"Sabi ko hub4rin mo. Ikaw ang doktor dito, Rina, huwag mo akong pamilugan ng mata," reklamo niya, halatang nahihirapan na pero nakuha pa ring maging bossy.Siya na nga 'tong gagamutin, nagawa pang magsungit! Diinan ko kaya 'tong sugat niya? Tingnan natin kung sino ang bossy sa amin!Medyo namumutla na ang labi niya, at ang boses niya medyo namamaos na rin.I wonder kung kumain na ba 'to? He looked so weak.Inirapan ko siya at isinantabi muna ang katarayan ko. Profession ko 'to, at kahit gaano kalaki ang epekto ng lalaking ito sa akin, pasyente ko pa rin siya ngayon."Daming daldal. Akala mo hindi nasasaktan, e," bumubulong kong sabi at mabilis na kumuha ng gunting, guwantes, at sterile pack sa gilid. "Huwag kang malikot, gugupitin ko 'tong uniform mo. Okay lang naman siguro, 'di ba?""No problem, huwag lang 'tong salamin ko," biro pa niya, bago pumikit nang mariin at napakagat-labi nang simulan kong hawakan ang tagiliran niya.Hindi naman ganun kalaki ang gugupitin ko, sayang kasi iyo
Read more