Matatapos na ang gabi, pero ang utak ko, parang naka-unlimited data pa rin sa pag-iisip. Lampas alas-dose na ng gabi at ang buong mansyon ay balot na ng katahimikan na akala mo ay may nagdaang anghel o baka naman si Yanna lang na multo ng nakaraan at kasalukuyan ko. Ewan ko ba, simula nung umalis sila ni Lucas kanina, hindi na ako dinalaw ng antok. Nagbilang na ako ng baka, ng kambing, at ng abs ni Lucas sa utak ko, pero imbes na makatulog, lalo lang akong nagising. Ang unfair naman kasi! Bakit kapag abs ang binibilang, lalong nag-iinit ang gabi? Saka bakit ba siya late umuwi? Anong ginawa nila ni Yanna? Narito ako ngayon sa may gilid ng bintana ng mansyon, nakadungaw sa malawak na garden at sa dambuhalang gate ng mansyon. Tumakas lang ako sa maid quarters dahil hindi ako makatulog. Para akong si Rapunzel na naghihintay sa kanyang Prinsipe, ang pagkakaiba lang, wala akong mahabang buhok na pwedeng ihulog at mas gusto kong ako ang humulog sa kanya. Sa kama, charot! Erase, erase. Na
閱讀更多