Share

CHAPTER 1:

last update publish date: 2026-04-28 22:19:34

THIRD PERSON’S POINT OF VIEW:

Sa isang tahimik na lungsod sa labas ng Maynila, sa ilalim ng nakatirik na sikat ng araw, payapang nagpapahinga ang bilyonaryong si Lumiere Salvatiero. Kahit pa araw niya ito ng pahinga, ang aura niya ay kasing-lamig pa rin ng yelo.

Taglay ang kaniyang tanned skin, katawang tila inukit ng mga diyos, at face card na hindi kailanman matatanggihan, halos lahat ng babaeng napapadaan sa tapat ng kaniyang mansyon ay tila nalulutang sa paghanga.

Nakasuot ng mamahaling swimming trunks at sunglasses, prente siyang nakahiga sa isa sa mga sunbathing benches sa gilid ng kaniyang pool.

“Good morning, Sir. You have a call from Mrs. Del Mundo,” untag ng matandang yaya na nakatayo sa kaniyang harap.

Hindi man lang siya nag-abalang alisin ang kaniyang salamin. “Tell her I am on my rest day. Don’t disturb me,” malamig niyang tugon.

Habang pinapanood ang paalis na matanda, hindi niya mapigilang mapansin ang bawat hakbang nito. She looked frail and exhausted. Halos lahat ng kasambahay niya ay matatanda na dahil ayaw niyang tumanggap ng mga kabataang babae na ang tanging habol lang ay akitin siya.

Pero nang makita niyang tila nahihirapan na itong maglakad, isang ideya ang pumasok sa kaniyang isipan.

Nang umaga ring iyon, tinawagan niya ang kaniyang pinsan na si Lester Salvatiero.

“Mukhang nagbago na yata ang isip ng pinsan ko?” nakangising tanong ni Lester nang makarating ito sa mansyon. Naabutan niya si Lumiere na katatapos lang maligo sa pool.

Pinupunasan ni Lumiere ang kaniyang buhok gamit ang isang malinis na puting tuwalya, habang si Lester naman ay naupo sa harap ng computer para gumawa ng hiring poster. Lester is a professional graphic artist, kaya sa kaniya na ipinaubaya ni Lumiere ang disenyo.

“I’m just thinking... I need a new reformat in this house,” sagot ni Lumiere, walang emosyon.

“Asus! Naghahanap ka lang ng pamalit kay Cassandra, eh!” biro ni Lester na siyang ikinasingkit ng mga mata ni Lumiere.

“What did you just say?” banta ng kaniyang boses.

Si Cassandra ang kaniyang ex-girlfriend. Pitong taon silang nagsama at dapat ay ikakasal na sila sa susunod na taon kung hindi lang siya nito ipinagpalit sa mas mayamang lalaki.

Dalawang taon na ang nakalipas mula nang maghiwalay sila, pero ang sakit ay sariwa pa rin.

Doon nagbago ang lahat. Mula sa pagiging butihing boss, naging mainitin ang kaniyang ulo at perfectionist sa bawat detalye. Nilunod niya ang sarili sa trabaho, kinalimutan ang salitang pag-ibig, at isinara ang puso sa kahit na sinong babae.

Nang hapon na iyon, tahimik siyang naglalakad-lakad sa garden para magpahinga. Nakauwi na si Lester sa condo nito at nakakabit na rin ang poster sa tapat ng kaniyang gate.

Sa loob ng dalawa at kalahating oras, tila naging dekorasyon na lang ang poster sa labas dahil wala man lang nagtatangkang mag-inquire.

Dahil sa inis, nagpasya siyang tanggalin na lang ito.

Ayaw niya ng anumang kalat o bagay na hindi nagbibigay ng resulta sa kaniyang paningin. Mabilis siyang naglakad patungo sa gate, ngunit bigla siyang napatigil.

He froze the moment he saw a young woman standing right in front of it.

Her hair was sleek black, her skin was the perfect shade of brown—the typical Filipina beauty. Ang kaniyang mga mata ay bilugan at nangungusap.

She looked like a Victoria’s Secret model, kung hindi lang dahil sa kaniyang suot: isang kupas na puting t-shirt na may print ni Elmo sa gitna, mumurahing denim pants, at ang kaniyang mga gamit na nakalapag sa semento ng port.

Tila nabaling ang atensyon ni Desyrie sa kaniya nang mapansin ang pagbukas ng maliit na bahagi ng gate. Doon ay nagtama ang kanilang mga paningin—ang malamig na mga mata ng bilyonaryo at ang palaban na tingin ng dalagang kakarating lang mula sa probinsya.

“Is the position still available, Sir?”

Tuluyan na ngang nawindang si Lumiere sa babaeng kaharap niya. Kung hindi lang dahil sa matindi niyang paniniwala na pera lang ang habol ng lahat ng babae sa kaniya, baka manlupasay na siya sa sarili niyang teritoryo.

Her voice was like a quiet stillness in the night—mahinhin at tila may haplos na nakakaakit. Sa pandinig ni Lumiere, para siyang inaakit nito sa kama sa bawat salitang binibitawan nito, kahit na ang totoo ay nagtatanong lang naman ang dalaga tungkol sa trabaho.

Kumunot ang noo ni Lumiere, pinipilit ibalik ang kaniyang

mabalasik na maskara. Tiningnan niya si Desyrie mula ulo hanggang paa—mula sa kupas na Elmo shirt hanggang sa mga bag na nakalapag sa semento.

“You?” malamig at mapanghusga niyang tanong. “You’re applying for the maid position?”

Tiningnan siya ni Desyrie nang diretso sa mga mata, walang bakas ng kaba. “Opo, Sir. Nakita ko po kasi ’yung poster sa labas. I’m a hard worker, at kailangan ko lang po talaga ng matitirhan at trabaho habang nag-aaral dito sa Maynila.”

Lumiere let out a harsh, cynical breath.

Student. Beautiful. Young. Iyan ang tatlong katangiang pilit niyang iniiwasan sa bahay niya.

Pero habang tinititigan ang palabang mga mata ng babae, tila may kung anong pwersa na pumipigil sa kaniyang itaboy ito agad.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire’s Gorgeous Maid   CHAPTER 12:

    DESYRIE’S POV:“So, she’s the one?” tanong ng lalaki.Ang kaniyang mga mata ay lumipat sa lalaking nakatayo sa likuran ko. Ewan ko, pero may kung anong nakakaloko sa tingin niya—para bang nang-aasar na hindi ko maintindihan.Lester just stood there, his presence heavy and warm behind me. Hindi siya mukhang nairita sa tanong ng kaniyang ama. In fact, he looked... glowy? Hindi ko alam kung sa lighting lang ba ng office o sadyang may kung anong pride na nakapinta sa mukha niya ngayon.“Yes, Father,” tanging sagot ni Lester. Tipid pero may diin.“I see. She is pretty enough to carry our name.”PUÑETA?! Halos maibuga ko ang tubig na iniinom ko. Kinuhaan kasi ako ni Lester kanina mula sa dispenser nang mapansin niyang tuyong-tuyo ang lalamunan ko pagkaakyat sa apat na palapag na hagdan. Pero sa narinig ko, parang gusto ko na lang malunod sa basong hawak ko. Anong carry the name?! Enrollment lang ang pinunta ko rito, hindi audition para maging asawa!Agad na gumalaw si Lester at hinagod a

  • The Billionaire’s Gorgeous Maid   CHAPTER 11:

    DESYRIE’S POV:Kinabukasan, araw ng Biyernes. Day-off ni Lester kaya naman maaga kaming gumayak para pumunta sa University na pagmamay-ari niya. It wasn't as famous as the main Salvatiero Institute, but it was enough to be Lumiere’s silent rival.“This is L.J. Salvatiero University. One of the top-performing schools under the Salvatiero name, but this one... this is mine. I designed and organized this myself,” Pagmamalaki niya nang makababa kami sa tapat ng entrance. Inabot niya ang susi ng kaniyang sasakyan sa isa sa mga security guard na agad na sumaludo sa kaniya.I looked around the campus. Napasinghap ako. It was huge—modern, sleek, and screaming with architectural genius. Sobrang lawak ng campus na sa pakiwari ko, mapupudpud ang sapatos mo kung lalakarin mo lang. Napansin ko rin ang mga modernized jeepneys na naka-park sa loob.Ang ganda ng atmosphere. Students were chilling on the manicured grass; may mga nagkukwentuhan, mga magbabarkadang nagtatawanan, at mayroon namang s

  • The Billionaire’s Gorgeous Maid   CHAPTER 10:

    DESYRIE’S POV:Pag-uwi ko, mabilis akong naglakad pabalik sa condo building. Pilit kong nilulunok ang bawat hikbi para lang hindi makita ng mga tao kung gaano ako kahina. I tried to keep my head up, but my world was already crumbling. Pag-tingog ng elevator, kumaripas ako ng takbo patungo sa unit niya.Agad akong nagmukmok sa kwartong pansamantala kong inookupa. Isa pa ito sa mga pinoproblema ko—ang makahanap ng bagong malilipatan.Hindi naman sa ayaw ko rito. Sa totoo lang, pakiramdam ko ay nasa sarili akong tahanan. Wala ring reklamo sa akin si Lester dahil tumutulong naman ako kay Manang Melia sa mga gawaing bahay, kahit na may tagalinis naman ng unit niya linggo-linggo. It’s just... nahihiya na ako sa kaniya. Sobra-sobra na ang naitulong niya.I slumped my body hard on the soft mattress, and there, I finally let it all out. Hinayaan ko ang sarili kong malunod sa hagulgol dahil sa pangarap na binasura sa isang iglap. I was once a loyal maid—devoted to her work and dreams. Pero da

  • The Billionaire’s Gorgeous Maid   CHAPTER 9:

    DESYRIE’S POV: Hapon ng araw na iyon, nag-aayos ako ng sarili dahil pupunta ako sa University na papasukan ko. Pinagpaalam ko pa nga ito kay Lester kanina bago siya umalis, at gaya ng inaasahan, marami na naman siyang sermon sa akin. Kesyo mapapagod lang daw ako, o 'di kaya ay huwag na muna akong lumabas. Ngunit pinabayaan ko na lang muna ang mga babala niya. Malay natin, makapasok ako ngayong enrollment, 'di ba? Iyon na lang ang tanging pag-asang pinanghahawakan ko. Suot ang mumurahing Aeropostale shirt, black square pants, at ang white shoes na hindi pa man din lubos na natutuyo dulot ng nangyari kagabi, gumayak na ako palabas ng condo. Naghihintay na sa akin sa baba ang Grab car na pina-book ni Lester kanina paglabas ko. Kahit papaano, nagpapasalamat ako sa kaniya dahil hindi ko na kailangang makipagsapalaran sa init at commute. The ride to the Salvatiero University Institute was not that long. Pagdating ko roon, agad akong nilapitan ng isang female guard para sa inspeksy

  • The Billionaire’s Gorgeous Maid   CHAPTER 8:

    LUMIERE’S POV: “Good morning, Sir!” Nakahilera ang mga kasambahay ko sa isang sulok ng engrandeng hallway. Para silang mga sundalong nakaabang sa pagdating ng Heneral. Walang gumagalaw, halos walang humihinga habang hinihintay ang aking pagdaan. “Morning,” tipid at malamig kong sagot. Lalagpasan ko na sana sila, ngunit bigla akong napatigil. May mali. May kulang. Lumingon ako muli at tinitigan silang lahat. Isa-isa kong binilang ang mga mukhang nasa harap ko. Kulang sila ng isa. “Where is Desyrie?” tanong ko sa boses na kasing-lamig ng yelo. Ang ayoko sa lahat ay ang mga taong kukupad-kupad sa oras ng trabaho. Isang pagkakamali lang, at alam nilang walang puwang ang awa sa mansyong ito. Nagkatitigan ang mga yaya, tila lito at pilit na kinukuwenta ang bilang ng mga kasamahan nila. “Sir, sakto naman po ang bilang namin, ah?” lakas-loob na saad ng mayordoma. “’Di ba po... tinanggal niyo na si Desyrie kagabi?” Natigilan ako. Biglang nagbalik sa isip ko ang mga nangyari kagabi. I wa

  • The Billionaire’s Gorgeous Maid   CHAPTER 7:

    LESTER’S POV: Kagagaling ko lang sa Salvatiero Firm at pauwi na. It was one of the largest companies in the architecture and construction industry. With billions of pesos worth of projects and investors from around the world, it was known as one of the most prestigious firms in the Philippines. I was the General Manager of the firm, while Lumiere is the CEO—matapos pumanaw ang kaniyang ama ilang taon na ang nakalilipas dahil sa cardiac arrest. Habang nagmamaneho, hindi ko mapigilan ang magbalik-tanaw sa nangyari kanina sa mansyon. Lingid sa kaalaman ng lahat, I saw Desyrie looking at the two ex-lovers in the garden earlier. I saw the visible pain in her eyes—the same pain I feel whenever I look at her and Lumiere having their small talks. Aayain ko sana si Lumiere na mag-golf kanina, subalit nawala na ang gana ko nang makita kong kasama na niya ulit ang kaniyang ex-fiancée na si Cassandra—the woman who broke his heart a year ago. My mind was occupied with those thoughts when,

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status