Pagkarating nila sa emergency entrance ng ospital, sinalubong agad sila ng isang team ng mga nurse at isang senior resident doctor, at ilang tao na may bitbit na stretcher. Maingat na ibinaba ni Ark si Nathan at inilagay sa stretcher. Mabilis na ipinasok ang bata sa loob ng ER, at sumunod naman agad sina Trina at Ark habang akay-akay pa rin si Nicole."Bawal po muna ang pumasok sa loob, Ma'am, Sir. Dito na lang po muna kayo sa waiting area," harang ng isang nurse nang makarating sila sa tapat ng glass doors ng ER."Pero ang anak ko—" apela ni Trina, umiiyak na naman."Trina, hey, stop," Ark gently pulled her to his chest, trapping her in a warm, protective embrace. Sa pagkakataong ito, hindi na nagawang lumaban ni Trina. Isinubsob niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Ark, hinahayaang basain ng kaniyang mga luha ang mamahaling polo ng lalaki. Ark wrapped his arms tightly around her, resting his chin on top of her head. "The doctors are handling it now. Maayos ang anak natin. Shh, nandi
Read more