Share

CHAPTER 118

Author: Hiraya ZR
last update publish date: 2026-08-14 10:06:37

“Bakit hindi mo pa dito sabihin?” Maang na tanong ni Rain.

Narinig niya ang pagbuga nito ng hangin.

“Just do what I said.” Napikon nang sabi ni Sean bago tuluyang pumasok muli sa loob ng silid nito.

Curious naman siyang lumabas. Lumundag ang kanyang puso nang pagbukas niya ng pinto ng silid ay kaagad na bumungad sa kanya ang guwapong mukha ng binata. Hindi pa siya nakakarekober sa pagkagulat nang bigla na lamang siyang hilahin nito at dalhin sa silid nito. Lalong nagkagulo ang sistema niya.

“T
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Gentlemen Club Series: LOVE ENTANGLEMENT   CHAPTER 120

    Ilang sandaling nakatitig si Rain sa mga litratong nakadisplay sa ibabaw ng narra divider. Habang pinagmamasdan niya ang masasayang mukha ng buong pamilya ni Granny, hindi niya maiwasang maalala ang sarili niyang pamilya. May lungkot sa mga mata niya habang marahan siyang napabuntong-hininga. Iyon na naman siya. Nararamdaman na naman niya ang pag-iisa. "Did you miss your family?" Napakislot siya nang biglang may boses na nanggaling sa likuran niya. Mabilis siyang napalingon. "S-Sean..." anas niya nang makita ang binata. Nakapamulsa ang binata habang kaswal na lumalapit sa narra divider. Saglit nitong pinagmasdan ang mga litrato bago muling ibinaling ang atensyon sa kanya. "Nakikita ko ang kalungkutan sa mga mata mo," komento nito. Muli siyang napabuntong-hininga. "Namimiss ko sila sa tuwing naiisip kong nag-iisa na talaga ako," malungkot niyang sabi. "Hindi ka naman nag-iisa ngayon." Biglang tumahip ang puso niya sa narinig. Naging seryoso ang pagtitig ni Sean sa

  • The Gentlemen Club Series: LOVE ENTANGLEMENT   CHAPTER 119

    May kakaibang ngiti sa mga labi ni Kianna nang makasabay ni Rain sa pagbaba ng hagdan upang magtungo sa komedor. Kahit puyat ay maaga siyang nagising, subalit mas nauna pa ring bumangon si Sean. Nang magising siya, wala na ito sa kama. Siniko siya ng kaibigan. “Saan ka natulog kagabi?” tanong nito. “Sa tingin ko, gusto ka rin ni Sean, Best.” “Tumigil ka nga,” aniya, subalit may pumagkit na ngiti sa kanyang mga labi. “Uy! Napapangiti siya!” Patuloy pa rin ang pang-aasar nito. Nakangiting inirapan niya ang kaibigan. “Nakakatawa ka kasi. Ang aga-aga mong mang-asar.” “Ihh! Kunwari ka pa. Kinikilig ka naman.” Siniko lamang niya ito at hindi na pinatulan ang pangbubuska ng kaibigan. Ngunit hindi niya maikakaila ang maliit na ngiti sa kanyang mga labi. Kahit ayaw niyang aminin, may bahagi sa kanyang umaasa sa mga sinabi nito. Baka nga gusto rin ako ni Sean? Napailing siya sa sarili. Huwag kang umasa, Rain. Papasok na sila sa loob ng komedor nang marinig nila ang boses

  • The Gentlemen Club Series: LOVE ENTANGLEMENT   CHAPTER 118

    “Bakit hindi mo pa dito sabihin?” Maang na tanong ni Rain.Narinig niya ang pagbuga nito ng hangin.“Just do what I said.” Napikon nang sabi ni Sean bago tuluyang pumasok muli sa loob ng silid nito.Curious naman siyang lumabas. Lumundag ang kanyang puso nang pagbukas niya ng pinto ng silid ay kaagad na bumungad sa kanya ang guwapong mukha ng binata. Hindi pa siya nakakarekober sa pagkagulat nang bigla na lamang siyang hilahin nito at dalhin sa silid nito. Lalong nagkagulo ang sistema niya. “Teka, Master. Anong gagawin mo?” gulat pa rin niyang tanong nang paupuin siya nito sa gilid ng kama at patayin ang ilaw.“Forget about any weird thoughts. I won’t do anything to you,” anito habang binubuksan ang malaking TV.Naupo ito sa tabi niya at iniabot sa kanya ang remote.“Hindi ba ang tanging magpapaantok lang sa'yo ay manood ng horror movies?” sabi nito.Obvious ang pagkasorpresa niya. Tumango siya.“Oo, pero paano ka? Ayaw mo ng horror film, hindi ba?”“Sinong nagsabi? Nanonood din nama

  • The Gentlemen Club Series: LOVE ENTANGLEMENT   CHAPTER 117

    Mula sa terrace ng silid na ibinigay kay Rain, pinagmamasdan niya ang napakalawak na lupain ng mansyon. Napakaganda ng tanawin mula roon. Ang mga bituin ay nagmistulang maliliit na dekorasyon sa madilim na kalangitan, habang ang malamig na hangin ng madaling-araw ay marahang humahaplos sa kanyang balat. Hindi siya makatulog. Palibhasa’y unang gabi niya sa mansyon at hindi pa siya sanay matulog sa ibang lugar. Isa iyon sa mga kahinaan niya kapag wala siya sa pamilyar na lugar, nahihirapan siyang makatulog. Nakaupo siya sa isang bakal na upuan, nakataas pa ang dalawang paa habang marahang humihigop ng mainit na gatas. Panay ang buntong-hininga niya. Gusto niyang gisingin ang natutulog niyang kaibigan na kasama niya sa iisang kuwarto, subalit naisip niyang mahihirapan itong makatulog muli. Ayaw niyang makaistorbo pero kailangan niya ng makakausap. Gusto niyang ilabas ang lahat ng saloobin niya. Muli siyang nagbuntong-hininga bago binalingan ang hawak niyang baso. “Mababal

  • The Gentlemen Club Series: LOVE ENTANGLEMENT   CHAPTER 116

    Sa Batangas, isang malaki at napakagandang mansyon ang bumungad kay Rain nang tuluyang huminto ang sasakyan. Madaling-araw na nang makarating sila roon, at halos tahimik na ang buong paligid. Pagkababa niya ng sasakyan, kaagad siyang sinalubong ni Kianna na kasama naman ang nobyo nitong si Drake. Mahigpit siyang niyakap ng kaibigan. “Best, kumusta ka na?” may pag-aalalang tanong nito. Ngumiti siya. “Okay lang ako, Best.” Nang bumaba si Sean sa sasakyan, tinanguan nito si Kianna bago siya nito tingnan. “Ako na ang magdadala ng mga gamit,” sabi nito. Hindi na ito naghintay ng sagot. Naglakad na agad ang binata papasok sa bakuran ng mansyon, bitbit ang kanilang mga gamit. Tumango lamang siya at tahimik na sinundan ng tingin ang binata. Hindi pa rin niya nakakalimutan ang mga sinabi nito kanina habang nasa biyahe sila. Love for family. Love for friends. At higit sa lahat, sinabi nitong maaaring magbago ang isang tao dahil sa pagmamahal, pero hindi naman nangangahulug

  • The Gentlemen Club Series: LOVE ENTANGLEMENT   CHAPTER 115

    Nagtatakang sinundan na lamang ng tingin ni Rain si Sean nang bumaba ito at pumasok sa isang convenience store. Habang naghihintay sa loob ng sasakyan, malaya niyang napagmasdan ang binata. He walks so manly. Kahit ang simpleng paglalakad nito ay napakaguwapo sa kanyang paningin. May kakaibang confidence sa bawat kilos nito, simple ngunit nakakabighani at sa mga mata niya, tila lalo itong gumagwapo sa bawat segundo. Her heart pounded harder. Geez! I'm in love with Sean. Pinagsawa niya ang kanyang mga mata sa pagmamasid dito hanggang sa tuluyan itong makabalik. Iniabot nito sa kanya ang isang supot. Nagtatakang sinilip niya ang laman. Nakita niya ang isang malamig na root beer in a can at breadsticks na may chocolate coating. Nanlaki nang bahagya ang mga mata niya bago siya napangiti. Paborito niya ang mga iyon. Madalas niya iyong kinakain kapag wala siyang ganang kumain ng hapunan. Hindi niya akalain na alam pala ni Sean ang mga paborito niyang snacks. Mabilis siyang sumulya

  • The Gentlemen Club Series: LOVE ENTANGLEMENT   CHAPTER 2

    Samantala, pagkapasok ni Drake sa loob ng sasakyan ay agad niyang hinubad ang suot na mamahaling polo at pinalitan ng nakasabit na long sleeves. Binuksan niya ang bintana at akmang ihahagis sa basurahan ang nasirang polo nang pigilan siya ng driver niya. “Boss, sayang naman! Akin na lang po. Ta

  • The Gentlemen Club Series: LOVE ENTANGLEMENT   CHAPTER 1 (Book 1: Drake&Kianna)

    Humahangos na bumaba ng taxi si Kianna at halos takbuhin na ang gusaling pinagtatrabahuhan niya. Lunes na lunes ay late na siya. Paano ba naman, buong gabi niyang hinintay ang pagdating ni Preston kahit isang tawag man lang o simpleng paghingi ng sorry, wala. Ni anino nito ay hindi niya nakita.

  • The Gentlemen Club Series: LOVE ENTANGLEMENT   CHAPTER 5

    Natagpuan ni Kianna ang sarili na naglalakad sa gilid ng kalsada nang walang tiyak na direksyon. Malamig ang hangin ng gabi ngunit hindi niya iyon maramdaman dahil mas nangingibabaw ang sakit na bumabalot sa dibdib niya ng mga sandaling iyon. Ayaw pa nga sana niyang umalis sa restaurant kung hind

  • The Gentlemen Club Series: LOVE ENTANGLEMENT   CHAPTER 4

    “Oy, grabe ka naman. Baka kung ano na naman ang iniisip mo,” natatawang sabi ni Gigi. Sinansala kaagad ang namumuong ideya sa isipan niya. “Pinagpanggap ko lang naman siyang nobyo ko para pagselosin si Calvin.” dagdag nito. "Puwede iyon?" manghang tanong niya. Bahagya itong tumawa sa reaksyo

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status