AVERY POV Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog, pero nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatagos sa kurtina ng guest room. Ang huling naaalala ko, nakaupo lang ako sa kama, pilit na pinag-iisipan ang flash drive. Pagtingin ko sa phone ko, alas-nuwebe na pala ng umaga. Tahimik ang mansyon. Paglabas ko ng kwarto, walang Sandro sa sala. Walang anino ni Tita Letty sa dining area. Si Salve lang ang nadatnan ko sa kusina na naghihiwa ng mga prutas. "Ma'am Avery, gising na po kayo?" nakangiting bati ni Salve. "Pinakiusapan po ni Sir Sandro na huwag kayong istorbohin. Sabi niya, pagod na pagod daw kayo kagabi." Napatingin ako sa labas, sa may pool area. Nakita ko si Sandro roon. Hindi siya nakasuot ng kaniyang pormal na polo at slacks. Naka-jogging pants lang siya at puting t-shirt, at nakaupo siya sa gilid ng pool, nakalubog ang mga paa sa tubig habang hawak ang isang libro. Hindi siya ang business-savvy na Sandro na nakilala ko na lagi
Read more