Pagdating ng umaga, halos magmura na ang liwanag mula sa napakalaking salaming bintana ng penthouse ni Lucas. Iyon ang tipong nakakasilaw, iyong mapapapikit ka pabalik at mapapaisip kung bakit kailangan pang magkaroon ng umaga sa mundong ito. Pero siyempre, dahil malakas ang aking pakiramdam at may built-in alarm ata ang konsensya ko, naramdaman kong umaga na talaga.Bahagya kong iminulat ang aking mga mata. Aray ko po, ang mga binti ko! Pakiramdam ko ay dumaan sa matinding marathon ang buo kong ibaba at parang hiwa-hiwalay ang mga buto ko sa balakang. Paglingon ko sa tabi ko, mahimbing pang natutulog ang mahal kong hari. Si Lucas na mukhang mala-anghel kung matulog pero tila leon sa kama kapag nagising. Naka-dapa siya, halos nakakalat ang malalapad niyang balikat, at bahagyang nakalabas ang kalahati ng kaniyang makinis na puwet sa ilalim ng duvet.Jusko, Lord, kay aga-aga, ulam agad ang bungad! Gusto ko sanang gumapang pabalik para hawakan ang paborito kong ulam, pero biglang sumagi
Read more