"Crush? Sa tingin niyo ba lahat ng interesadong malaman ang totoo, may gusto agad sa tao?" balik-tanong ko sa kanya. Naramdaman ko ang siko ni Rina sa tagiliran ko, senyas niya na 'preno-preno rin sa pagsagot, bes', pero hindi ko siya pinansin.Tumayo si Ark mula sa swivel chair. Sa suot niyang puting sando, mas lalong bumakat ang lapad ng kanyang balikat at ang ugat sa kanyang braso habang naglalakad siya palapit sa amin. Huminto siya sa harap ko, sapat na para maamoy ko ang pabango at shower gel niya."Interest leads to curiosity, curiosity leads to proximity, and proximity with someone like Lee leads to danger," mahina ngunit seryoso niyang sabi. Tumingin siya kay Rina. "Labas ka muna Rina. Mag-uusap lang kami ng kaibigan mo.""P-Po? Ah, sige po, Sir! Una na ako, Trina!" Mabilis pa sa alas-kwatro na nakalabas si Rina, iniwan akong mag-isa sa loob ng malawak na kwarto na ito na amoy mamahalin at amoy... Ark."Bakit kailangang umalis ni Rina?" tanong ko. Wala namang dapat itago."Le
Read more