ANMELDENSimula noong pinakinggan ko ang usapan nina Chloe at Rule ay pinili ko na lang na umiwas kay Rule, maging ang pagdaan sa kanyang opisina ay iniwasan ko na rin. Ayaw ko nang makarinig pa ng kahit ano kay Chloe dahil tiyak akong mainit na ang mga mata niya sa akin.Ayaw ko naman na palagi niya akong mapag-initan. Kaya hangga’t maaari ay iiwas na lamang ako. Mas nag-focus na lang ako kay Aurora at sa pag-aalaga sa kanya. Masasabi kong sobrang close na naming dalawa at kulang na lang ay magpalit na kami ng mga mukha dahil halos hindi kami mapaghiwalay na dalawa.Kulang na nga lang ay sumama siya sa akin sa paliligo o kaya naman kapag kakailanganin kong magpunta ng banyo. Ganon siya ka-clingy sa akin. Paminsan-minsan ay magkatabi kaming natutulog. Minsan natutulog siya sa kwarto ko at minsan ako naman ang natutulog sa kwarto niya.Kasalukuyan kaming nasa malawak nilang garden at tinuturuan ko siyang gumuhit. Ito ang isa sa mga naging bonding naming dalawa. Napag-alaman ko kasi na mahilig d
“What are you doing here?” ang kaninang mapang-asar na mukha ni Rule ay bumalik sa pagiging malamig nang makita niya si Chloe, at para bang hindi niya nagustuhan ang presensya nito.“Hindi ba dapat ako ang nagtatanong niyan sa’yo? Anong ginawa ninyong dalawa sa loob at bakit ka nakahubad?” salubong ang mga kilay ni Chloe at pakiramdam ko ay umuusok na ang kanyang ilong at tenga dahil sa inis. Pakiramdam ko ay nagse-selos siya dahil sa nasaksihan niya. Gusto ko sanang sumabat at magpaliwanag sa kanya pero hindi ko magawa, baka kasi mamaya ay mas lalo lang siyang magalit sa akin. Kaya naman ay nanahimik na lang ako habang hinihintay ang sasabihin ni Rule.“She made me breakfast. That’s all.” matipid na sagot ni Rule. Ni hindi ko man lang siya nakitaan ng pagkataranta. Bigla ko tuloy naalala yung sinabi sa akin ni Sunny noon…Totoo nga kayang walang pagtingin si Rule kay Chloe? Kaya ba ganito na lang ang kanyang reaksyon? Walang pakialam?Kahit papaano ay nakaramdam ako ng awa para kay C
Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa kakaisip ko sa mga sinabi ni Rule sa akin kahapon. Hindi din mawala sa isipan ko kung paano niya ako niyakap nang mahigpit. Nag-aalala ba siya para sa akin? Pero bakit? Hindi ko alam. Para akong mababaliw. Konti na lang. Malapit nang sumabog ang utak ko dahil sa paulit-ulit kong tanong na siya lamang ang makakasagot, kaya lang ay wala akong lakas ng loob. Baka mamaya ay isipin niyang ilusyunada ako. Ang laki tuloy ng eyebags ko. May tumubo din na pimple sa may bandang ilong ko. Ngali-ngali kong pisatin iyon pero buti na lang at napigilan ko. Tinakpan ko na lang ito ng concealer at nang matakpan ay kaagad na din akong lumabas ng kwarto at bumaba. Sinilip ko muna si Aurora sa kanyang kwarto at nakahinga ako ng maluwag dahil nauna na naman akong gumising sa kanya. Siguro ay napagod siya dahil may tutorial class pa siya sa gabi. Naawa nga ako sa kanya eh, kasi ang bata-bata pa niya pero masyadong mahigpit sa kanya si Chloe pagdating sa pag-a
Kinabukasan ay maaga akong gumising para magpaalam sana kay Rule. Balak kong bumalik sa apartment ni Sunny para tingnan kung nandoon pa rin ba siya. Kukunin ko din ang mga naiwan kong gamit dahil hindi ako kumportable sa mga damit na nasa closet. Nahihiya na din kasi ako sa mga kasambahay na nandito. Alam kong nagtataka na sila kung bakit ang gaganda ng mga damit na isinusuot ko, samantalang sila ay naka-uniform lamang.Balak ko din kausapin si Rule na bigyan din ako ng uniform na katulad sa mga kasambahay para naman kahit papaano ay mabawasan ang kanilang pagtataka sa akin. Sa ngayon ay magtitiis muna ako sa suot kong floral dress dahil sa tingin ko ay ito lang ang pinaka-simple na damit na nasa closet ko.Tulog pa si Aurora sa mga oras na ito. Pinagluto ko siya ng sopas para sa umagahan niya. Nabanggit niya kasi sa akin na gusto daw niyang kumain ng ganoon. Sana lang talaga ay hindi iyon ipatapon ni Chloe o kaya naman ay ipakain sa aso. Sayang naman kasi, madami-dami pa naman ang ni
Mag-aalas otso na nang magising ako. Mukhang napasarap ang tulog ko sa malambot na kama kaya kahit nag-alarm ako ay hindi ko iyon narinig.Lagot ako nito! Tiyak na magagalit na naman sa akin si Rule.Kaagad akong bumalikwas ng bangon at nagtungo sa banyo upang maghilamos at maligo nang mabilis, at pagkatapos ay nag-toothbrush na rin ako. Mabuti na lang at kahit wala akong dalang gamit ay meron naman dito sa bathroom at mukhang mga bago lang din ang mga ito.Naka-tapis lang ako ng tuwalya nang lumabas ako ng bathroom at pagkatapos ay nagtungo sa malaking closet. May ilang damit doon at saktong-sakto lang ang mga ito sa akin. Hindi ko alam kung para kanino ang mga ito, pero mukhang hindi pa rin ito nagagamit dahil napansin ko na may tag pa ang mga damit. Halos malula nga ako sa presyo. Ayaw ko sanang gamitin pero wala naman akong choice dahil wala naman akong dalang damit.Nang matapos kong pumili ng damit ay kaagad ko itong sinuot at inayos ang sarili ko. Hindi na ako nagsuklay dahil n
Matapos ang usapan namin ni Aurora ay nakatulog na rin siya. Mukhang hindi na niya kinaya dahil sa sobrang antok. Inayos ko ang kanyang kumot pagkatapos ay itinabi sa kanya ang stuff toy na iniregalo ko sa kanya noong nag-birthday siya.Hindi ko napigilan ang sarili ko at binigyan ko siya ng halik sa kanyang pisngi pagkatapos ay tahimik akong lumabas sa kanyang kwarto.“Is she asleep?” Kung may sakit lamang ako sa puso ay tiyak na inatake na ako. Paano ba naman, nagulat ako kay Rule pagkabukas ko ng pinto. Hindi ko alam kung gaano na siya katagal na nakatayo dito sa labas pero mukhang kanina pa.Narinig kaya niya ang pinag-usapan namin ni Aurora? Kung kanina pa siya nandito, ibig sabihin ay oo. Tiningnan ko ang mukha niya. Mukha siyang malungkot. Marahil ay narinig nga niya ang paglalabas ng sama ng loob sa akin ng aming anak.“Kakatulog lang niya,” mahinang sagot ko sa kanya. Tiningnan lamang niya ako pagkatapos ay bumalik sa pagiging seryoso at masungit ang kanyang expression.Kaila







