AVERY POV Amoy antiseptic, malamig ang buga ng aircon, at may paulit-ulit na tunog ng monitor sa kung saan. Pagdilat ko, puting kisame na ng emergency room ang nakita ko. Naramdaman ko agad ang tusok ng swero sa likod ng kaliwang kamay ko. "Medyo kalmado na ang heartbeat mo, Mrs. Tallano," sabi nung doktor, isang babaeng may maikling buhok na abala sa pag-adjust ng suwero ko. "Mataas ang blood pressure mo kanina pagdating niyo rito. Dahil siguro sa stress at pagod. Normal naman ang ultrasound ng bata, pero kailangan mong mag-bed rest ng kahit tatlong araw. Huwag ka munang magpapagod o mag-iisip na makaka-stress sayo." "Ligtas po ang baby?" Agad kong tanong. Medyo paos ang boses ko, parang may nakabara sa lalamunan ko. "Oo, kapit na kapit si baby," ngumiti ang doktor, bago isinabit ang clipboard sa dulo ng kama ko. "Pero warning na ’to, ha? Ang cramps na naramdaman mo kanina, pwedeng magtuloy sa premature labor kung hindi ka mag-iingat. Kaya bawas sa stress." Huminga ako nang
Magbasa pa