“Ulitin mo nga yang sinabi mo ALthea!? Totoo bang si Joaquin Lagdameo ang bagong boss mo at magkasama kayo kagabi?” Dilat na dilat ang mata ni Dani at alam ni ALthea na hindi masaya ang kaibigan niya sa kanyang ibinalita. “Dani, tama ka ng dinig!” sabi ko na lang dahil sa totoo lang , ayoko ng ulitin pa ang paliwanag ko sa kanya“Diyos ko, ALthea! Bakit ka naman pumayag! Alam mo naman kung ano ang pwedeng mangyari pag nagkalapit kayo ni Joaquin!” nag-aalalang sabi ni Dani at naiintindihan ko naman kung saan siya nanggagaling“Dani, kung may pera lang ako, aalis na ako sa kumpanyang yun pero wala eh! Isa pa, kailangan ko ng trabaho lalo na at nasa ospital pa si nanay!” Tila naman nahimasmasan si Dani sa sinabi ni ALthea pero hindi pa rin nito maiwasang mag-alala.“So anong plano mo?”Napahinga ng malalim si Althea dahil sa totoo lang, wala siyang konkretong plano sa ngayon.“Hindi ko alam, Dani! Isang taon pa ang kontrata ko sa Titus!” “Maraming pwedeng mangyari sa loob ng isang t
Last Updated : 2026-05-07 Read more