AVERY POVDahan-dahan kaming naglakad ni Sandro patungo sa kainan. Alalay na alalay pa rin ang kaniyang malapad na palad sa aking baywang habang ang kabilang kamay naman niya ay nakahawak sa aking siko. Sa bawat mabagal kong tapak sa sahig, ramdam ko ang matinding ingat niya, na para bang anumang oras ay pwede akong mabuwal kapag hindi siya nakahawak nang maayos.Pagdating sa hapag-kainan, inabot agad ni Sandro ang unan na nakapatong sa kahoy na upuan at inayos ito sa likod ko. Pinaliklik muna niya ako nang maayos bago siya umupo sa aking tabi."Dahan-dahan lang sa pag-upo, Avery," pabulong niyang paalala habang nakatingin sa akin nang may pag-aalala. "Sabihin mo sa akin kapag kumikirot 'yang tahi mo.""Ayos lang ako, Sandro. Hindi naman na ganoon kasakit," nakangiting sagot ko sa kaniya habang iniaabot ang aking kamay para pisilin ang kaniyang mga daliri.Inihain ni Nanay Elena ang malaking mangkok ng mainit na tinolang manok sa gitna ng mesa. Umusok-usok pa ang sabaw nito at amoy na
Read more