AVERY POV Napatitig ako kay Mariana habang nakakapit ang mga kamay ko sa kumot. Ang talas ng boses niya kahit mahina. Iba ’yung hitsura niya ngayon kumpara nung umiiyak siya sa ibaba habang may mga bubog sa paligid. Ngayon, halatang nawala ’yung takot niya. ’Yung tingin niya sa akin, parang sinasabi niyang sa kaniya talaga si Sandro. “Mariana, tama na,” saway ni Sandro, medyo dumiin ang hawak niya sa balikat nito para iharap sa kaniya. “Bumaba na tayo. Sumasakit ang ulo mo, kailangan mo pang magpahinga.” “Ayoko,” mabilis na sagot ni Mariana, hindi niya inaalis ang tingin sa akin. “Sandro, bakit siya nandiyan? Sabi mo sa akin sa waiting shed, walang nagbago. Sabi mo ligtas ako sa’yo.” Tumingin ako kay Sandro. Gusto kong makita kung paano niya sasagutin ’yun, pero umiwas siya ng tingin. Doon sa maliit na lampshade na nakabukas sa sulok, kitang-kita ko ang pagod niya at ang pagbagsak ng kaniyang balikat. Na-realize ko bigla—ang daling sabihin na kasal kami, pero kapag nandito na
Magbasa pa