LOGINDesyrie’s POV
“Okay, here are the rules in my house. First things first, no guys allowed in here. Second, I want everything to be perfect. Third, wear your uniform all the time while working.” Dala-dala ang aking mga gamit, pumasok ako sa malawak na mansyong tila walang kabuhay-buhay. Puti at kape ang disenyo—malamig at istrikto. Tahimik lang akong nakikinig sa kaniya, tumatango nang malumanay habang mine-memorize ang bawat sulok ng bahay. Nauna siyang maglakad sa akin na para bang isa akong mikrobyo na ayaw niyang madikitan. Pinagmamasdan ko ang kaniyang likuran. Honestly? It feels like I’m watching a perfect view. Disturbing, yet perfect. Hay! Ano ba itong pinag-iisip ko? P*****a, Desyrie, umayos ka. “And last but not the least...” Bigla siyang huminto at lumapit sa akin. Muntik ko nang mahigit ang hininga ko nang magkatitigan kami. His eyes, colored with ash-black—almost gray—caught me off guard. “Don’t fall in love with me.” Napakurap ako. Nanatili akong tahimik at mukhang inosente sa harap niya, pero sa loob-loob ko, gusto ko na siyang tawanan nang malakas. Fall in love? As if! Sa tingin ba niya, madadala niya ako sa ganiyang tingin? Para sa akin, ang malakas lang naman sa mga lalaki ay ang kanilang mga libog. Isang kumpol sila ng mga assholes na mahilig manira ng puso—at buhay—ng mga babae. Pero pagdating sa responsibilidad? Ekis na silang lahat. Man-hater na kung man-hater, pero iyon ang katotohanan. Sabi nila, may tatlong uri ng pag-ibig, pero para sa akin, wala nang "forever" sa pagitan ng isang lalaki at babae. Kagaya ng tatay ko—alak at laman lang ang alam. Mabuti na nga lang at nakuha ko ang pasensya ni Nanay, kaya naman mahal ko ang kapatid kong si Gela kahit bunga pa siya ng pambababae ni Tatay. “Yes, Sir. I understand,” malumanay kong sagot, bagaman sa isip ko ay isinusumpa ko na ang kaniyang kayabangan. I could feel my heartbeat racing as fast as a horse nang lumayo siya sa akin. Tangina talaga? Muli siyang tumalikod. “Failure to follow these rules will result in major consequences that will lead to immediate termination. The maid’s headquarters are on the left. Manang Celia will guide you.” Isang matandang babae ang lumapit sa akin. Para siyang si Gloria Romero, ngunit lowkey version niya. Tinulungan niya ako sa aking mga gamit. “And as for your schooling, I will talk to one of my board members and ask them to let you in.” Iyon lang, at mabilis na akong iniwan ni Sir Lumiere na nakatulala. P*****a talaga niya! Akala mo kung sinong guwapo... kahit totoo naman. Nang mawala siya sa paningin ko, doon lang ako nakahinga nang maluwag. Tinulungan ako ni Manang Celia sa aking mga gamit. Nang makarating kami sa headquarters, naabutan namin ang iba naming kasama na abala sa paghahanda. Bakit sila nagbibihis? Hindi ba’t oras na ng pahinga? Mag-aalas otso na ng gabi, ah! “Sila ang mga yayang nakatoka sa gabi,” saad ni Manang, na tila binabasa ang takbo ng isip ko. “Dito sa mansyon ni Sir Lumiere, hindi uso ang pahinga.” Napatango ako nang wala sa sarili habang tinitingnan ang mga kasamahan ko. Aba, ayos siya, ah! Akala niya yata sa mga taong narito ay robot. Kahit ang Diyos nga ay nagpahinga noong ginawa Niya ang mundo, sila pa kaya? Feeling niya yata ay mas mataas pa siya sa Kanya, gayong tao lang din naman siyang may puso, isip, at damdamin. At kagaya ng lahat, napapagod din sila—lalo na’t matatanda na rin ang karamihan sa kanila. Pinagmamasdan ko silang nag-aayos sa harap ng salamin. Sinisiguro nilang presentable silang tingnan bago silbihan ang feelingero na ’yon. “Pero alam mo, napakaswerte mo, hija, at kinausap ka niya,” patuloy ni Manang matapos naming ipasok ang mga gamit ko sa pinakadulong bahagi ng headquarters. Hotel-style ang silid—may sariling kwarto ang bawat maid, may kusina, at kumpleto ang gamit. “Bakit naman po? Eh, mukha namang masungit ’yun. Siguradong hindi kami magkakasundo niyon,” sagot ko. Mainitin pa naman ang ulo ko at mabilis mainis sa mga taong ganoon. Isa-isa kong inilapag ang mga damit sa higaan para mailagay sa cabinet. Naupo si Manang sa harap ko at tinulungan ako sa pagtutupi. “Hindi kasi basta-basta kinakausap si Sir,” panimula niya. “Nagsimula lang maging ganyan ang ugali niya simula noong iniwan siya ng mapapangasawa at ipinalit sa isang mas mayamang lalaki.” Doon ako natigilan. Ipinagpalit? Si Sir Lumiere? Eh, kung ide-describe ko nga, nasa kaniya na ang lahat—yaman, mukha, estilo, at tindig. “Mabait ’yan dati, hija. Palangiti, palatawa, joker pa nga. Pero nagbago ang lahat dahil kay Ma’am Cassandra. Kaya nagtataka kami kanina na kinausap ka niya, lalo na noong lumapit siya sa iyo,” aniya habang maingat na isinasalansan ang mga t-shirt ko ayon sa kulay. Sinusunod niya ang paraan ko. May ADHD ako at hindi ko kayang makakita ng gamit na hindi naka-organisa ayon sa kategorya o kulay. “Hindi pa namin nakikita si Sir na gumanyan simula noong iniwan siya ng babaeng iyon.” “Eh, mabait ba talaga ’yan, Manang? Sigurado po ba kayo? Sobrang feelingero niya kaya! Akala niya yata, lahat ng babae ay mahuhulog sa kaniya,” wika ko habang iwinawasiwas ang isang pulang dress. Gusot-gusot na ito dahil bihira ko lang gamitin. Ewan ko ba kung bakit dinala ko pa ito rito sa Maynila. Mahinang natawa si Manang, halatang naaaliw sa talas ng dila ko kahit malumanay ang boses ko. “Alam mo, hija, sa lahat ng babaeng nakakasalubong ni Sir Lumiere, ikaw lang yata ang hindi tinatablan ng karisma niya.” Aba! Hindi talaga, ’no! Hindi nga ba? Eh, kanina nga, halos manlupasay ka na sa sahig nang makita ang mapang-akit niyang mga mata, eh! kantsaw ng isang bahagi ng aking isip. Lihim kong ipinilig ang isiping iyon. Gusto kong kurutin ang sarili kong utak sa katraydurang ginagawa nito. Basta! I will stand my ground. I will never fall in love with a guy like him. Never! Isinampay ko ang pulang dress sa hanger nang may diin. Kung akala ni Sir Lumiere ay magiging isa ako sa mga babaeng nagkakandarapa sa kaniya, nagkakamali siya. Naparito ako para mag-aral at magtrabaho, hindi para dagdagan ang listahan ng mga babaeng iniwan at sinaktan ng kaniyang "karisma." Period!DESYRIE’S POV:“So, she’s the one?” tanong ng lalaki.Ang kaniyang mga mata ay lumipat sa lalaking nakatayo sa likuran ko. Ewan ko, pero may kung anong nakakaloko sa tingin niya—para bang nang-aasar na hindi ko maintindihan.Lester just stood there, his presence heavy and warm behind me. Hindi siya mukhang nairita sa tanong ng kaniyang ama. In fact, he looked... glowy? Hindi ko alam kung sa lighting lang ba ng office o sadyang may kung anong pride na nakapinta sa mukha niya ngayon.“Yes, Father,” tanging sagot ni Lester. Tipid pero may diin.“I see. She is pretty enough to carry our name.”PUÑETA?! Halos maibuga ko ang tubig na iniinom ko. Kinuhaan kasi ako ni Lester kanina mula sa dispenser nang mapansin niyang tuyong-tuyo ang lalamunan ko pagkaakyat sa apat na palapag na hagdan. Pero sa narinig ko, parang gusto ko na lang malunod sa basong hawak ko. Anong carry the name?! Enrollment lang ang pinunta ko rito, hindi audition para maging asawa!Agad na gumalaw si Lester at hinagod a
DESYRIE’S POV:Kinabukasan, araw ng Biyernes. Day-off ni Lester kaya naman maaga kaming gumayak para pumunta sa University na pagmamay-ari niya. It wasn't as famous as the main Salvatiero Institute, but it was enough to be Lumiere’s silent rival.“This is L.J. Salvatiero University. One of the top-performing schools under the Salvatiero name, but this one... this is mine. I designed and organized this myself,” Pagmamalaki niya nang makababa kami sa tapat ng entrance. Inabot niya ang susi ng kaniyang sasakyan sa isa sa mga security guard na agad na sumaludo sa kaniya.I looked around the campus. Napasinghap ako. It was huge—modern, sleek, and screaming with architectural genius. Sobrang lawak ng campus na sa pakiwari ko, mapupudpud ang sapatos mo kung lalakarin mo lang. Napansin ko rin ang mga modernized jeepneys na naka-park sa loob.Ang ganda ng atmosphere. Students were chilling on the manicured grass; may mga nagkukwentuhan, mga magbabarkadang nagtatawanan, at mayroon namang s
DESYRIE’S POV:Pag-uwi ko, mabilis akong naglakad pabalik sa condo building. Pilit kong nilulunok ang bawat hikbi para lang hindi makita ng mga tao kung gaano ako kahina. I tried to keep my head up, but my world was already crumbling. Pag-tingog ng elevator, kumaripas ako ng takbo patungo sa unit niya.Agad akong nagmukmok sa kwartong pansamantala kong inookupa. Isa pa ito sa mga pinoproblema ko—ang makahanap ng bagong malilipatan.Hindi naman sa ayaw ko rito. Sa totoo lang, pakiramdam ko ay nasa sarili akong tahanan. Wala ring reklamo sa akin si Lester dahil tumutulong naman ako kay Manang Melia sa mga gawaing bahay, kahit na may tagalinis naman ng unit niya linggo-linggo. It’s just... nahihiya na ako sa kaniya. Sobra-sobra na ang naitulong niya.I slumped my body hard on the soft mattress, and there, I finally let it all out. Hinayaan ko ang sarili kong malunod sa hagulgol dahil sa pangarap na binasura sa isang iglap. I was once a loyal maid—devoted to her work and dreams. Pero da
DESYRIE’S POV: Hapon ng araw na iyon, nag-aayos ako ng sarili dahil pupunta ako sa University na papasukan ko. Pinagpaalam ko pa nga ito kay Lester kanina bago siya umalis, at gaya ng inaasahan, marami na naman siyang sermon sa akin. Kesyo mapapagod lang daw ako, o 'di kaya ay huwag na muna akong lumabas. Ngunit pinabayaan ko na lang muna ang mga babala niya. Malay natin, makapasok ako ngayong enrollment, 'di ba? Iyon na lang ang tanging pag-asang pinanghahawakan ko. Suot ang mumurahing Aeropostale shirt, black square pants, at ang white shoes na hindi pa man din lubos na natutuyo dulot ng nangyari kagabi, gumayak na ako palabas ng condo. Naghihintay na sa akin sa baba ang Grab car na pina-book ni Lester kanina paglabas ko. Kahit papaano, nagpapasalamat ako sa kaniya dahil hindi ko na kailangang makipagsapalaran sa init at commute. The ride to the Salvatiero University Institute was not that long. Pagdating ko roon, agad akong nilapitan ng isang female guard para sa inspeksy
LUMIERE’S POV: “Good morning, Sir!” Nakahilera ang mga kasambahay ko sa isang sulok ng engrandeng hallway. Para silang mga sundalong nakaabang sa pagdating ng Heneral. Walang gumagalaw, halos walang humihinga habang hinihintay ang aking pagdaan. “Morning,” tipid at malamig kong sagot. Lalagpasan ko na sana sila, ngunit bigla akong napatigil. May mali. May kulang. Lumingon ako muli at tinitigan silang lahat. Isa-isa kong binilang ang mga mukhang nasa harap ko. Kulang sila ng isa. “Where is Desyrie?” tanong ko sa boses na kasing-lamig ng yelo. Ang ayoko sa lahat ay ang mga taong kukupad-kupad sa oras ng trabaho. Isang pagkakamali lang, at alam nilang walang puwang ang awa sa mansyong ito. Nagkatitigan ang mga yaya, tila lito at pilit na kinukuwenta ang bilang ng mga kasamahan nila. “Sir, sakto naman po ang bilang namin, ah?” lakas-loob na saad ng mayordoma. “’Di ba po... tinanggal niyo na si Desyrie kagabi?” Natigilan ako. Biglang nagbalik sa isip ko ang mga nangyari kagabi. I wa
LESTER’S POV: Kagagaling ko lang sa Salvatiero Firm at pauwi na. It was one of the largest companies in the architecture and construction industry. With billions of pesos worth of projects and investors from around the world, it was known as one of the most prestigious firms in the Philippines. I was the General Manager of the firm, while Lumiere is the CEO—matapos pumanaw ang kaniyang ama ilang taon na ang nakalilipas dahil sa cardiac arrest. Habang nagmamaneho, hindi ko mapigilan ang magbalik-tanaw sa nangyari kanina sa mansyon. Lingid sa kaalaman ng lahat, I saw Desyrie looking at the two ex-lovers in the garden earlier. I saw the visible pain in her eyes—the same pain I feel whenever I look at her and Lumiere having their small talks. Aayain ko sana si Lumiere na mag-golf kanina, subalit nawala na ang gana ko nang makita kong kasama na niya ulit ang kaniyang ex-fiancée na si Cassandra—the woman who broke his heart a year ago. My mind was occupied with those thoughts when,







