Share

ALWAYS BEEN YOU
ALWAYS BEEN YOU
Author: pixiedust

Chapter 1

Author: pixiedust
last update publish date: 2026-04-23 12:49:01

Huminga ng malalim si Althea habang naghihintay sa pagdating ng bagong CEO ng Titus, ang kumpanya kung saan siya nagtatrabaho bilang Executive Secretary ni William Chavez, ang dating CEO at may-ari ng nasabing kumpanya.

Maraming naging problema ang kumpanya noong nakaraang taon at yun ang naging dahilan kung bakit pumayag na ito sa acquisition na inoffer ng kumpanya ng bagong may-ari.

Ayon kay William, sa ibang bansa naka-base ang kumpanya ng new owner at hindi nga raw maintindihan ng boss niya kung bakit ang Titus ang napili niya.

Wala na siyang ibang alam tungkol sa bagong CEO dahil yun lang naman ang sinabi sa kanya ni William at ang assurance na walang matatanggal sa trabaho, kabilang na siya.

Isang taon pa ang nalalabi sa kontrata ni Althea sa Titus dahil tatlong taon na din siya doon.

Wala siyang idea kung sino ang bagong boss niya at kung ano ang ugali nito kaya naman naisip niya na kung hindi ito kasing bait ni William, hindi siya magdadalawang-isip na magresign.

Nakakahinayang man, wala naman siyang magagawa dahil ayon kay William, desisyon ng board na tanggapin ang offer ng bagong may-ari.

Dahil kung hindi, babagsak ito at mas marami ang madadamay.

“Baka siya na yan!” sabi ni Lexie, and secretary ng COO ng Titus at isang malapit na kaibigan ni Althea

Lahat ay nag-abang sa taong bababa mula sa magarang kotse na humimpil sa harap ng gusali ng Titus.

Napatayo ng tuwid si Althea at gaya ni Lexie ay nagfocus din siya sa pag- aabang sa taong bababa mula sa sasakyan.

Naunang bumaba ang lalaking naka-suit at agad nitong binuksan ang pinto ng backseat.

Everyone was holding their breath at nung bumaba ang paa ng bagong CEO ay masasabi ni Althea na matangkad ito.

Pero feeling ni Althea, namutla siya nung tuluyang nakalabas sa kotse ang lalaki.

Hindi siya maaring magkamali!

Si Joaquin Lagdameo!

Joaquin scanned the place at nagyuko ng ulo si Althea nung padaan na sa pwesto nila ang mapanuring mata nito.

‘Bakit siya nandito?’

‘Bakit niya inacquire ang Titus?’

‘Dahil ba sa kanya?’

Napailing si Althea dahil imposible naman yun. Noong iwan niya si Joaquin, galit na galit ito sa kanya at halos isumpa pa nga siya.

So bakit niya yun gagawin for her sake?

“Ms. Althea, tara na po!”

Napalingon si Althea at nakita niya na nilagpasan lang siya ni Joaquin kaya naman naisip niya na baka hindi na siya nakilala nito.

Pero imposible naman yun! Tatlong taon silang naging magkarelasyon at kahit apat na taon na din ang lumipas buhat noong maghiwalay sila, hindi siya naniniwala na hindi siya nito makikilala.

“Grabe! Ang gwapo nung bagong boss natin!” sabi ni Lexie habang naglalakad sila pero hindi niya ito pinansin

“Hindi din….”

Siniko siya ni Lexie kaya napalingon naman siya dito.

“Anong hindi din! Bulag ka ba?!” gulat na tanong sa akin ni Lexie pero hindi ko na lang pinansin

Even before, gwapo na talaga si Joaquin. Kaya naman habulin siya ng mga babae noon sa university na pinapasukan nila. Pero ang mga mata ng binata ay nasa kanya lamang kaya nga tumagal ng tatlong ang relasyon nila.

Second year na siya noon at fourth year na si Joaquin nung maging sila. Unang taon pa lang niya sa kolehiyo nung bakuran siya ng binata at sinagot niya na ito dahil bukod sa gwapo ito ay mabuti din ang pinapakitang asal nito.

Naging supportive na girlfriend si Althea lalo na nung nagsisimulang maghanap ng trabaho si Joaquin after graduating. Nakahanap naman siya at masaya si Althea dahil unti-unti ng natutupad ang pangarap ni Joaquin.

Pero nangyari ang isang sakuna na naging dahilan para masawi ang tatay ni Althea. Nasa ikaapat na taon na siya noon at isang taon na lang, magtatapos na siya sa pag-aaral bilang isang arkitekto pero napilitan siyang huminto dahil sa nangyari.

Hindi pumayag si Joaquin na huminto siya at sinabi ng binata na siya na ang magpapa-aral sa kanya. Tinaggihan ito ni Althea pero mapilit si Joaquin dahil gusto nito na maabot niya din ang pangarap niya.

Ginawa ni Joaquin ang lahat at tumanggap pa nga ito ng mga sidelines para lang mas kumita ng pera and Althea also did her part. Naghanap din siya ng trabaho kahit na ilang oras lang para makatulong naman kay Joaquin.

Hanggang sa matanggal si Joaquin sa pinapasukan nitong opisina at hindi nga niya alam kung bakit samantalang maayos naman ang trabaho niya. Pero hindi sumuko si Joaquin dahil alam niyang inaasahan siya ng kanyang nobya.

Ang nakakapagtaka lang, walang kumpanya na gustong i-hire siya kaya naman nakaramdam ng depression si Joaquin kaya nagpasya na si Althea na tumigil na ulit sa pag-aaral.

Ilang buwan ding nagtiis si Joaquin sa paghahanap ng trabaho hanggang sa tawagan siya ng isang malaking kumpanya. Masayang-masaya sila ni Althea pero hindi akalain ng dalaga na doon na magsisimula ang problema sa relasyon nila.

Naging busy si Joaquin at nawalan na nga ito ng oras sa kanya pero inunawa ito ng dalaga dahil alam niyang para naman sa kinabukasan nila ang lahat. Nagtiis siya at hinabaan ang pasensya niya dahil alam niyang nahihirapan din naman ang kanyang nobyo.

Hanggang sa magpaalam ito sa kanya at sabihing mawawala siya ng isang linggo dahil kailangan niyang sumama sa boss nila sa isang business trip. Nagtaka si Althea dahil wala pa naman isang taon si Joaquin sa trabaho at hindi naman mataas ang posisyon niya para isama sa ganung lakad.

Minabuti niyang hindi magtanong kay Joaquin dahil ayaw niyang mamis-interpret siya ng binata. Kailangan niyang suportahan ito pero hindi talaga maalis ang kaba na nararamdaman niya.

Isang linggong nawala si Joaquin at kahit masama ang loob niya dahil ni hindi siya nagu-update ay tiniis ito ng dalaga. Hanggang sa dumating ang isang hindi inaasahang panauhin noong araw na yun.

“Iwanan mo na ang anak ko! Hindi ka makakabuti sa kanya!”

Napatingin si Althea sa ginang na siyang ina ni Joaquin at kita naman sa mga mata nito ang disgusto sa kanya pati na sa relasyon nila. Ramdam na ito ni Althea kahit noon pang unang ipakilala siya ng binata sa kanyang ina.

“Ano pong ibig ninyong sabihin?” tanong ni ALthea na noon ay nagpipigil sa pag-iyak

“Kasama ni Joaquin ang anak ng boss niya. Si Erin dela Cuesta. Kilala mo naman siguro siya hindi ba?”

Erin dela Cuesta…

Isang sikat na modelo hindi lang sa Pilipinas kung hindi rin sa ibang bansa.

“Hindi ikaw ang pinangarap ko para sa anak ko, Althea! Hindi ikaw ang para sa kanya. Nakikiusap ako sa iyo, bilang ina, iwanan mo na si Joaquin. Maniwala ka sa akin, magiging maayos ang buhay niya pag hiniwalayan mo siya!” pakiusap ng nanay ni Joaquin habang hawak ang kamay niya

“Naririnig niyo po ba ang sinasabi ninyo?” protesta ni ALthea saka niya binitawan ang kamay ng ginang

“Nagmamahalan kami ni Joaquin! Hindi ko siya iiwan dahil sumumpa kaming dalawa na hindi namin bibitawan ang isa’t-isa!” ani Althea kaya muling naging madilim ang mukha ng nanay ni Joaquin

“Ipinagkakait mo kay Joaquin ang magandang buhay, Althea! Sinisira mo ang magandang bukas na naghihintay sa kanya!”

Hindi maintindihan ni Althea ang ibig sabihin ng nanay ni Joaquin pero isa lang ang sigurado siya, hindi niya iiwan si Joaquin!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • ALWAYS BEEN YOU    Chapter 16

    “Nandito pala kayo!” sabi ni Joaquin nung makalapit na siya sa mesa ni Althea at William with a smile on his faceTumingin naman sa kanya ang dalaga at ngumiti lang din ito saka magalang na bumati sa kanila ng kasama niyang babae na kanina pa nakakapit sa braso niya.“Good evening po, sir, Ma’am!” nakangiting sabi naman ni Althea kahit pa ramdam naman ng puso niya ang sakit na makitang may kasamang ibang babae si JoaquinBut being her, nagawa niyang itago ang damdaming iyon kahit pa sa loob niya, nandoon ang sakit na bumibihag sa puso niya.Naisip pa ni Althea na masyado ng binago ng karangyaan si Joaquin dahil naging babaero na yata ito. ALam kaya ito ng asawa niyang si Erin?Samantala, hindi naman nagustuhan ni Joaquin nakita niyang reaction ni ALthea. Mukhang walang dating sa kanya ang plano ng kanyang kapatid na pagselosin ang dalaga dahil kita naman sa reaksyon niya na wala itong pakialam kahit pa may kasama siyang babae ngayon.“Good evening po sir, ma’am!” pagbati naman ni Will

  • ALWAYS BEEN YOU    Chapter 15

    Napakurap si Joaquin nung magring ang intercom at naputol ang pagbabalik tanaw niya sa nakaraan.Hindi pa man, sumasakit na ang ulo niya knowing na guguluhin siya ni Erin dito.Pero hindi na siya papayag! Hindi si Erin ang sisira ng diskarte niya kay Althea.“Yes?” sagot niya sa intercom “Sir, ten minutes po bago ang meeting with the suppliers!” sabi ni Althea sa kabilang linya ang medyo kumalma siya upon hearing her voiceGanun ang hatid na enerhiya ni Althea sa kanya. Just my merely hearing her voice ay kumakalma talaga siya.“Okay!” sagot ni Joaquin bago niya ibaba ang teleponoInayos na niya ang sarili niya at hinanap ang mga papeles na kakailanganin niya para sa meeting at nung oras na ay tumayo na siya at lumabas ng opisina.Nakita niya si Althea na nakahanda na din at naglakad na sila papunta sa conference room.Nandoon na ang mga ka-meeting ni Joaquin and it went smoothly naman. Hanggang sa maalala ni Joaquin ang tungkol sa isang project nila na ongoing sa Tagaytay.“Malapi

  • ALWAYS BEEN YOU    Chapter 14

    FLASHBACK:Matapos ang hiwalayan ni Althea at Joaquin ay sinubukan ng huli na sundin ang sinasabi ng kanyang ama.At yun ay ang bumalik sa poder niya dahil isa siyang Lagdameo. At kahit anak siya sa labas, may karapatan din siya bilang anak ni Vernon.At kung magiging maayos ang buhay niya, baka balikan pa siya ni Althea!Naging maayos naman ang pagtanggap kay Joaquin ng mga kapatid niya. Pinadala siya ng kanyang ama sa US para mag-aral ng Master’s Degree dahil wala sa mga kapatid niya ang may interes sa negosyo.At nung makapagtapos na siya, nagsimula na niyang hawakan ang negosyo nila doon.Noong una, walang naging problema hanggang sa sabihin ng kanyang ama ang tungkol sa kagustuhan nitong ipakasal siya kay Erin.Hindi siya pumayag dahil si Althea ang mahal niya at siya lang ang babaeng gusto niyang pakasalan.“Joaquin, kailangang pakasalan mo si Erin dahil kung hindi, babalikan ni Daddy si Althea!” sabi ni Philip noong magkausap sila ng kanyang kapatid Dumalaw si Philip sa US at

  • ALWAYS BEEN YOU    Chapter 13

    “What are you doing here?” galit na tanong ni Joaquin sa kapatid niyang si PhilipHe came unannounced at naabutan nga niya ang eksena nila kanina ni ALthea. Ang ending, naputol ang halik niya sa dalaga at naitulak siya nito. Nakayuko siyang lumabas ng opisina at hindi nga ito makatingin kay Philip na noon at nakangisi na.“Tsk! Dumalaw lang ako sa iyo, malay ko bang may ginagawa kayong milagro ng ALthea mo!” mapang-asar na saad ni Philip“Hindi yun ganun!” saway ni Joaquin sa kapatid niya dahil ang gusto niya, igalang ng mga kapatid niya ang babaeng mahal niya“Well, oo naman! Mukhang hindi nga siya masaya kasi pumapalag siya!” natatawang sabi ni Philip kaya sinamaan siya ng tingin ni Joaquin“Kuya naman! Akala ko ba, aayusin mo na ang lahat sa inyo? E ang nangyayari, tinatakot mo!” sabi ni Philip at alam ni Joaquin na may katwiran ang kapatid niya“Masyado siyang mailap! Gusto ko na siyang makasama pero parang lalo siyang lumalayo sa akin!” himutok ni Joaquin“Bakit naman kasi kail

  • ALWAYS BEEN YOU    Chapter 12

    Nagsimula ang meeting noong hapon na yun at nasa tabi ni Joaquin si Althea para kumuha ng minutes ng nasabing meeting.Masasabi ni Althea na magaling talaga si Joaquin lalo at marami itong proyekto na inilatag para sa Titus.“Sa isang buwan, magsisimula na ang project sa bandang Norte at ina-assign ko doon si William para pangasiwaan ang lahat!” pahayag ni Joaquin ay kita naman ang gulat sa mga mata ni William “Teka sir, may mga engineers naman tayo na pwedeng tumutok sa project. Bakit kailangang ako?” William asked and Joaquin smirked at him“Bakit hindi ikaw, William? Baka nakakalimutan mo na ang kapatid mo ang dahilan kung bakit muntik ng bumagsak ang Titus!” maangas na sagot ni Joaquin“Hindi ko nakakalimutan yan!” sagot naman ni William“Kung ganun, don’t you think you owe this company a lot? Ito na ang panahon para makabawi!” mapanuyang sabi ni Joaquin sa binata“From this day on, hindi tayo aasa sa mga engineers ng kumpanya kasi diyan nagsisimula ang mga palpak na trabaho! If

  • ALWAYS BEEN YOU    Chapter 11

    Maagang pumasok si Althea kinabukasan at kahit na may bigat sa kalooban niya at pinilit niyang magpatuloy.Umaasa sa kanya ang kanyang ina at pati na din si Marcus kaya naman hindi siya pwedeng panghinaan ng loob.At hanggang malayo sa kanya si Marcus, malayo din ang posibilidad na malaman ni Joaquin ang tungkol sa kanya.Paakyat na siya sa administrative floor at nagulat siya nung may umakbay sa kanya.At kahit naman hindi niya tignan, alam niya kung sino ito.“Maaga ka yatang pumasok?” tanong ni Althea kay William habang naglalakad sila papunta sa elevator“May hinihinging report si boss!” sagot naman ni William “Wala ka pa bang EA?” Pumalatak si William kasabay ng pagbukas ng lift at agad na silang pumasok doon.“Kung hindi kasing competent mo, hindi bale na lang!” Althea rolled her eyes lalo na at alam naman niyang hindi kakayanin ni William na walang assistant.“Magtigil ka nga William! Mag-hire ka na kasi hindi mo naman kakayanin na walang EA!” ani Althea Kilala naman kasi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status