Share

Chapter 4

Author: pixiedust
last update publish date: 2026-04-23 12:56:59

Sa buong maghapon ay pagod na pagod si Althea dahil sa walang tigil na utos sa kanya ni Joaquin.

Gustong isipin ni Althea na sinasadya ito ng lalaki para makaganti sa kanya sa ginawa niyang pakikipaghiwalay noon pero siya din ang bumabawi sa iniisip niya.

Matagal na yun at siguro naman, nakalimutan na ni Joaquin ang nangyari noon lalo pa at siya naman ang gumawa ng dahilan para tuluyan siyang iwan ni Althea.

Napatingin siya sa orasan at mabuti na lang, malapit ng mag-uwian.

Umilaw ang telepono niya at nung tignan niya ito ay nakita niya na may message ang bestfriend niyang si Danica.

“Dito ka na magdinner, nagluto ako!” napangiti si Althea dahil talaga namang maswerte siya sa pagkakaroon ng kaibigan na gaya ni Danica

Kaklase niya ito noong nasa kolehiyo siya at hindi gaya niya, nakapagtapos ito bilang isang arkitekto.

May asawa na si Danica at isang mayamang negosyante ito pero kahit ganun, hindi siya nito pinigilan na magtrabaho.

Pero nung magbuntis ito sa anak nilang si Isabella ay mas pinili ni Danica na manatili na lang sa bahay at alagaan ang kanyang pamilya.

Nagring ang intercom at kulang na lang, magbuga na ng apoy si Althea. Hindi pa siya nakaka upo ng matagal, heto at may bago na naman yatang utos ang amo niya.

Tumayo siya at kahit nananakit na ang binti niya ay pinilit pa rin niyang maglakad.

“Sir?”

Napaangat ang tingin ni Joaquin na noon ay busy sa kanyang binabasa.

“May dadaluhan akong party mamayang alas-siyete! I need you to come with me!”

Feeling ni Althea, tatakasan na siya ng ulirat dahil sa sinabi ni Joaquin.

“Sir, labas na po sa oras ng trabaho yun! I am afraid, hindi ko po kayo masasamahan!” ani Althea dahil sa totoo lang, pagod na talaga siya

“Ms. Penafiel, that is what you call overtime! Babayaran ka naman so hindi masasayang ang oras mo!” Joaquin said at ibinalik niya ang kanyang paningin sa binabasa niyang mga papel

“You can go now para makapaghanda ka. Dito na kita hihintayin sa opisina!” dagdag pa ni Joaquin kaya hindi na nga nakapagtimpi si ALthea

“Sir, hindi nga po ako sasama!”

Tumaas ang boses ni Althea kaya naman napatingin sa kanya si Joaquin. Kung sisisantehin siya nito, walang problem! Mas mabuti na yun dahil isang araw pa lang niyang nakakasama ang lalaki ay pinapahirapan na siya nito.

“Hey! You don’t shout at your boss, Ms. Penafiel! Isa pa, hindi ko hinihingi ang opinyon mo! That is an order dahil ikaw ang EA at ako ang boss!” galit na sabi ni Joaquin

Masyado ng nagiging palaban si Althea at kailangan na niya itong suhetuin bago lumala.

“Well then, I resign!” naiiyak na sabi ni ALthea out of frustration

Naghalo ang pagod niya pati na ang kagustuhan niyang makauwi ng maaga pero itong si Joaquin, mukhang walang pakialam sa nararamdaman niya.

Sumandal pa nga ito sa upuan niya at cool na tumingin sa kanya.

“You can do that pero kailangan mong bayaran ang kontratang hindi mo matatapos! Nasa guideline yan ng kumpanya, tama?” ani Joaquin kaya naman biglang nawala ang pag-asa ni Althea na makaalis sa kumpanyang ito

“Kung maibibigay mo ang pera sa akin ngayon, makakaalis ka na pero kung hindi, sundin mo na ang inuutos ko kasi ayoko sa lahat yung nale-late sa mga appointments ko!” ani Joaquin at muli ay ipinagpatuloy niya ang pagbabasa

Napapikit na lang si Althea while clenching her fist.

Ngayon, buo na ang paniniwala niya na pinapahirapan nga siya ni Joaquin. At dahil wala naman siyang ibabayad sa lalaking ito ay mukhang wala siyang choice kung hindi ang sumunod dito.

“Aalis na po ako, sir!” sabi ni ALthea sabay talikod kaya muling nagasalita si Joaquin

“Dapat nandito ka na by seven PM!”

Althea rolled her eyes at nung hindi siya sumagot ay muli siyang tinawag ni Joaquin.

“Yes sir!” napipilitan niyang sagot saka siya lumabas ng opisina nito

Gigil na gigil siya habang nag-aayos ng mga gamit at yun naman ang inabutang tagpo ni William na palabas na sa opisina niya.

“Pauwi ka na ba?” tanong ni William as he approached her desk

“Yes William! Pero kailangan kong bumalik ng alas-syete dahil may lakad daw kami ni boss!” sagot ni Althea

“Saan naman daw?” nag-aalalang tanong ni William

“Hindi ko alam! Magbibihis lang ako at mag-aayos dahil kailangan kong makabalik ng alas-siyete dito! Grabe, hindi yata siya aware sa traffic situation ng Pilipinas!” inis na sagot ni Althea

“Sorry Althea! Kung alam ko lang na ganito, hindi sana ako pumayag na maging EA ka niya!” sabi ni William pero umiling naman ang dalaga

Alam naman niyang walang magagawa si William dahil si Joaquin na ang CEO at siya na din ang may hawak ng pinakamalaking shares sa kumpanya.

“Wala ka namang kasalanan! Hayaan mo na yun, kaya ko to!” sabi ni Althea saka niya sinukbit ang bag niya

“Ang mabuti pa, ihatid na kita na kita sa inyo at ihahatid na din kita pabalik dito pagkatapos mong maghanda!”

Hindi na tumanggi si Althea dahil alam niyan mapapabilis ng pag-uwi niya sa kanyang apartment .

“Salamat William!” sabi ni ALthea at umalis na nga sila ng sabay sa floor na yun

Hindi sila aware na kanina pa nakatingin sa kanila si Joaquin at inis na inis na ito lalo at nakikita niya kung paano mag-usap ang dalawa.

‘Hindi ikaw ang sisira sa mga plano ko, Chavez!’ bulong ni Joaquin sa kanyang sarili saka siya pumasok ulit sa kanyang opisina

Habang nakasakay si Althea sa kotse ni William ay agad niya namang tinawagan ang kaibigan niyang si Danica.

“Sorry Dani, hindi pa ako makakapunta diyan kasi biglang nagpa-overtime ang boss ko!” ani Althea

“Si William?” tanong ni Danica at kahit na nasa kabilang linya ito ay ramdam ni ALthea ang pang-iinis nito sa kanya

Gusto kasi ni Danica si William para sa kanya pero hindi naman ito nagsasalita ng tungkol doon. Magkaibigan lang sila at kahit na nga siguro na magtapat si William ay hindi niya matatanggap ang pag-ibig nito dahil para sa kanya, kaibigan lang ang turing niya dito.

“Hindi Dani! Mamaya na ko magkekwento sa iyo! Pasensya na kayo ni David ha! Baka late ko ng masundo Marcus!” sabi ni Althea sa kanyang kaibigan

“Ano ka ba, wala yun! Alam mo namang masaya ako na nandito sa akin si Marcus kasi may nakakalaro si Isabella!”

“Salamat talaga, Dani! Bawi ako sa iyo ha!” sabi ni ALthea kaya natawa na lang ang kaibigan niya

Nagpaalam na sila sa isa’t-isa at kinamusta naman ni William si MArcus, ang anak nila ni Joaquin na itinatago niya.

Nakipaghiwalay na siya sa binata at doon lang niya nalaman na nagdadalang-tao siya. Hindi pwedeng malaman ni Joaquin ang tungkol sa bata kaya naman umuwi sila ng nanay niya sa probinsiya at doon na niya ipinanganak ang bata.

“Okay naman si MArcus, William! Mabuti na nga lang, nandyan si Dani para alagaan siya pag wala ako!” kwento ni Althea kay William

Isa si William sa nakakaalam na may anak na siya, bukod kay Dani at David pati na ang nanay niya.

Hindi pwedeng malaman ni Joaquin ang tungkol sa bata dahil ayaw niyang magkaroon pa ng ugnayan kay Joaquin.

Anak niya lang si MArcus

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • ALWAYS BEEN YOU    Chapter 16

    “Nandito pala kayo!” sabi ni Joaquin nung makalapit na siya sa mesa ni Althea at William with a smile on his faceTumingin naman sa kanya ang dalaga at ngumiti lang din ito saka magalang na bumati sa kanila ng kasama niyang babae na kanina pa nakakapit sa braso niya.“Good evening po, sir, Ma’am!” nakangiting sabi naman ni Althea kahit pa ramdam naman ng puso niya ang sakit na makitang may kasamang ibang babae si JoaquinBut being her, nagawa niyang itago ang damdaming iyon kahit pa sa loob niya, nandoon ang sakit na bumibihag sa puso niya.Naisip pa ni Althea na masyado ng binago ng karangyaan si Joaquin dahil naging babaero na yata ito. ALam kaya ito ng asawa niyang si Erin?Samantala, hindi naman nagustuhan ni Joaquin nakita niyang reaction ni ALthea. Mukhang walang dating sa kanya ang plano ng kanyang kapatid na pagselosin ang dalaga dahil kita naman sa reaksyon niya na wala itong pakialam kahit pa may kasama siyang babae ngayon.“Good evening po sir, ma’am!” pagbati naman ni Will

  • ALWAYS BEEN YOU    Chapter 15

    Napakurap si Joaquin nung magring ang intercom at naputol ang pagbabalik tanaw niya sa nakaraan.Hindi pa man, sumasakit na ang ulo niya knowing na guguluhin siya ni Erin dito.Pero hindi na siya papayag! Hindi si Erin ang sisira ng diskarte niya kay Althea.“Yes?” sagot niya sa intercom “Sir, ten minutes po bago ang meeting with the suppliers!” sabi ni Althea sa kabilang linya ang medyo kumalma siya upon hearing her voiceGanun ang hatid na enerhiya ni Althea sa kanya. Just my merely hearing her voice ay kumakalma talaga siya.“Okay!” sagot ni Joaquin bago niya ibaba ang teleponoInayos na niya ang sarili niya at hinanap ang mga papeles na kakailanganin niya para sa meeting at nung oras na ay tumayo na siya at lumabas ng opisina.Nakita niya si Althea na nakahanda na din at naglakad na sila papunta sa conference room.Nandoon na ang mga ka-meeting ni Joaquin and it went smoothly naman. Hanggang sa maalala ni Joaquin ang tungkol sa isang project nila na ongoing sa Tagaytay.“Malapi

  • ALWAYS BEEN YOU    Chapter 14

    FLASHBACK:Matapos ang hiwalayan ni Althea at Joaquin ay sinubukan ng huli na sundin ang sinasabi ng kanyang ama.At yun ay ang bumalik sa poder niya dahil isa siyang Lagdameo. At kahit anak siya sa labas, may karapatan din siya bilang anak ni Vernon.At kung magiging maayos ang buhay niya, baka balikan pa siya ni Althea!Naging maayos naman ang pagtanggap kay Joaquin ng mga kapatid niya. Pinadala siya ng kanyang ama sa US para mag-aral ng Master’s Degree dahil wala sa mga kapatid niya ang may interes sa negosyo.At nung makapagtapos na siya, nagsimula na niyang hawakan ang negosyo nila doon.Noong una, walang naging problema hanggang sa sabihin ng kanyang ama ang tungkol sa kagustuhan nitong ipakasal siya kay Erin.Hindi siya pumayag dahil si Althea ang mahal niya at siya lang ang babaeng gusto niyang pakasalan.“Joaquin, kailangang pakasalan mo si Erin dahil kung hindi, babalikan ni Daddy si Althea!” sabi ni Philip noong magkausap sila ng kanyang kapatid Dumalaw si Philip sa US at

  • ALWAYS BEEN YOU    Chapter 13

    “What are you doing here?” galit na tanong ni Joaquin sa kapatid niyang si PhilipHe came unannounced at naabutan nga niya ang eksena nila kanina ni ALthea. Ang ending, naputol ang halik niya sa dalaga at naitulak siya nito. Nakayuko siyang lumabas ng opisina at hindi nga ito makatingin kay Philip na noon at nakangisi na.“Tsk! Dumalaw lang ako sa iyo, malay ko bang may ginagawa kayong milagro ng ALthea mo!” mapang-asar na saad ni Philip“Hindi yun ganun!” saway ni Joaquin sa kapatid niya dahil ang gusto niya, igalang ng mga kapatid niya ang babaeng mahal niya“Well, oo naman! Mukhang hindi nga siya masaya kasi pumapalag siya!” natatawang sabi ni Philip kaya sinamaan siya ng tingin ni Joaquin“Kuya naman! Akala ko ba, aayusin mo na ang lahat sa inyo? E ang nangyayari, tinatakot mo!” sabi ni Philip at alam ni Joaquin na may katwiran ang kapatid niya“Masyado siyang mailap! Gusto ko na siyang makasama pero parang lalo siyang lumalayo sa akin!” himutok ni Joaquin“Bakit naman kasi kail

  • ALWAYS BEEN YOU    Chapter 12

    Nagsimula ang meeting noong hapon na yun at nasa tabi ni Joaquin si Althea para kumuha ng minutes ng nasabing meeting.Masasabi ni Althea na magaling talaga si Joaquin lalo at marami itong proyekto na inilatag para sa Titus.“Sa isang buwan, magsisimula na ang project sa bandang Norte at ina-assign ko doon si William para pangasiwaan ang lahat!” pahayag ni Joaquin ay kita naman ang gulat sa mga mata ni William “Teka sir, may mga engineers naman tayo na pwedeng tumutok sa project. Bakit kailangang ako?” William asked and Joaquin smirked at him“Bakit hindi ikaw, William? Baka nakakalimutan mo na ang kapatid mo ang dahilan kung bakit muntik ng bumagsak ang Titus!” maangas na sagot ni Joaquin“Hindi ko nakakalimutan yan!” sagot naman ni William“Kung ganun, don’t you think you owe this company a lot? Ito na ang panahon para makabawi!” mapanuyang sabi ni Joaquin sa binata“From this day on, hindi tayo aasa sa mga engineers ng kumpanya kasi diyan nagsisimula ang mga palpak na trabaho! If

  • ALWAYS BEEN YOU    Chapter 11

    Maagang pumasok si Althea kinabukasan at kahit na may bigat sa kalooban niya at pinilit niyang magpatuloy.Umaasa sa kanya ang kanyang ina at pati na din si Marcus kaya naman hindi siya pwedeng panghinaan ng loob.At hanggang malayo sa kanya si Marcus, malayo din ang posibilidad na malaman ni Joaquin ang tungkol sa kanya.Paakyat na siya sa administrative floor at nagulat siya nung may umakbay sa kanya.At kahit naman hindi niya tignan, alam niya kung sino ito.“Maaga ka yatang pumasok?” tanong ni Althea kay William habang naglalakad sila papunta sa elevator“May hinihinging report si boss!” sagot naman ni William “Wala ka pa bang EA?” Pumalatak si William kasabay ng pagbukas ng lift at agad na silang pumasok doon.“Kung hindi kasing competent mo, hindi bale na lang!” Althea rolled her eyes lalo na at alam naman niyang hindi kakayanin ni William na walang assistant.“Magtigil ka nga William! Mag-hire ka na kasi hindi mo naman kakayanin na walang EA!” ani Althea Kilala naman kasi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status