Tinapunan ko siya ng tingin nang hindi siya nakasagot agad, mukhang pinag-iisipan ang isasagot niya.Tingin ko malalim na sugat ang naiwan sa kanya ni Tanjiru kaya napunta siya sa ibang bansa, at kung anuman ang dahilan niya, at kung ikukuwento man niya, makikinig ako.Namiss ko ang kaibigan ko na 'to!As for Tanjiru, wala na akong balita sa kanya. Nakalimutan ko na rin magtanong kay Ark. Sa pamilya kasi ni Ark, parang may kanya-kanya silang mundo, na kapag nakapag-asawa ka na, responsibilidad mo na 'yon, wala nang kinalaman sa pamilya. I get it naman, at nasanay din ako na malayo kami sa kanila."O-Oo," medyo nauutal na sagot ni Rina habang nakatingin sa labas ng bintana. "Ewan ko ba riyan sa tadhana na 'yan, napakabaliw. Sa dinami-rami ng flight at upuan sa eroplano, sa tabi ko pa talaga siya natapat. Akala ko nga guni-guni ko lang, kaso no'ng umubo at magsalita na, boses niya talaga."Napakapit ako nang mahigpit sa steering wheel habang nagda-drive. My God, ang liit talaga ng mundo
Read More