Kibit balikat na pinagpatuloy ni Rain ang ginagawa habang nanonood naman ng TV si Sean. Hindi nagtagal ay isa isang nagpaalam ang mga kaibigan ng binata, Si Lennox ang huling lumabas ng unit nito. "Salamat sa masarap na lunch, Rain." sabi nito sa kanya, abot naman hanggang tenga ang mga ngiti niya, hindi pa rin kasi siya maka-get over na nakakausap niya ng personal ang lalaking matagal na niyang hinahangaan. "Wala yun." Nahihiyang sabi niya, inilabas niya ang cellphone sa bulsa, "Can I take a selfie with you?" Hindi naman maipinta ang mukha ni Sean habang nakatinging nakasandal sa may pintuan, siguro ay nagugutom na ito kaya inip na inip na ito. "Sure." Natatawang sabi nito. "Thanks! I'm a fan, Gustong gusto kasi kita at ang The Venom." Prangkang sabi niya. Nakita niya na lalo itong natuwa sa sinabi niya pagkuwa'y sumulyap kay Sean. Lumapit siya kay Sean. "Master, pwede mo ba kaming kuhanan ng litrato?" tanong niya sa binata, kumilos naman ito subalit kitang kita niya
อ่านเพิ่มเติม