AVERY POV Nakatitig lang ako kay Sandro habang nakaluhod siya sa maruming semento. Ang mamahaling tela ng kaniyang slacks ay direktang sumasayad sa makapal na alikabok, pero mukhang wala siyang pakialam. Hawak niya pa rin ang black folder, nakayakap ito sa kaniyang dibdib na parang iyon na lang ang tanging bagay na nagpapanatili sa kaniya sa katinuan. Ang dumi tingnan ng sitwasyon. Ang gulo-gulo. Nakatayo ako sa gitna ng isang abandonadong bodega, sa harap ng lalaking pinakasalan ko na ngayon ay nagmamakaawa na parang bata, habang ang ex-fiancée niya ay nakatayo sa likod at may mapanuring ngiti. Sumasakit ang ulo ko sa amoy ng amag, at unt-unti ko nang nararamdaman ang panginginig ng mga binti ko. "Tumayo ka riyan, Sandro," mahina kong sabi. Gusto kong hilahin ang braso niya para patayuin siya, pero ayaw kong hawakan siya ngayon. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. "Avery, please... sa bahay natin pag-usapan 'to. I'll tell you everything, promise," bulong niya, tumitingala sa akin. Pu
Magbasa pa