Partager

Chapter 5

Auteur: pixiedust
last update Date de publication: 2026-04-23 13:15:38

Pagdating ni Althea sa opisina ay lagpas alas-siyete na at ngayon palang, alam na niyang magiging issue na naman ito kay Joaquin.

Sinamahan siya ni William at pagpasok nila sa building ay nakita nilang nasa lobby na si Joaquin at naghihintay sa kanya.

“You are late…” sabi ni Joaquin at sinubukan namang magpaliwanag ni Althea

“Traffic po sir!”

“Ano namang ginagawa mo dito, Mr. Chavez?” iritang tanong ni Joaquin sa binata

“Sinamahan ko si Althea! She will not make it on time kung magco-commute lang siya!” paliwanag ni William na naiinis din naman kay Joaquin

“Really? But still she didn’t make it on time! So anong silbi ng pagpapakabayani mo?” tanong ni Joaquin kaya naman nagngalit ang bagang ni William

Ayaw niyang patulan si Joaquin dahil siya ang boss kaya naman nagtimpi talaga siya

“William, salamat! Pasensya ka na sa abala ha!”

Pumagitna na si Althea dahil feeling niya, magsusuntukan ang mga ito anytime.

“No worries, Althea! Alam mo namang nandito lang ako para sa iyo!”

Lalong napikon si Joaquin sa sagot ni William kaya tinawag na niya si Althea.

“Let’s go, Ms. Peñafiel!” maawtoridad niyang utos saka siya tumalikod

Althea looked at William at tumango ito sa kanya.

“Tawagan mo ako if something happens!”

“I will! Ingat ka pag-uwi!” sagot ni Althea at nagulat pa siya nung marinig niya ang galit na boses ni Joaquin

“Ms. Peñafiel! Ano ba!”

She sighed and forced a smile bago siya tumalikod para sumunod kay Joaquin.

Nabibwisit siya dito pero wala naman isang magagawa. Kailangan niyang tiisin ang kagaspangan ng ugali nito.

Kung may pera lang sana siya, ora mismo, aalis siya sa kumpanya dahil hindi niya alam kung matatagalan niya ang ugali nito.

Ganun ba talaga pag nagkakapera? Yumayabang?

Nakarating sila sa parking space ni Joaquin at agad na binuksan ng driver ang backseat. Sumakay si Joaquin at sa harap na sumakay si Althea.

Hindi naman nagkomento si Joaquin pero napailing na lang siya. Obviously, Althea doesn’t want to get near him.

He instructed his driver and got his tablet para magcheck na din ng e-mails niya.

“ Do you have a passport, Ms. Peñafiel?”

Out of the blue ay tanong ni Joaquin.

“Oo naman, Sir!” she answered

“Good!” sagot ni Joaquin at hindi na ito nagsalita hanggang sa makarating sila sa isang subdivision

Mula sa entrance ay tatlong bahay ang nilagpasan nila hanggang sa huminto ang kotse sa tapat ng isang malaking bahay.

Naunang bumaba ang driver para pagbuksan si Joaquin kaya naman bumaba na din si Althea.

“Huwag kang aalis sa tabi ko, Althea!”

Hindi talaga mapigilan ni Althea na hindi umikot ang mata niya sa twing nagiging bossy si Joaquin.

Sabagay, ganito naman talaga siya simula kanina at muli, nakaramdam siya ng inis.

Imbes na nagpapahinga na siya kasama ang anak niya, heto at kailangan pa niyang maging alalay ng boss niya sa isang party.

Kakapasok pa lang ni Joaquin sa pinto ay agad na itong nilapitan ng isang babae na nakasuot ng pulang gown.

Maganda siya, sophisticated at sexy pero sure si Althea na hindi ito si Erin.

“Akala ko hindi ka na darating!” sabi nito kay Joaquin saka siya niyakap nito

Ibinaling ni Althea ang tingin niya sa malayo dahil hindi niya matagalan ang eksenang nakikita niya.

“I wouldn’t miss your birthday, sweetheart! Happy birthday!” ani Joaquin kaya napataas naman ang kilay ni Althea nung halikan nito ang pisngi ng babaeng akala mo sawang nakalingkis sa lalaki

‘Kailan pa ba naging babaero itong si Joaquin?’

‘Wala na ba sila ni Erin?’

‘Akala ba niya ay nagpakasal na ito doon?’

‘Nagsinungaling ba ang Nanay ni Joaquin?’

Ilan lang yan sa mga katanungang nasa isip ni Althea habang nakatingin sa dating nobyo niya.

Nakaakbay siya sa babaeng may birthday habang masaya siya nitong pinapakilala sa mga babaeng nandoon.

Napahinga ng malalim si Althea dahil hindi niya alam kung bakit pa ba siya kailangang isama dito ni Joaquin samantalang hindi naman siya kailangang dito.

Luminga-linga si Althea habang hawak ang tablet ng boss niya at nakita niya na mga bigating tao ang nandito sa party.

Nilingon niya si Joaquin at nakita niyang busy pa rin naman ito sa pakikipag-usap sa mga babaeng nakapaligid sa kanya.

Nakaramdam siya ng gutom lalo na at ni hindi man lang siya nakapag miryenda kanina dahil sa dami ng mga inuutos sa kanya ni Joaquin.

Nakita niya ang buffet table kaya naman nagpunta siya dito dahil nagugutom na talaga siya.

‘Bahala na si Joaquin dahil mas gusto nitong makipag landian kaysa kumain!’ kibit balikat na bulong ni Althea

Namili si Althea ng pagkain at ng makakuha na siya ay naghanap siya ng mesa. May bakante sa gawing dulo kaya doon na siya pumwesto.

Nasa kalahatian na siya ng pagkain ng biglang sumulpot si Joaquin sa harap niya.

“Didn't I clearly say na huwag kang aalis sa tabi ko?!”

Inirapan ni Althea si Joaquin na umupo na sa harap niya.

“Nagugutom na ako! Anong oras na pero mas gusto mo namang makipag harutan kesa kumain kaya nauna na ako!” ani Althea na hindi pinapansin ang pagmamarakulyo ng boss niya

Napangiti naman si Joaquin dahil iniisip niya na nagseselos si Althea sa mga babaeng pilit kumukuha ng atensyon niya.

“Gutom na gutom ka?” amused na tanong ni Joaquin kaya tinaasan siya ng kilay ni Althea

“Sa dami ng utos mo kanina, hindi ako nakakain ng maayos nung tanghali. Ni hindi ako nakapag miryenda! Malamang magutom ako!” masungit na sagot ng dalaga saka niya binalikan ang pagkain niya

“Sorry! Marami kasing dapat ayusin sa kumpanya!” sabi ni Joaquin

“Gets ko naman yun, Sir! Pero sana, isipin ninyo, hindi po ako robot! Ibang klase! Mas mabuti pang hindi na lang ako umalis kay William!”

Pabulong lang ang huling katagan sinabi ni Althea pero nakarating naman iyon sa matalas na pandinig ni Joaquin.

“What is going on between you two?” tahasang tanong ni Joaquin

“Huh?”

“You and William? Anong meron sa inyo?” iritang tanong ni Joaquin

“Dating boss ko?” sagot ni Althea kaya napamura na lang si Joaquin dahil alam niyang iniinis siya ni Althea

Kilala niya ito at alam niya pag ganitong nang-iinis ang linyahan niya.

“May relasyon ba kayo?”

“Tsk! Too personal Mr. Lagdameo!” sagot ni Althea kaya napailing na lang si Joaquin

Kung hindi niya malalaman mula kay Althea ang totoo, malalaman naman niya ito sa ibang paraan.

“Hmmm..hindi ka ba kakain? Ikuha ba kita sir?” tanong ni Althea nung matapos na siyang kumain

“Wow! Mabuti naman at naisip mo pa akong tanungin!” ani Joaquin kaya napasimangot na lang ang dalaga

Tatayo na sana ito pero pinigilan siya ni Joaquin dahil siya na daw ang kukuha ng pagkain para sa kanya.

Nasa buffet table na si Joaquin nung lapitan siya ni Philip.

“So the plan has began right?” tanong ni Philip kay Joaquin habang nakatingin siya kay Althea

“Hindi ko akalain na magiging mahirap, Philip! Siya pa itong galit samantalang siya naman ang nag-iwan sa akin dati!” himutok ni Joaquin kaya natawa si Philip

“Bakit ba kasi hindi mo pa sabihin ang totoo? Yung tungkol sa tatay niya? Tsaka dun sa bahay nila?” sabi ni Philip pero umiling si Joaquin

“Hindi pa sa ngayon! Kung babalik siya sa akin, dapat yung bukal sa loob niya!”

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Dernier chapitre

  • ALWAYS BEEN YOU    Chapter 16

    “Nandito pala kayo!” sabi ni Joaquin nung makalapit na siya sa mesa ni Althea at William with a smile on his faceTumingin naman sa kanya ang dalaga at ngumiti lang din ito saka magalang na bumati sa kanila ng kasama niyang babae na kanina pa nakakapit sa braso niya.“Good evening po, sir, Ma’am!” nakangiting sabi naman ni Althea kahit pa ramdam naman ng puso niya ang sakit na makitang may kasamang ibang babae si JoaquinBut being her, nagawa niyang itago ang damdaming iyon kahit pa sa loob niya, nandoon ang sakit na bumibihag sa puso niya.Naisip pa ni Althea na masyado ng binago ng karangyaan si Joaquin dahil naging babaero na yata ito. ALam kaya ito ng asawa niyang si Erin?Samantala, hindi naman nagustuhan ni Joaquin nakita niyang reaction ni ALthea. Mukhang walang dating sa kanya ang plano ng kanyang kapatid na pagselosin ang dalaga dahil kita naman sa reaksyon niya na wala itong pakialam kahit pa may kasama siyang babae ngayon.“Good evening po sir, ma’am!” pagbati naman ni Will

  • ALWAYS BEEN YOU    Chapter 15

    Napakurap si Joaquin nung magring ang intercom at naputol ang pagbabalik tanaw niya sa nakaraan.Hindi pa man, sumasakit na ang ulo niya knowing na guguluhin siya ni Erin dito.Pero hindi na siya papayag! Hindi si Erin ang sisira ng diskarte niya kay Althea.“Yes?” sagot niya sa intercom “Sir, ten minutes po bago ang meeting with the suppliers!” sabi ni Althea sa kabilang linya ang medyo kumalma siya upon hearing her voiceGanun ang hatid na enerhiya ni Althea sa kanya. Just my merely hearing her voice ay kumakalma talaga siya.“Okay!” sagot ni Joaquin bago niya ibaba ang teleponoInayos na niya ang sarili niya at hinanap ang mga papeles na kakailanganin niya para sa meeting at nung oras na ay tumayo na siya at lumabas ng opisina.Nakita niya si Althea na nakahanda na din at naglakad na sila papunta sa conference room.Nandoon na ang mga ka-meeting ni Joaquin and it went smoothly naman. Hanggang sa maalala ni Joaquin ang tungkol sa isang project nila na ongoing sa Tagaytay.“Malapi

  • ALWAYS BEEN YOU    Chapter 14

    FLASHBACK:Matapos ang hiwalayan ni Althea at Joaquin ay sinubukan ng huli na sundin ang sinasabi ng kanyang ama.At yun ay ang bumalik sa poder niya dahil isa siyang Lagdameo. At kahit anak siya sa labas, may karapatan din siya bilang anak ni Vernon.At kung magiging maayos ang buhay niya, baka balikan pa siya ni Althea!Naging maayos naman ang pagtanggap kay Joaquin ng mga kapatid niya. Pinadala siya ng kanyang ama sa US para mag-aral ng Master’s Degree dahil wala sa mga kapatid niya ang may interes sa negosyo.At nung makapagtapos na siya, nagsimula na niyang hawakan ang negosyo nila doon.Noong una, walang naging problema hanggang sa sabihin ng kanyang ama ang tungkol sa kagustuhan nitong ipakasal siya kay Erin.Hindi siya pumayag dahil si Althea ang mahal niya at siya lang ang babaeng gusto niyang pakasalan.“Joaquin, kailangang pakasalan mo si Erin dahil kung hindi, babalikan ni Daddy si Althea!” sabi ni Philip noong magkausap sila ng kanyang kapatid Dumalaw si Philip sa US at

  • ALWAYS BEEN YOU    Chapter 13

    “What are you doing here?” galit na tanong ni Joaquin sa kapatid niyang si PhilipHe came unannounced at naabutan nga niya ang eksena nila kanina ni ALthea. Ang ending, naputol ang halik niya sa dalaga at naitulak siya nito. Nakayuko siyang lumabas ng opisina at hindi nga ito makatingin kay Philip na noon at nakangisi na.“Tsk! Dumalaw lang ako sa iyo, malay ko bang may ginagawa kayong milagro ng ALthea mo!” mapang-asar na saad ni Philip“Hindi yun ganun!” saway ni Joaquin sa kapatid niya dahil ang gusto niya, igalang ng mga kapatid niya ang babaeng mahal niya“Well, oo naman! Mukhang hindi nga siya masaya kasi pumapalag siya!” natatawang sabi ni Philip kaya sinamaan siya ng tingin ni Joaquin“Kuya naman! Akala ko ba, aayusin mo na ang lahat sa inyo? E ang nangyayari, tinatakot mo!” sabi ni Philip at alam ni Joaquin na may katwiran ang kapatid niya“Masyado siyang mailap! Gusto ko na siyang makasama pero parang lalo siyang lumalayo sa akin!” himutok ni Joaquin“Bakit naman kasi kail

  • ALWAYS BEEN YOU    Chapter 12

    Nagsimula ang meeting noong hapon na yun at nasa tabi ni Joaquin si Althea para kumuha ng minutes ng nasabing meeting.Masasabi ni Althea na magaling talaga si Joaquin lalo at marami itong proyekto na inilatag para sa Titus.“Sa isang buwan, magsisimula na ang project sa bandang Norte at ina-assign ko doon si William para pangasiwaan ang lahat!” pahayag ni Joaquin ay kita naman ang gulat sa mga mata ni William “Teka sir, may mga engineers naman tayo na pwedeng tumutok sa project. Bakit kailangang ako?” William asked and Joaquin smirked at him“Bakit hindi ikaw, William? Baka nakakalimutan mo na ang kapatid mo ang dahilan kung bakit muntik ng bumagsak ang Titus!” maangas na sagot ni Joaquin“Hindi ko nakakalimutan yan!” sagot naman ni William“Kung ganun, don’t you think you owe this company a lot? Ito na ang panahon para makabawi!” mapanuyang sabi ni Joaquin sa binata“From this day on, hindi tayo aasa sa mga engineers ng kumpanya kasi diyan nagsisimula ang mga palpak na trabaho! If

  • ALWAYS BEEN YOU    Chapter 11

    Maagang pumasok si Althea kinabukasan at kahit na may bigat sa kalooban niya at pinilit niyang magpatuloy.Umaasa sa kanya ang kanyang ina at pati na din si Marcus kaya naman hindi siya pwedeng panghinaan ng loob.At hanggang malayo sa kanya si Marcus, malayo din ang posibilidad na malaman ni Joaquin ang tungkol sa kanya.Paakyat na siya sa administrative floor at nagulat siya nung may umakbay sa kanya.At kahit naman hindi niya tignan, alam niya kung sino ito.“Maaga ka yatang pumasok?” tanong ni Althea kay William habang naglalakad sila papunta sa elevator“May hinihinging report si boss!” sagot naman ni William “Wala ka pa bang EA?” Pumalatak si William kasabay ng pagbukas ng lift at agad na silang pumasok doon.“Kung hindi kasing competent mo, hindi bale na lang!” Althea rolled her eyes lalo na at alam naman niyang hindi kakayanin ni William na walang assistant.“Magtigil ka nga William! Mag-hire ka na kasi hindi mo naman kakayanin na walang EA!” ani Althea Kilala naman kasi

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status