Bitbit ang busog na tiyan at ang utak kong naglalayag na naman sa kung anong kamunduhan, magkahawak-kamay kaming lumabas ni Lucas mula sa mamahaling French restaurant. Ang mga daliri niya ay nananatiling nakasiklop sa akin, mahigpit, mainit, at tila may sariling bersyon ng glue na nagdidikit sa aming dalawa. Habang naglalakad kami sa makintab na pasilyo ng mall, bawat hakbang namin ay parang eksena sa isang serye kung saan ako ang bida at siya naman ang napakagwapong leading man na handang pumatay para sa akin, o handang pumatay sa kama, depende sa trip namin mamaya. “Did the food satisfy you?” tanong niya, bahagyang inilapit ang mukha sa akin habang naglalakad kami. Ang bango ng hininga niya, amoy mint na may kaunting pahiwatig ng mamahaling alak na ininom niya kanina. “Sobra, Lucas! Ang lambot nung steak, parang natutunaw sa dila. Pero alam mo, mas masarap ka pa rin maging dessert,” bulong ko, sabay dikit ng balikat ko sa braso niya. Hinubog yata ng mga anghel ang braso ng lalakin
閱讀更多