Tatlong araw na ang nakalipas. Tatlong araw na rin akong nag papabalik-balik dito sa hospital para lang dalawin si Aurora na, sa awa ng Diyos, ay nasa maayos na kalagayan. Masigla na siya at nakakapaglaro na rin. Inalok ako ni Rule na mag-alaga sa anak namin at babayaran na lamang daw niya ako, pero tumanggi ako sa pera.Gusto kong alagaan ang anak ko nang walang kapalit. Sinabi ko na lang kay Rule na mahilig ako sa bata kaya hindi na siya nagtanong pa sa akin. Inalis pala niya sa trabaho ang yaya ni Aurora dahil hindi daw ito maayos magbantay. Dahil sa paggamit nito ng cellphone ay hindi na nito namalayan ang paglabas ng bahay ni Aurora. Tumakbo daw ito palabas at hindi napansin ang paparating na sasakyan.Tama lang naman ang ginawa ni Rule sa kanya dahil hindi dapat siya gumagamit ng cellphone sa oras ng kanyang trabaho. Kung inalagaan lang sana niya nang mabuti si Aurora ay hindi ito maaksidente, pero alam kong mas malala pa ang kasalanan ko kay Aurora at wala itong kapatawaran.Tu
Last Updated : 2026-04-29 Read more