Mag-log inMatagal bago tuluyang humiwalay ang mga bisig ni Lucas sa aking baywang. Kung ako lang ang tatanungin, handa naman akong manatiling nakadikit sa dibdib niya hanggang sa matapos ang taong ito. Ang bango-bango niya pa rin kahit galing siya sa matinding stress ng pagtakas sa sarili niyang kasal. Amoy mamahaling pabango na may kaunting pahiwatig ng 'sayo lang ako'. Isang kombinasyon na siguradong pamatay para sa isang marupok na tulad ko. Nang sa wakas ay lumuwag ang kaniyang yakap, hinawakan niya ang aking magkabilang balikat at tinitigan ako nang may malambot na ngiti. Ang mga mata niyang kanina lang ay puno ng bigat ay mukhang gumaan na ngayon, salamat sa sagot kong nagpatahimik sa lahat ng kaniyang pag-aalinlangan. "Are you hungry? O gusto mo munang magpahinga?" tanong niya, habang hinahawi ang ilang hibla ng buhok na humaharang sa aking mukha. Ang kaniyang malambing na boses ay may dalang kakaibang kuryente na dumaan diretso sa aking atay. Gusto kitang kainin! Bastos na sagot ng u
Napakurap-kurap ako, tila hindi agad rumeshistro sa utak ko ang mga huling salitang binitawan niya. Ang galit na kanina lang ay nag-aalab sa dibdib ko ay biglang napalitan ng matinding kalituhan. Pakiramdam ko ay nawalan ng hangin ang buong silid habang nakatitig ako sa seryosong mukha ni Lucas. "A-Anong ibig mong sabihin?" nauutal kong tanong, unt-unting ibinababa ang aking mga kamay na kanina lang ay nakahanda nang itulak siya palayo. "Paanong may ibang pakakasalan si Yanna? Lucas, huwag mo nga akong biruin ng ganyan. Kasal ninyong dalawa ang nakaplano ngayong araw. Paanong magkakaroon ng ibang lalaki?" Bumitaw si Lucas sa aking balikat ngunit nanatili siyang nakatayo nang malapit sa akin. Ang kaniyang ekspresyon ay walang bakas ng pagbibiro. Seryoso siya. Masyadong seryoso para sa isang bagay na tunog imposible. "Yanna will marry Theodore," panimula niya, ang kaniyang boses ay patag ngunit may bigat ang bawat pangalan na kaniyang binabanggit. "He is a man of high status. He want
Kinabukasan, nagising ako sa unti-unting pagsilip ng liwanag ng araw sa pagitan ng mga makakapal na kurtina ng hotel room. Ngunit bago ko pa man tuluyang maidilat ang aking mga mata, isang pamilyar at banayad na pakiramdam ang pumukaw sa aking ulirat. May kung anong mainit na humahaplos sa aking mukha. Isang dahan-dahang pagpapadaloy ng mga daliri mula sa aking noo, pababa sa aking pisngi, bago marahang huminto sa may gilid ng aking panga. Ang haplos na iyon ay may dalang pambihirang ingat, tila ba natatakot na sa isang maling galaw ay bigla akong maglaho na parang bula. Nang dahan-dahan kong imulat ang aking mga mata, ang sumalubong sa akin ay ang mga matang kay tagal kong kinasabikan na makita. Si Lucas. Nakahilig siya sa gilid ng kama, nakaupo sa sahig kung saan niya inilatag ang kaniyang higaan kagabi. Ang kaniyang buhok ay bahagyang gulo-gulo, at may kaunting itim sa ilalim ng kaniyang mga mata na nagpapahiwatig na hindi rin siya lubos na nakatulog. Sa kabila niyon, ang paraa
"Titingnan ko kung ano ang mangyayari bukas, Lucas," mababa at seryosong saad ko, pilit na pinatatatag ang boses na kanina lang ay basag na basag. "Papanoorin kita. Ngunit huwag mong isipin na dahil pumayag ako ay ibig sabihin noon ay pinagkakatiwalaan na kita nang buo." Sa kabila ng aking malamig na pahayag, nakita ko kung paano biglang nagbago ang anyo ni Lucas. Ang kaniyang mga mata na kanina lang ay puno ng takot at pakiusap ay biglang sumigla. Ang kaniyang mga labi ay dahan-dahang umarko sa isang maliit, ngunit totoong ngiti. Hindi siya nagreklamo na kulang ang ibinigay kong tiwala, sa halip, tila ba sapat na ang munting pagkakataong iyon para bigyan siya ng pag-asa. "Thank you for giving me a chance," bulong niya, ang kaniyang boses ay punong-puno ng labis na pasasalamat. Bakas sa kaniyang mukha na ang malamig kong pagpayag ay sapat na para sa kaniya sa ngayon. "Just watch me tomorrow. I will prove everything to you." Hindi na ako sumagot at ibinalik ko na lang ang aking ting
Tinitigan ko si Lucas. Ang kaniyang mga mata ay tila nag-aapoy na may kasamang malalim na sugat, isang pamilyar na mukha na biglang naging estranghero dahil sa tindi ng galit at paninibughong nakaguhit doon. Ang kaniyang dibdib ay mabilis na naghahanap ng hangin, parang naghahanap ng sagot na magpapakalma sa kaniya. Pero sa pagkakataong ito, wala akong balak ibigay ang kapayapaang hinahanap niya. "Bakit?" Natawa ako nang bahagya. Isang mapait at walang buhay na tawa na nanggaling sa kaibuturan ng aking pagod na puso. "Bakit mo ako tinatanong niyan, Lucas? Sino ka ba para hingan ako ng paliwanag?" "Anya, please. Don't be like that. I just really want an answer. I don't like what I saw earlier. How could you kiss someone else…” may bahid ng kirot na daing niya sa akin. Kung nung mga nakaraang araw niya ginawa ito, matutuwa ako. Pero dahil huli na ang lahat, wala na akong pakialam. "At ano naman sa 'yo?!" sa wakas ay sumabog na rin ako. Ang lahat ng luhang pinipigilan ko simula pa kan
Ipinikit ko ang aking mga mata, pilit na ibinabaon ang sarili sa init ng kaniyang mga labi, nagbabasakaling ang estrangherong pakiramdam na ito ang magiging lunas sa unti-unti kong ikinamamatay na puso. Ibang-iba ang halik niya kumpara kay Lucas. Kahit mas hinahanap ng labi ko ang labi ng kapatid niya, itinuon ko ang pokus ko sa halik ni Nathan. Nadama ko ang marahang paggalaw ng kaniyang labi sa akin. Para akong isang taong nalulunod na pilit kumakapit sa kaniya para lang makahinga. Ang amoy ng kaniyang mamahaling pabango ay bumalot sa akin. Ngunit ang sandaling iyon ay mabilis na naglaho. Hindi pa man nagtatagal ang aming mga labi sa ganoong posisyon, naramdaman ko ang biglaang pagbago ng hangin sa paligid. Bago ko pa man tuluyang maiproseso ang nangyayari, marahas at mabilis na humiwalay sa akin si Nathan. Ramdam ko ang biglaang paghila sa kaniya palayo, ang tindi ng pwersa ay nagpabitaw sa kaniyang kamay na nakahawak sa aking panga at baywang. Isang malakas at nakakabinging tuno
Pagkatapos ng tanghaliang iyon na halos hindi ko nanamnam dahil sa dagan ng konsensya, lumipas ang mga oras na tila ba bawat patak ng sandali ay may dalang mabigat na parusa. Sinubukan kong ituon ang aking pansin sa mga gawaing-bahay upang takasan ang mga mapanuring tingin ng mga kapwa ko kasambaha
Hindi ko matagalan ang titig ni Lucas. Bawat segundo na nakatitig siya sa akin habang magkahawak ang aming mga kamay ni Nathan ay tila unti-unting pumupunit sa aking puso. Gusto kong bawiin ang aking kamay, gusto kong sumigaw at sabihing, ‘Lucas, hindi totoo ito! Ikaw lang ang mahal ko!’ Ngunit nan
Ewan ko kung ilang oras akong tuluyang nilamon ng kawalan. Ang huling natatandaan ko lang bago bumigat ang aking mga talukap ay ang bango ng silid ni Nathan at ang malamig na hangin mula sa aircon na tila yumakap sa aking pagod na pagod na katawan. Sa aking panaginip, naroon pa rin si Lucas. Nakata
"You see that?" bulong ni Nathan, ang kaniyang mukha ay nananatiling malapit sa akin habang ang kaniyang mga daliri ay marahang dumampi sa aking pisngi. Ang hawak niya ay banayad, ngunit bawat dampi ng kaniyang balat ay tila ba nag-iiwan ng kuryente na hindi dahil sa kilig, kundi dahil sa matinding







