THIRD PERSON’S POINT OF VIEW:Sa isang tahimik na lungsod sa labas ng Maynila, sa ilalim ng nakatirik na sikat ng araw, payapang nagpapahinga ang bilyonaryong si Lumiere Salvatiero. Kahit pa araw niya ito ng pahinga, ang aura niya ay kasing-lamig pa rin ng yelo.Taglay ang kaniyang tanned skin, katawang tila inukit ng mga diyos, at face card na hindi kailanman matatanggihan, halos lahat ng babaeng napapadaan sa tapat ng kaniyang mansyon ay tila nalulutang sa paghanga. Nakasuot ng mamahaling swimming trunks at sunglasses, prente siyang nakahiga sa isa sa mga sunbathing benches sa gilid ng kaniyang pool.“Good morning, Sir. You have a call from Mrs. Del Mundo,” untag ng matandang yaya na nakatayo sa kaniyang harap.Hindi man lang siya nag-abalang alisin ang kaniyang salamin. “Tell her I am on my rest day. Don’t disturb me,” malamig niyang tugon.Habang pinapanood ang paalis na matanda, hindi niya mapigilang mapansin ang bawat hakbang nito. She looked frail and exhausted. Halos lahat ng
Last Updated : 2026-04-28 Read more