagabi.Pero mas mabigat ang mga tumatakbo sa isip ko.Nakatitig lang ako sa puting kisame, hindi gumagalaw, habang unti-unting bumabalik sa alaala ko ang bawat segundong lumipas sa loob ng Vandermere at dito sa living room kagabi.Ang malakas na tukob kong si Doc. Gabriel ang VIP, at ang inasal ni Rhamesis kagabi.Hindi niya kaya.Kahit pa naging ganoon kasama si Rhamesis isang bagay ang napatunayan ko kagabi, hindi niya kayang gumawa ng hakbang o magsumbong sa VIP, na maaring ikapahamak ng nanay ko.Kahit paano, pakiramdam ko nagiging makatao parin pala siya.Isang mapait na ngiti ang dahan-dahang sumilay sa mga labi ko.Kahit gaano niya piliting maging demonyo sa paningin ko, kahit gaano niya gustong ipamukha sa akin na hawak niya ang buhay ko, may isang bahagi pa
Terakhir Diperbarui : 2026-05-19 Baca selengkapnya