LOGIN
DESYRIE’S POV:
“Ano ba naman ’yan, Carlito! Wala ka na ba talagang gagawin kundi ang uminom nang uminom, ha?!” Iyan ang bungad sa akin pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay. Sanay na ang mga tenga ko, pero ang puso ko, parang laging pinupukpok sa pagod. Inilapag ko ang mga bitbit kong plastic ng ulam sa amoy-amag naming lamesa. Hindi na ako lumingon sa kanila; diretso na ako sa hagdan para umakyat sa kwarto. Ganito na lang palagi. Kung hindi kakapusan sa pera, ang bisyo naman ni Tatay ang pinag-uugatan ng gulo. Ito ang dahilan kung bakit ayaw kong magmahal. Ayaw kong pumasok sa isang bagay na sa huli ay sasakal lang din sa akin. Pag-ibig? Para sa akin, katumbas lang ’yan ng pagpapakabaliw sa maling tao. Pagkapasok sa kwarto, agad akong nagpalit ng pambahay. Mas pinili ko pang makipag-bonding sa apat na sulok ng silid na ito kaysa masaksihan ang paulit-ulit na bangayan sa ibaba. “Ate…” Isang mahinang katok ang nagpabangon sa akin mula sa pagkakahiga. Si Gela. Kapatid ko siya sa ama. Bukod kasi sa pagiging lasenggo, mahilig din si Tatay sa babae. Napakagaling, ’di ba? Hindi na nga kami makuhang buhayin nang tama, mas inuuna pa ang tawag ng laman kaysa sa amin ni Nanay. At heto si Nanay, nagtitiis sa kabila ng lahat. Working student ako at nagtatrabaho sa isang restaurant bilang isang waiter malapit lang sa amin. Graduating na ako sa high school at sa susunod na taon, kolehiyo na ako at balak kong lumayo. Habang si Gela naman ay siyam na taon pa lang, Grade 3. “O, bakit, bunso?” Pumasok siya sa kwarto at bumungad ang namumugto niyang mga mata. Sa background, rinig na rinig pa rin ang nagtataasang boses nina Nanay at Tatay. “Ate, natatakot ako kay Tatay,” hikbi niya bago tumakbo palapit sa akin. Niyakap ko siya nang mahigpit para patahanin. “Shh… Tahan na. Nandito si Ate, okay? Hindi kita pababayaan.” Hinaplos ko ang itim niyang buhok habang nakatingin sa pinto. Sa sandaling iyon, mas lalong tumindi ang desisyon ko: kailangang makaalis kami sa impyernong ito. Nang gabi ring iyon, sabay kaming bumaba ni Gela para maghapunan. Nadatnan namin si Nanay na may malaking black eye sa mukha habang sineserbihan si Tatay na parang walang nangyari. Ngumiti siya sa amin nang makita kami, pero sa pagkakataong ito, hindi ko siya ginantihan. Seryoso lamang akong naupo sa aking upuan katabi ni Gela na pilit binabasag ang katahimikan naming lahat. Tahimik ako sa hapag, habang si Tatay naman ay panay ang tanong sa akin. “So, anong balak mo sa susunod na taon? Mag-aaral ka? Huwag na, magtrabaho ka na lang,” aniya. Nanatili akong tahimik, ngunit sa loob-loob ko’y gusto kong magprotesta. Bakit, ikaw ba ang nagpapaaral sa akin? Ni piso nga, wala kang ginastos sa allowances at tuition ko! Simula noong tumuntong ako ng high school, sariling kayod ko ang lahat. Kung hindi dahil sa mga kaibigan kong sina Shiloh at Liora, hindi ako makakahanap ng trabaho sa restaurant para may maiuwi at maabot kay Nanay nang patago. “Paano kaya kung lumuwas ka na lang ng Maynila? Doon ka na magtrabaho, ang liit-liit ng kita mo rito,” dagdag pa niya, tila ba sa pinaghirapan niya galing ang pagkaing kinakain niya ngayon. Si Nanay naman ay nanatiling tahimik, pero bakas sa kaniyang mga mata ang pagtutol. Alam kong ayaw niyang sumagot, dahil isang kibo lang niya, panibagong giyera na naman ang sasabog. Sa sinabi ni Tatay, pansamantala akong natigilan. Hindi dahil sa inis, kundi dahil sa isang realisasyon—pwede akong mag-aral doon habang nagtatrabaho. Tama! Iyon ang tanging paraan para makatakas. Pagkatapos ng hapunan, lumabas muna ako ng bahay para mapag-isa. Narito ako ngayon sa kamalig na ipinagawa ko—ang aking munting sanctuary tuwing hindi ko na kaya ang toxic na hangin sa loob ng bahay. Si Gela naman ay maagang nakatulog matapos naming maglaro nang sandali. Hawak ko ang aking lila na notebook—ang aking diary. Dito ko ibinubuhos ang lahat ng hinanaing at sikretong hindi ko masabi sa iba. “Sana, sa paglipas ng mga buwan, magbago naman ang aking buhay.” Iyan ang huling isinulat ko bago ko isinara ang notebook at tumingala sa langit. Napakaganda ng buwan, nagbibigay ng liwanag sa madilim na bahagi ng kalangitan. Doon ko napagtantong hindi pa huli ang lahat para mag-umpisa ng bagong buhay. Ang tanging nagpapakirot lang sa puso ko ay ang katotohanang maiiwan ko si Gela sa impyernong ito. Malalim akong huminga. Malapit na. Kinabukasan, Biyernes. Wala kaming pasok dahil sa schedule ng school, pero mas pinili ko pa ring pumasok para tumambay sa aming tambayan. Kahit saan, huwag lang sa bahay. “Sigurado ka na ba riyan, teh? Masyadong malawak ang Maynila. Baka mamaya, hindi ka makauwi nang buhay pagkalipas ng tatlong taon,” ani Shiloh habang hinahalo ang kaniyang orange juice. Nandito kami sa restaurant na pinagtatrabahuhan ko, nagmemeryenda bago ang shift ko. “Marami ring masasamang tao roon, mahirap magtiwala.” Napangisi ako nang mapait. Mahirap pagkatiwalaan? Bakit, itong probinsya ba natin, hindi rin ba delikado? “Oo nga,” sang-ayon naman ng kambal niyang si Liora, puno pa ang bibig ng croissant. Isinandal ko ang aking mga braso sa mesa. Ubos na ang lemonade ko pero ang spaghetti sa pinggan ko ay tila hindi na nabawasan. Bigla akong nawalan ng gana. “Oo, sigurado na ako.” Nagkatinginan ang kambal. Alam nila ang sitwasyon ko. Alam nilang ito na lang ang tanging paraan para mailigtas ko ang sarili ko at, balang araw, pati ang kapatid ko. “O sige, I’ll ask Mom kung may kilala siyang pwedeng tumulong sa iyo roon,” saad ni Shiloh, mangiyak-ngiyak na habang hinahawakan ang kamay ko. “Basta ingatan mo ang sarili mo roon, ah? Ma-mi-miss ka namin!” Napa-irap ako sa kaniya kahit naiiyak din ako. “Ikaw talaga, napaka-OA mo! Matagal pa ’yon, no! May dalawang buwan pa.” “Hindi ka pa nasanay riyan? Eh, mas OA pa talaga ’yan kaysa sa akin!” biro ni Liora habang humahagikgik. Nag-umpisa na namang magbangayan ang dalawang magulong kambal sa harap ko. Umiling-iling na lang ako at ibinalik ang tingin sa pagkain. Sana nga, tama ang desisyong ito. Sana sa Maynila, mahanap ko ang buhay na ipinagkait sa akin dito.DESYRIE’S POV:“So, she’s the one?” tanong ng lalaki.Ang kaniyang mga mata ay lumipat sa lalaking nakatayo sa likuran ko. Ewan ko, pero may kung anong nakakaloko sa tingin niya—para bang nang-aasar na hindi ko maintindihan.Lester just stood there, his presence heavy and warm behind me. Hindi siya mukhang nairita sa tanong ng kaniyang ama. In fact, he looked... glowy? Hindi ko alam kung sa lighting lang ba ng office o sadyang may kung anong pride na nakapinta sa mukha niya ngayon.“Yes, Father,” tanging sagot ni Lester. Tipid pero may diin.“I see. She is pretty enough to carry our name.”PUÑETA?! Halos maibuga ko ang tubig na iniinom ko. Kinuhaan kasi ako ni Lester kanina mula sa dispenser nang mapansin niyang tuyong-tuyo ang lalamunan ko pagkaakyat sa apat na palapag na hagdan. Pero sa narinig ko, parang gusto ko na lang malunod sa basong hawak ko. Anong carry the name?! Enrollment lang ang pinunta ko rito, hindi audition para maging asawa!Agad na gumalaw si Lester at hinagod a
DESYRIE’S POV:Kinabukasan, araw ng Biyernes. Day-off ni Lester kaya naman maaga kaming gumayak para pumunta sa University na pagmamay-ari niya. It wasn't as famous as the main Salvatiero Institute, but it was enough to be Lumiere’s silent rival.“This is L.J. Salvatiero University. One of the top-performing schools under the Salvatiero name, but this one... this is mine. I designed and organized this myself,” Pagmamalaki niya nang makababa kami sa tapat ng entrance. Inabot niya ang susi ng kaniyang sasakyan sa isa sa mga security guard na agad na sumaludo sa kaniya.I looked around the campus. Napasinghap ako. It was huge—modern, sleek, and screaming with architectural genius. Sobrang lawak ng campus na sa pakiwari ko, mapupudpud ang sapatos mo kung lalakarin mo lang. Napansin ko rin ang mga modernized jeepneys na naka-park sa loob.Ang ganda ng atmosphere. Students were chilling on the manicured grass; may mga nagkukwentuhan, mga magbabarkadang nagtatawanan, at mayroon namang s
DESYRIE’S POV:Pag-uwi ko, mabilis akong naglakad pabalik sa condo building. Pilit kong nilulunok ang bawat hikbi para lang hindi makita ng mga tao kung gaano ako kahina. I tried to keep my head up, but my world was already crumbling. Pag-tingog ng elevator, kumaripas ako ng takbo patungo sa unit niya.Agad akong nagmukmok sa kwartong pansamantala kong inookupa. Isa pa ito sa mga pinoproblema ko—ang makahanap ng bagong malilipatan.Hindi naman sa ayaw ko rito. Sa totoo lang, pakiramdam ko ay nasa sarili akong tahanan. Wala ring reklamo sa akin si Lester dahil tumutulong naman ako kay Manang Melia sa mga gawaing bahay, kahit na may tagalinis naman ng unit niya linggo-linggo. It’s just... nahihiya na ako sa kaniya. Sobra-sobra na ang naitulong niya.I slumped my body hard on the soft mattress, and there, I finally let it all out. Hinayaan ko ang sarili kong malunod sa hagulgol dahil sa pangarap na binasura sa isang iglap. I was once a loyal maid—devoted to her work and dreams. Pero da
DESYRIE’S POV: Hapon ng araw na iyon, nag-aayos ako ng sarili dahil pupunta ako sa University na papasukan ko. Pinagpaalam ko pa nga ito kay Lester kanina bago siya umalis, at gaya ng inaasahan, marami na naman siyang sermon sa akin. Kesyo mapapagod lang daw ako, o 'di kaya ay huwag na muna akong lumabas. Ngunit pinabayaan ko na lang muna ang mga babala niya. Malay natin, makapasok ako ngayong enrollment, 'di ba? Iyon na lang ang tanging pag-asang pinanghahawakan ko. Suot ang mumurahing Aeropostale shirt, black square pants, at ang white shoes na hindi pa man din lubos na natutuyo dulot ng nangyari kagabi, gumayak na ako palabas ng condo. Naghihintay na sa akin sa baba ang Grab car na pina-book ni Lester kanina paglabas ko. Kahit papaano, nagpapasalamat ako sa kaniya dahil hindi ko na kailangang makipagsapalaran sa init at commute. The ride to the Salvatiero University Institute was not that long. Pagdating ko roon, agad akong nilapitan ng isang female guard para sa inspeksy
LUMIERE’S POV: “Good morning, Sir!” Nakahilera ang mga kasambahay ko sa isang sulok ng engrandeng hallway. Para silang mga sundalong nakaabang sa pagdating ng Heneral. Walang gumagalaw, halos walang humihinga habang hinihintay ang aking pagdaan. “Morning,” tipid at malamig kong sagot. Lalagpasan ko na sana sila, ngunit bigla akong napatigil. May mali. May kulang. Lumingon ako muli at tinitigan silang lahat. Isa-isa kong binilang ang mga mukhang nasa harap ko. Kulang sila ng isa. “Where is Desyrie?” tanong ko sa boses na kasing-lamig ng yelo. Ang ayoko sa lahat ay ang mga taong kukupad-kupad sa oras ng trabaho. Isang pagkakamali lang, at alam nilang walang puwang ang awa sa mansyong ito. Nagkatitigan ang mga yaya, tila lito at pilit na kinukuwenta ang bilang ng mga kasamahan nila. “Sir, sakto naman po ang bilang namin, ah?” lakas-loob na saad ng mayordoma. “’Di ba po... tinanggal niyo na si Desyrie kagabi?” Natigilan ako. Biglang nagbalik sa isip ko ang mga nangyari kagabi. I wa
LESTER’S POV: Kagagaling ko lang sa Salvatiero Firm at pauwi na. It was one of the largest companies in the architecture and construction industry. With billions of pesos worth of projects and investors from around the world, it was known as one of the most prestigious firms in the Philippines. I was the General Manager of the firm, while Lumiere is the CEO—matapos pumanaw ang kaniyang ama ilang taon na ang nakalilipas dahil sa cardiac arrest. Habang nagmamaneho, hindi ko mapigilan ang magbalik-tanaw sa nangyari kanina sa mansyon. Lingid sa kaalaman ng lahat, I saw Desyrie looking at the two ex-lovers in the garden earlier. I saw the visible pain in her eyes—the same pain I feel whenever I look at her and Lumiere having their small talks. Aayain ko sana si Lumiere na mag-golf kanina, subalit nawala na ang gana ko nang makita kong kasama na niya ulit ang kaniyang ex-fiancée na si Cassandra—the woman who broke his heart a year ago. My mind was occupied with those thoughts when,







